CHAPTER 2: The Man in the Suit

2871 Words
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo, lahat ng pinag-uutos ng doctor ay sinunod lahat ni Wilson, sa kagustuhan niyang gumaling agad ay sinunod niyang lahat ng payo ng doctor. Wala pa ngang dalawang linggo ay naramdaman niyang bumalik na ang lakas niya, kaya naman sinubukan niyang kausapin ang doctor kung maari na ba siyang makalabas, ngunit tumanggi lang ito at pinilit na kinailangan niyang tapusin ang dalawang linggong sinabi nito. Sa loob ng halos dalawang linggo na iyon ay ni minsan ay dinalaw si Wilson ng asawang si Celine, labis na pag-aalala ang naramdaman ni Wilson nang hindi man lang niya nakita si Celine sa mga sumunod na mga araw magmula ng magising siya. Naisip na lang ni Wilson na baka masyado na itong busy lalo na at kailangan nitong kumita ng pera para sa pangpapaospital niya. Magmula ng makatapos sa pag-aaral si Celine sa kursong Management ay agad na itong namasukan sa kumpanya ng pamilya. Nakapagtapos si Celine bilang Magna c*m Laude ng taong iyon, at madaming mga kumpanya hindi lang sa probinsya ng La Union at kahit sa Maynila ang nais na kuhanin siya, ngunit mas pinili ni Celine ang manatili sa Sta Ynez, dahil sa kagustuhan nitong makasama ang lolo, maliban pa doon ay dahil na din isa iyon sa kundisyon ni Señor Alejandaro para payagan ang pagsasama ng mag-asawa. Mula pagkabata ay minahal si Celine ng kanyang lolo at lahat halos ng gustuhin niya ay nakukuha niya, maaga kasi siyang nawalan ng mga magulang, kaya ganoon na lang ang pagmamahal na binigay sa kanya ng matanda, at dahil sa pagmamahal na iyon ay nagkaroon ng labis na inggit at galit ang pamilya ng isa pa nitong anak na si Alejandro. Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon na makuha ni Alejandro ang kumpanya at yaman ng pamilya ay sinamantala na nito ang pagkakataon nang mastroke ang sariling ama. Magmula nga noon ay hindi na naging madali ang buhay ni Celine sa piling ng tiyuhin at ang pamilya nito, at kung hindi dahil sa mahal na lolo nito ay baka tuluyan na nitong nilisan ang sariling pamilya. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Wilson, habang nakatingin sa kawalan, naisip niya kasi na kung nakapagtapos lang siya sa  lehiyo ay baka hindi kailangan magtrabaho ng ganito ni Celine para sa kanila, pero kung nagpatuloy naman siya sa pag-aaral ay paghihiwalayin sila ng tiyuhin nito. Pakiramdam ni Wilson ay napakawala niyang silbi, dahil hinahayaan niyang ang asawa ang maghanap buhay para sa kanila, at kahit gustuhin man niyang magtrabaho ay pinipigilan siya ni Señor na halatang ginagawa iyon para alipustahin at apakan ang pagkatao niya. “Nurse, wala pa din bang dumadalaw sa akin?” tanong ni Wilson sa nurse na kakapasok lang ng kuwarto niya, hindi nagmintis ang mga araw na tinatanong niya ang bagay na iyon, umaasa kasi siyang madalaw siya ni Celine kahit isang beses lang. “Sorry sir, wala pa din pong dumadalaw sa inyo.” Nakakaunawa naman nitong sagot, hindi nito maiwasang kaawaan ang naturang binata, dahil ni minsan ay nadalaw ito ng sariling pamilya. Actually, maliban sa mga mga leaders at doctor sa ospital ay wala nang nakakaalam sa totoong pagkatao ng taong ito, kahit ang nurse na pinagtanungan ni Wilson ay hindi alam ang totoo, basta ang alam lang nito ay pinabayaan lang ito ng sariling pamilya. “Ganoon ba… sige maraming salamat na lang.” pilit na ngiting sinabi ni Wilson dito. Nais man niyang tawagan si Celine ay hindi niya kabisado ang numero ng asawa, sinubukan na din niyang pakiusapan ang ilang nurse na tumitingin sa kanya, ngunit pareho lang ang mga sinasabi ng mga ito  na mahigpit ang utos na huwag na huwag silang tatawagan. Naisip naman ni Wilson na baka utos iyon ni Señor Alejandro, at dahil walang magawa si Celine ay sumang-ayon na lang din ito. Sa mga nakalipas na mga araw ay walang oras na hindi naalala ni Wilson ang asawa, naisip niya kung kamusta na ba ito o kung nakakakain ba ito ng maayos lalo na at wala siya sa tabi nito. Nagpatuloy ang mga araw, hanggang sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay na araw ni Wilson, at iyon ay ang araw kung saan puiwede na siyang makalabas. Maaga siyang nagising ng araw na iyon, hindi na siya makapaghintay na makauwi na sa kanila at para makita na ang pinakamamahal na asawa.  “Good morning doc.” Nakangiting bati ni Wilson sa doctor. “Good morning din hijo, mukhang excited ka nang makalabas ah.” Ang nakangiti naman nitong tanong. Sandali nitong chineck ang vitals ni Wilson at agad iyong sinulat  sa hawak nitong clipboard, at matapos nga ang ilang sandali ay sinabi nitong maayos naman ang mga vitals ng binata. Sa narinig ay mas lalo siyang nakaramdam ng excitement, ibig kasing sabihin noon ay maari na talaga siyang makalabas, kaya naman agad niyang tinanong kung anong oras siya papayagan. “Mga bandang hapon, puwede ka nang makalabas.” Sagot naman nito, hindi na din ito nagtagal at agad na itong lumabas ng kuwarto. Muling naiwan si Wilson na mag-isa sa loob, hindi na siya makapaghintay na makauwi, pinilit naman niyang kainin ang almusal na dinala sa kanya, kailangan niya kasi ng dagdag na lakas, dahil medyo malayo layo ang Sta Ynez. Mula kasi Manila ay aabutin ng halos mahigit apat na oras ang biyahe kung may sarili kang sasakyan at kung magbubus naman ay aabutin ng mahigit lima o anim na oras ang biyahe depende sa stopover ng sasakyan na bus, maliban pa doon ay panibagong mahigit isang oras naman mula La Union hanggang Sta Ynez, kaya naman kakailanganin niya ang lakas na makukuha niya. Sa wakas ay dumating na ang oras na hinihintay ni Wilson, alas tres ng bumukas ang pinto ng kuwarto, ngunit agad kumunot ang noo ni Wilson ng hindi ang naturang doctor ang pumasok sa kuwarto. Isang matangkad na lalaki ang nabungaran niya, isang lalaki na nakasuot ng suit, at base sa tindig nito ay masasabing hindi ito basta bastang tao. “Sino po kayo?” magalang na tanong ni Wilson sa bagong dating, base sa itsura nito ay mukhang nasa mahigit kuwarenta na din ang edad nito. “Ako po si Charles  Young Master  .” Magalang na sagot nito, laking gulat naman ni Wilson sa huling sinabi nito. “Anong… ibig ninyong sabihin na  Young Master?” naguguluhang tanong ni Wilson sa bagong dating, hindi naman niya maiwasang hindi isipin na baka namali lang ito ng kuwartong pinasok at maaraing napagkamalan lang siya nito. Malabo kasing makilala ni Wilson ang taong tulad nito, kahit sa simpleng pagsasalita lang nito ay masasabi na hindi ito basta basta. “My name is Charles  Young Master  , I am your father’s personal assistant.” Sagot nito. Mas lalo tuloy nakumpirma ni Wilson na namali lang ito ng pasok, dahil isang simpleng mangingisda lang ang Tatay niya noong nabubuhay pa ito, samantalang ang Nanay naman niya ay isang simpleng maybahay lang noong nabubuhay pa ang mga ito. Labing tatlong si Wilson ng mamatay ang mga magulang nito ng dahil sa paglubog ng sinasakyan nilang bangka, at magmula nga noon ay namuhay ng mag-isa ang binate, lahat ng trabaho ay pinasok nito para lang mabuhay at mapag-aral ang sarili, kaya nga malaking pasasalamat niya ng makakuha siya ng scholarship sa school na pinasukan niya ng nagkolehiyo na siya. “Tingin ko po ay namali kayo ng pasok ng kuwarto, malabo pong ako ang hinahanap ninyo.” Naiiling niyang paliwanag, naisip kasi ni Wilson na malabong malabo na magkaroon ng ganitong kakilala ang sariling ama. “Alam kong masyadong nakakabigla ang bagay na ito  Young Master  , pero kayo talaga ang pakay ko.” Magalang pa din nitong sinabi. “Look sir, I’m really sorry, pero hindi ko po kayo kilala at malabong ako ang hinahanap ninyong  Young Master  .” Hindi naman maiwasan ni Wilson na mairita dito, ang gusto lang naman niya ay ang makalabas na at para mabalikan na si Celine, pero hindi niya inaasahan ang pagdating ng taong ito na pilit siyang tinatawag na Young Master na para bang isa siyang tagapagmana. “This might come as a shock Young Master, pero kayo ang nawawalang anak ni Master West, kayo si Kahlen Aragones.” Seryoso nitong sinabi, sa narinig ay nanglaki naman ang mga mata ni Wilson, ngunit agad itong umiling na hindi magawang tanggapin ang sinabi ng matanda. Sa isip ni Wilson ay hindi totoo ang sinasabi ng lalaki, dahil isa lang siyang simpleng tao na may simpleng mga magulang, kaya papaanong magiging anak siya ng isang mayaman na tao. “Sorry, pero nagkakamali po kayo, hindi po ako si Kahlen ang pangalan ko po ay …” ngunit bago pa man matapos magsalita ni Wilson ay agad na iyong pinutol ng naturang lalaki. “You’re Wilson Bonifacio.” Hindi mapigilan mapamaang ni Wilson ng marinig ang sariling pangalan sa lalaki, tuluyan nang nakumpirma ng binata na siya nga ang hinahanap ng taong ito, pero hindi pa din niya matanggap ang sinabi nito. Mukhang nahalata naman ni Charles ang kaguluhan sa isip ni Wilson, kaya naman minabuti nitong ikuwento ang nangyari ng dalawang taon pa lang si Wilson. Hindi naman makapaniwala si Wilson habang pinapakinggan ang sinasabi ni Charles, ayon kasi dito ay nawalay si Wilson sa mga magulang nito ng dalawang taon palang siya. Noong mga panahon na nasa ibang bansa ang totoong ama ni Wilson ay nanatili naman sa Pilipinas ang mag-ina, at isang araw ay bigla na lang nawalan ng break ang sinasakyan nilang kotse, mapalad naman na nakatalon ang ina ni Wilson habang mahigpit na yakap ang dalawang taon na anak, ngunit hindi nagtapos doon ang lahat, dahil nang makitang hindi namatay ang mag-ina ay hinabol naman sila ng mga taong gusto silang patayin. Ayon dito ay natagpuang ang walang buhay na katawan ng ina niya, ngunit hindi nakita ang katawan ni Wilson, kaya umasa ang tunay niyang ama na maaring buhay pa ang nag-iisang anak. “Your father searched high and low, para lang makita ka, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi ka niya nahanap, hanggang sa magkataon na makita kita sa ospital sa Sta Ynez, at nang makita kita ay kinutuban na ako na ikaw na nga ang nawawala kong Young Master, kaya nang pinaalam ko kay Master West ang tungkol sayo ay inutusan niya akong magsagawa ng DNA test, at saka lang nakumpirma na ikaw nga ang hinahanap na anak ni Master West.” Pagpapatuloy nito. “Anong ibig mong sabihin na ng makita mo ako sa Sta Ynez ay kinutuban kang ako nga ang nawawalang anak ng sinasabi mong Master West?” naguguluhan pa din niyang tanong, hirap na hirap pa din siya tanggapin ang sinabi nito, dahil para sa kanya ay sa mga palabas lang sa TV at movie nangyayari ang sinasabi nito. Imbes na sagutin ang tanong ni Wilson ay minabuti ni Charles na kunin ang cellphone sa bulsa ng pantalon, sandali nitong dinial ang number na nakasave sa cellphone. “Good afternoon Master West, yes sir gising na si  Young Master  .” Tahimik naman si Wilson habang pinapakinggan ang pakikipag-usap ni Charles sa cellphone. Naguluhan naman si Wilson ng iabot nito dito ang hawak na cellphone, kahit nag-aalangan ay tinanggap ni Wilson sa nanginginig na kamay ang cellphone, at nang tignan niya ang screen ng cellphone ay nanglaki naman ang mga mata niya sa nabungaran. “Hi son.” Maemosyonal na sinabi ng lalaki sa video call, ngunit ang mas labi na  kinagulat ni Wilson ay ang itsura ng naturang lalaki na sinasabing tunay niyang ama. Kung pagmamasdan maigi ay masasabing kamukhang kamukha ni Wilson si Master West, para nga lang pinatanda itong Wilson. Natulala naman si Wilson habang wala sa sariling nakikinig sa kanyang tunay na ama, kung kanina ay hindi pa din siya naniniwala sa sinabi ni Charles ay bahagyang nagbago iyon ng makausap ang tunay na ama. Biglang nakaramdam si Wilson na hindi maipaliwanag na emosyon habang nakatingin sa emosyonal na lalaki. Ramdam na ramdam ni Wilson ang pangungulila ni Master West, patuloy itong humingi ng tawad ng dahil sa pagkakalayo nito. Humingi din ito ng paumanhin kung hindi nito nagawang makipagkita ng personal sa anak sa kadahilanan na hindi pa nahuhuli ang may pakana kung bakit namatay ang asawa at kung bakit nawalay ang anak sa kanya. Wala halos naintindihan si Wilson sa mga sinabi nito, hanggang sa ngayon ay shock pa din ang binata sa mga nalaman nito. “Habang wala ako ay si Charles na muna ang bahala sayo diyan sa Pilipinas.” Ang huling sinabi nito, bago tuluyan nagpaalam sa anak at muli ay makikita ang saya sa mga mata nito dahil saw akas ay nakausap nito sa unang pagkakataon ang nawalay na anak. Wala sa sariling binalik ni Wilson ang cellphone kay Charles ng tuluyang matapos ang naturang video call. Hanggang ngayon ay nahihirapan ang binata na iproseso ang mga nalaman, nakakaintindi naman na nakatingin lang si Charles, masaya ito na muling makita ang  Young Master   nito, bago pa man kasi ipinanganak si Kahlen ay nagtatrabaho na ito sa pamilyang Aragones, at sa maikling panahon ay nakasama na nito ang batang si Kahlen. “Young master, pinahanda ko na po ang villa na titirhan ninyo habang nandito kayo sa Pilipinas.” Magalang na sinabi ni Charles. Sa narinig naman ay agad napabalikwas ng bangon si Wilson, masyado siyang nabibilisan sa mga nangyayari kaya naman hindi niya matanggap ang inaalok nitong paglipat ko diumano sa villa na hinanda nito. “I’m sorry sir, pero masyado pa akong naguguluhan at wala akong balak tumira sa sinasabi ninyong villa.” Sagot ni Wilson. Ang gusto lang mangyari ni Wilson ay ang makabalik sa Sta Ynez, para makita si Celine, masyadong imposible ang mga nalaman niya mula dito at mula sa tunay daw niyang ama. Hindi makakaila na magkamukha nga sila ng Master West na tinutukoy noon, pero mahirap pa din tanggapin ang katotohanan na iyon para kay Wilson. Labag man sa loob ay pumayag na din si Charles, ngunit bago umalis ay may inabot itong cellphone kay Wilson, isa iyong latest model ng IPhone, ayon dito ay nandoon na din ang dating number ng binata mula sa nasirang cellphone nito ng maaksidente ito. Nabanggit din ni Charles na nagtransfer ito ng pera sa ATM  card ni Wilson, ito ang ATM card na binigay sa kanya ni Celine noon, kung sakaling may kailangan silang bilhin. Nagmamadali ang mga hakbang ni Wilson hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng ospital, natatakot kasi siyang baka sundan pa din siya ni Charles, kahit na nga ba nangako itong hindi ito magpapakita kung hindi niya ito pinatawag o kailangan. Nang tuluyang makalabas ng ospital ay agad na sumakay ng jeep si Wilson hanggang sa terminal ng bus kung saan siya sasakay papuntang La Union, magbabayad na sana siya ng malaman niyang kulang pala ang pera sa wallet niya, kaya naman naisipan nitong magwithdraw sa malapit na ATM. Biglang naalala ni Wilson ang sinabi ni Charles kanina na nagtransfer daw ito ng pera, hindi niya alam kung gaanong kaliit ang sinasabi nitong maliit na halaga, ngunit biglang nanglaki ang mga mata nito nang makita ang total amount sa monitor ng naturang ATM. “50,105,632.” Iyon ang amount na nakita ni Wilson ng sinubukan niyang mag balance inquiry, hindi siya makapaniwala kung gaano kaliit na halaga ang tinutukoy ni Charles.  Ang mahigit five thousand ay ang pera na nasa ATM card niya bago nangyari ang aksidente, kaya in total ang halagang trinansfer ni Charles ay mahigit limangpung milyon piso. Minabuti ni Wilson na magwithdraw na lang ng dalawang libo, sakto na iyon para sa pamasahe niya, nang makuha ang pera ay agad siyang dumiretso sa bayaran at ilang sandali nga lang ay sakay na si Wilson ng bus na magdadala sa kanya sa La Union. Napakadaming bagay ang naglalaro sa isip ni Wilson ng mga oras na iyon, ngunit minabuti niyang huwag na lang munang isipin ang bagay na iyon, dahil ang mahalaga ay ang makita niya Celine. Magmula ng magising si Wilson ay hindi pa niya nakita si Celine, kaya naman ganoon na lang ang pangungulilang nararamdaman niya para sa asawa. Hindi sigurado si Wilson kung dapat ba niyang ipaalam kay Celine ang nalaman tungkol sa tunay niyang pagkataon, hindi din kasi siya sigurado kung papaniwalaan ba siya nito, dahil masyadong hindi makatotohanan ang nalaman niyang iyon tungkol kay Charles at sa tunay daw niyang ama na si Master West Aragones. Sumagi din sa isip ni Wilson na baka naman na niloloko lang siya ng mga taong iyon, ngunit bigla naman nakaramdam ang binata ng pagtanggi sa dibdib ng maalala niya ang naging reaksyon ng taong nakavideo call niya kanina, muli niyang naramdaman ang pangungulila nito habang kausap siya kanina. At maliban pa doon ay hindi niya kayang ipaliwanag ang malaking halaga na nasa ATM card niya, malabong gumastos ng ganoon kalaking halaga ang mga iyon, kung hindi totoo ang sinasabi ng mga ito. Biglang napadiretso ng upo si Wilson ng may sumagi sa isip niya. Naisip ni Wilson na kung ang fifty million ay maliit lang na halaga, gaano kayang kayaman ang tunay niyang ama?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD