"What did you say?" Agad na tanong ni Doc pagpasok namin ng kwarto niya. Salubong ang kilay niya at madilim ang mukha niya. Galit siya. Nagagalit siya dahil sa narinig niyang sinabi ko kay Greyson na bf ko si Ali na American citizen at pupunta siya dito sa Pilipinas para makita ako. "Akala ko ba chatmate mo lang yun? Pupunta siya dito, magkikita kayo?.. f**k!" Nanlisik ang mga mata niya. Nagtataka ako kung bakit ganun na lang siya kagalit na pupunta dito sa Pilipinas si Ali. Yung alam ko naman na magagalit siya pero hindi ko expect na ganito. "Alam mo naman na boyfriend-chatmate ko siya diba! Pupunta siya dito para i-meet ako. Anong masama dun eh boyfriend ko nga siya." Dumilim lalo ang mukha niya. Umiwas na ako ng tingin sa kanya. "And me? How about me?" Sambit niya. Hindi ko alam ku

