"Greysoooon!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw habang pababa ako ng hagdan at masalubong ko siya. Hindi ko alam na uuwi siya ngayon sa Pilipinas. Kagigising ko lang ng umaga at siya agad ang bumungad sa paningin ko. "Damn, mahulog tayo!" Ani Greyson habang nakayakap at nakakapit ako sa batok niya. "Enough!" Hinatak ako ni Doc na katabi ni Greyson. Hindi ko napansin na nandoon din siya. Hindi ko alam kung anong oras siya umuwi kagabi o kung umuwi nga siya. Baka umaga na siya umuwi. Kinapitan niya ko sa bewang at nilayo kay Greyson. "Who's she?" Nakakunot ang noo ni Greyson habang nakatingin sa'kin. "I'm Pearl. Ako po yung PT niyo dito!" Sagot kong abot tenga ang ngiti. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon. Dati ay sa socmed ko lang siya nakikita. High school pa lang ako

