Chapter 3

1367 Words
DUCATI. "So... Tell me. Why do look so pissed while yelling my name?" I snapped in my own thoughts when he suddenly spoke. Saka ko lang napagtanto na napatitig pala ako sa kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin. "A-ah... W-wala. M-may ginagawa kasi akong s-story." Nauutal kong sagot. Bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to? At bakit ngayon ko lang siya nakita? "Y-you mean, you're an author?" He asked with an admiration in his eyes. Lalo siyang gumagwapo. Sh*t! "H-hindi, writer lang." Kumunot ang kanyang noo na parang nalilito. "I mean, I'm a writer pero hindi pa ako author kasi wala pa naman akong na-published na libro" I said and shifted my gaze at M&C building ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita ang motorbike ni Agent Pilak sa harap nito. Shet! Bakit? Pa'no? Mamaya ko nalang iisipin 'yan. Ito na 'yon! "I see. Now I know the difference between--- hey!" Hindi ko na pinansin ang susunod na sasabihin ng lalaking 'yon. Kahit gwapo siya at kasing hot ng kumukulong mantika ay kailangan ko muna siyang dispatsahin ngayon para magawa ko ang aking misyon. "Eunice, wait!" Dinig kong tawag niya sa pangalan ko pero dire-diretso lamang ang lakad ko at tumawid sa kabilang kalsada. Natiyempohan din kita Agent Pilak. Tumigil ako sa harap ng kanyang motorbike. Mukhang mayaman nga talaga ang Pilak na 'yon. He can't have a ducati if he is not. "Hey!" Napalingon ako kay Silver na sinundan pala ako. Geez! Hindi niya puwedeng malaman ang tungkol sa misyon ko. "Huwag mo nga akong sundan!" Pagsusungit ko ngunit tumawa lang siya ng mahina. It's more like a sexy laugh. "Sungit," komento niya na parang close na close kami. Kumag na 'to. Hinaplos ko ang kulay silver na ducati. I can't believe it. Kanina lang wala 'to ah. Bakit hindi ko manlang narinig ang pagdating niya? Dahil busy ka sa paglalandi kay Silver. Ipinilig ko ang ulo ko. Ang landi ng utak ko. "Are you planning to steal that motorbike?" Natigilan ako at tiningnan ng masama ang lalaking nasa tabi ko. Bakit ganun? Ngayon ko lang siya nakita at nakausap pero parang matagal na kaming magkakilala. He smiled. A playful one. Bumelat ako at umupo sa ducati. "Bakit ko naman nanakawin eh sa boyfriend ko 'to?" I don't know where did I get that idea but it just popped in my mind. "B-boyfriend? You already have a boyfriend?" I swear I saw something that ran through his eyes. An emotion? I don't know. It was unfathomable. "Yes, and I think you need to leave. Baka kasi makita ka pa niya. Ayaw niya kasing nakikipag-usap ako sa ibang lalaki." Sh*t! I'm a terrible liar. Sumalangit nawa ang aking kaluluwa pag namatay ako! "But I don't want to leave yet. Gusto kong makilala ang boyfriend mo. Is he working here?" Sinalakay ng kaba ang aking dibdib. Sh*t! I'm in trouble! "N-naku... H-hindi talaga puwede. B-baka mag-away pa kami. Tama. B-baka mapa-away ka pa ng wala sa oras. Ayaw kong magkagulo." Sana lumusot! I'm doomed! "Is that so?" I gulped when he stared at me, unconvinced. He tilted his head and looked away. Parang may ina-analisa. "I don't want to be rude pero pasensya na talaga. Nice meeting you, Silver." I tried to give him a friendly smile. Sa totoo lang parang gusto ko pa siyang makausap pero hindi ito ang tamang panahon para lumandi. Pagkakataon ko na ito para makilala si Agent Pilak at hindi ko na iyon palalampasin pa. "Alright." Aniya. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Nice meeting you too, Eunice. But I think this is not the last time that our paths would cross." Tumingin siya sa'kin ng diretso. "See you around." With that, he left. Napatitig ako sa kanyang likuran. Bumaba ang tingin ko sa kanyang pang-upo habang naglalakad siya palayo. Wala sa sariling napahawak ako sa aking pang-upo. Bakit parang mas malaki pa yata ang pang-upo niya kaysa sa'kin? Damn! Maghunus-dili ka Patricia Eunice! Kastigo ko sa sarili. Ngayon ko lang siya nakilala at hindi tamang pagnasaan ko siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nawala. Bakit parang nakaramdam ako ng lungkot na umalis na siya? Magkikita pa kaya kami ulit? Napabuntong hininga na lamang ako. Ano bang nangyayari sa'kin? This is so not me! Teka... Na-love at first sight ba ako sa lalaking 'yon? I shook my head. No. Hindi puwede. Imposible. Paano si Rain? Ayaw ko namang paasahin ang taong 'yon. Sobrang bait niya at ang sarap kausap kaya dapat sa kanya lang ako mag-focus. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ipikit ang aking mga mata. Get a hold of yourself Eunice! Nababaliw na yata ako. I sighed for the nth time. Bakit ko ba iniisip ang mga walang kabuluhang bagay? Nandito ako para sa misyon ko, hindi para lumandi. Tama. Bumalik ako sa sariling diwa nang maalala si Agent Pilak. Hindi ako makapaniwalang nandyan siya sa loob ng M&C Building. Makikita ko na siya, and this time ang mukha na niya. Sinadya kong umupo sa kanyang motorbike para makausap ko siya kung sakaling lumabas na siya. Uminom ako mula sa bottled mineral water na dala ko para pakalmahin ang sarili. Kailangan kong mag-isip kung ano ang sasabihin ko kay Agent Pilak pag maabutan niya ako dito. Wait. Ano nga ba ang sasabihin ko? I realized I'm not prepared for it. Ano nga ba? Will I ask him for an interview? No. Baka hanapan niya ako ng ID kung isa nga akong member ng media. Eh kung magpa-solve kaya ako ng kaso? Tsk! Hindi naman yata puwede. Wala akong pambayad sa serbisyo niya. Isa lang akong hamak na empleyado ng kompanya ng pamilya ng bestfriend ko at isang desperadang writer na gustong sumulat ng kakaibang love story. I'm curious about an agent's way of life. I badly want to know their whereabouts. Ang sabi kasi sa mga nababasa kong mga article matalino ang isang agent. I wanted to know how good an agent is, particularly Agent Pilak. Napangiti ako. Paano kaya manligaw ang isang agent? Tiningnan ko ang itsura ko sa side mirror ng motorbike. I saw myself smiling on it. Isinabit ko sa tenga ang takas na hibla ng buhok ko na tumatabing sa aking mukha. Pero nang muli akong kumurap ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. A pair of gray orbs underneath a masked face. Those eyes. Biglang lumakas ang t***k ng aking dibdib. Dahan-dahan akong lumingon kahit nakaupo pa rin ako nang patagilid sa motorbike. "Move." Isang baritono at malamig na boses ang kumawala sa kanyang bibig. I gasped. I know I look stupid right now, having my mouth half open. Parang hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Siya. Siya ang lalaking nakabunggo ko kahapon sa park. At siya rin ang lalaking hinahabol ko sa panaginip ko. "A-agent P-pilak?" I can't even talk straight. Pakiramdam ko nagkandabuhol buhol ang aking dila. "I said move away, Lady." Halos matumba ako sa sobrang pagkagulat. Nakakapanghina ng tuhod ang kanyang boses. I never thought our first encounter would turn out this way. Para siyang yelo na nagkatawang tao. Halos malusaw ako sa kanyang tingin. Bakit kasi natatakpan ng maskara ang kalahati ng kanyang mukha? Hindi ko tuloy makita ang buong itsura niya. Nanginginig ang mga tuhod kong umalis sa pagkakaupo mula sa ducati pero hindi ko ito binitawan. Pasimpleng humawak ako sa side mirror pero agad kong binawi nang muli siyang nagsalita. "I'm impatient, Lady." Maawtoridad ang kanyang boses na parang sinasabing mamamatay ka pag hindi siya sinunod. Sumakay siya sa kanyang motorbike at inayos ang pagkakatali ng helmet na nasa kanyang ulo. Naalarma ako. Hindi siya puwedeng umalis! "S-sandali!" pigil ko nang paandarin na niya ito. Humawak ako sa kanyang braso. Naka-leather jacket siyang itim ngunit ramdam ko pa rin ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hinawakan ko siya. He tilted his head and faced me. Napalunok ako. Buong tapang kong sinalubong ang kanyang tingin kahit nanginginig ako sa sobrang kaba. "P-puwede ba k-kitang makausap?" He puckered his lips and formed a smile. A mysterious smile. Bakit? Bakit parang nakikita ko si Silver sa ngiti niya? Sino ka ba talaga Agent Pilak? ⓖⓡⓔⓐⓣⓕⓐⓘⓡⓨ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD