CHAPTER 29 Kinaumagahan ay mag-isa na lamang akong nagising sa kama. Hindi muna ako bumangon at bumalik ako sa pagpikit. May napakatamis na ngiti ang umanib sa mga labi ko habang kusang inalala ng isipan ko ang nangyari kagabi. Kung paano kami nagsikap ni Tres na bigyan ng pagkakataon ang relasyon namin. He told me that they're already working with their annulment process. Mahaba na raw ang isang buwan at tuluyan nang mawawalan ng bisa ang kasal nila noon ni Neveah. Wala pa naman akong sinasabi na magkakabalikan ulit kami nang ganun lang kadali. Hindi naman puwedeng umarangkada lang ako nang hindi ko pakikinggan ang sasabihin ng mga taong nasaktan din namin. Si Mama, si Alder. Kailangan ko munang hingin ang payo nila. Ayoko nang magkamali pa ulit. Ang napagkasunduan lang namin ay ang ma

