ADIRA POV APAT lamang ang kwarto ng resthouse nila Adam. Dalawa sa baba at dalawa sa taas. Kaya nagtig-isa na kami ng room. Bumalik agad ng Manila si Adam matapos naming maghapunan dahil sa may maaga pa itong trabaho kinabukasan at luluwas pa raw ito ng Bulacan. Crush ko si Adam but nothing more sa ngayon. Pinayagan ko itong manligaw sakin dahil as a single girl ay wala namang masama lalo nat kinikilig ako sa bawat titig at ngiti nito sakin. Kaya lang si Tyron ang matindi kong bantay. Ako ang dapat na nagbabantay sa kanya ngunit ako itong binabantayan niya!!!! Inisahan pa nga niya ako ng halik kanina. Hindi pa nya yun napagbabayaran. Pinagtutulungan pa ng magpinsan ang crush ko na ewan ko ba sa dalawa at nakakasira ng mga ulo! Katabing kuwarto ko lamang si Tyron dito sa taas at

