"Ali come here!" Tinawag ko yung pusa nang makita ko siya paglabas ko ng room ko. Kagigising ko lang ng umaga at bababa na sana ko para sa breakfast. "Ali?" Napatingin ako sa gawing room ni Doc nang sabihin niya yun. Palabas din siya sa room niya. Akala ko ay nakaalis na siya papunta sa clinic niya. "I call her Pearl coz ikaw yung huling pasyente ko nung time na nakita ko siya." Nakangiti niyang sabi. Umaga pa lang pero pakiramdam ko kumpleto na agad ang araw ko dahil sa smile niya. "Talaga po!" Sambit ko. So pinangalan talaga niya sakin ang pusa. "Eh ako po I call her Ali kasi Allister po yung name ng bf ko. Same kasi sila ng eyes!" Pansin kong nawala ang ngiti sa labi niya. "Really. I thought you didn't have a boyfriend!" Kumunot ang noo niya. "Bf ko lang po sa chat. Taga U.S p

