"Grabe ang gu-gwapo nila!" Napatingin ako kay Aiza ng sabihin niya yun. Nasa canteen kami ng university at kumakain. Sinundan ko ang tingin niya. Natigilan ako ng makita si Doc kasama si Sir Craig na paparating, umupo sila sa hindi kalayuan sa pwesto namin. Naalala kong may schedule nga pala siya ngayon as lecturer sa Gynecologist students. "Sino yung kasama ni Sir Craig? Ang gwapo, parang ngayon ko lang siya nakita dito." Kinikilig na sabi ni Arelle. "Oo nga, Professor din kaya siya rito." Sabi naman ni Faith. Si Alex ang tinutukoy nila. Once a week lang ang schedule niya ng pagtuturo sa mga estudyante at reliever lang siya sa doctor na talagang naka-assign sa trabahong yun. "Siya yung boyfriend ko." Feeling proud na sabi ko. Tumingin sila sakin. "Hindi, boyfriend ko siya!" Tum

