“ANO ang kailangan mo sa akin? bakit mo ako dinala dito?” Tanong ko agad kay Claudia. Pero ngumiti lang siya sa akin. “Hindi mo ba ako namimis—“ “Huwag na tayong maglokohan pa. Ano ang kailangan mo?!” pinutol ko agad ang sasabihin niya. “Yan ang gusto ko sa iyo, tumatapang ka na. Well, hindi ka nandito dahil may kailangan ako sa iyo, ikaw itong may kailangan sa akin.” Giit niya at lumapit siya sa akin at hahawakan niya sana ang buhok ng anak ko nang mabilis akong umatras. Ngumiti lang siya. “Si Marco, kukunin niya daw sa iyo ang anak niya. Papayag ka ba?” “Ano? anong pinagsasabi mo?” Sinigawan ko na siya at nagising ang anak ko. “Katarina, gumagawa na si Marco ng hakbang para makuha niya si Carina. Alam niyang siya ang tatay ng bata at ang mas nakakatawa pa ay pinapaikot ka na

