Carmela's Pov. HINILIG ko ang ulo at nakatanaw sa labas ng bintana dito sa eroplano kaya nasisilayan ko ang walang katapusang ulap. Napabuntong hininga ako. Hindi ko maiwasan malungkot. Hindi ko rin alam kung anong magiging buhay ko sa pagbalik ko sa Pilipinas. Wala akong pera, hindi ko rin dala ang mga gamit ko. Hindi na kasi ako bumalik sa bahay ni Marco kasi baka magbago na naman ang isip niya at takutin na naman ako. Kahapon niya lang pinangako sa akin na hindi na niya ipapapatay si Steve. Halos taon-taon kasi ay tinatakot niya ako na isang utos niya lang sa tauhan sa Pilipinas ay ipapatay niya si Steve kaya wala akong nagawa kundi ang manatili sa tabi ni Marco para lang sa kaligtasan ng lalaking pinakamamahal ko. Hindi rin ako humingi ng pera kay Marco kahit binibigyan niya ako ng

