Pagkauwi ni Eloise sa apartment nang gabing iyon, tulala pa rin siya habang naglalaro sa isipan ang pag-uusap nila ni Gabe.
Pagkapasok niya, hindi na siya nagbukas pa ng ilaw. Tumungo siya diretso sa kusina, kinuha ang malamig na tubig mula sa ref, at naupo sa dining chair na hindi pa rin niya napapalitan simula noong lumipat siya roon.
Tahimik ang buong apartment at malamig, pero hindi mapayapa.
She kept thinking about Gabe—how his sudden appearance made her feel like a part of her life she had buried suddenly had air again. And yet, kahit gano'n, ang boses pa rin ni Estevan ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya.
Ilang sandali, biglang may kumatok sa pinto na kinagulat niya ng bahagya.
Tatlong sunod-sunod na mahinang katok lang, pero sapat na para mapatayo siya.
Pagbukas niya ng pinto, halos manlaki ang mga mata niya nang makita si Estevan. Suot pa nito ang dark blue suit at pants na tila kagagaling pa nito sa opisina, may bitbit pa ng isang brown paper bag sa isang kamay na galing yata sa isang convenience store. Sa isang kamay naman ay ang leather business bag nito.
“You disappeared,” mahinang bati ni Estevan.
“You did too,” sagot niya, nakahawak pa rin sa door frame.
Ilang segundo bago muling nagsalita ang lalaki. “I just wanted to make sure you knew.”
“Knew what?”
“That the deal is still on,” sagot ni Estevan. Walang pag-aalinlangan, walang emosyon. “We don’t stop unless you say so. No matter what happened that night on the yacht, the deal is still on.”
Eloise stared at him. Something inside her flickered. Maybe a relief...or disappointment.
“Okay,” sagot niya rito, halos pabulong. “So this is all still just business.”
“Yes,” sagot ni Estevan. Pero sa likod ng mga mata nito—may ibang sinasabi. Hindi lang niya kayang basahin.
Tumango si Eloise. “Good,” she said. “Because I almost forgot why I started all this.”
Nagkatinginan sila sa dilim ng pasilyo. Walang nagsalita. Walang gumalaw.
Then finally, she whispered to herself—not sure if for him or for her own heart to hear: "I can't afford to feel."
Tahimik pa rin ang paligid nang pumasok si Estevan bigla sa loob. Wala siyang imbitasyon, pero hindi na rin siya pinigilan ni Eloise. Parang pareho nilang alam na hindi lang ito basta bisita.
Binuksan ni Eloise ang ilaw at pinagmasdan ang binata na nililibot ang tingin sa paligid.
“I brought dinner,” sabi nito at tumingin sa kan'ya, iniabot ang bitbit na brown paper bag. “Didn’t know what you liked, so I got a few options.”
Eloise raised a brow. “Convenience store food?”
“Don’t judge. They have decent ramen and surprisingly good chicken karaage.”
Napabuntong-hininga siya pero kinuha rin ang bag. “You’re lucky I’m too tired to cook.”
Nagpunta sila sa maliit na dining table. Binuksan nila ang mga takeout containers—instant ramen, chicken karaage, at onigiri. Walang engrandeng hapunan, pero sapat na para sa gabing 'yon.
They ate in silence for a few minutes. Si Estevan ay parang komportableng nakaupo, sinisipsip ang mainit na ramen habang tinitingnan siya paminsan-minsan. Si Eloise naman ay tahimik, pero alerto. She didn’t like how familiar this felt. How normal it felt.
She then stared at Estevan again, who was just casually eating, as if nothing was affecting him. Well, hindi na rin siya dapat magtaka. These are all just part of the deal, after all. And she should learn from him. She should stick to the plan that she built in the first place and not let her personal emotions get in the way.
“Thanks,” sabi niya nang natapos silang kumain, habang pinupunasan ang bibig gamit ang tissue.
“For what?”
“For the food. And for... reminding me.”
Kumunot ang noo ni Estevan. “Reminding you of what?”
“That we have reasons for all the things we do,” sagot niya. “That we shouldn’t get confused.”
Tumango si Estevan kahit hindi naman nito alam kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin. “You’re right. Feelings... get in the way.”
She nodded. “Exactly.”
Pero sa loob-loob niya, ramdam niyang hindi siya gano’n kasigurado. Ang presensya ni Estevan, kahit pa umaakto lang itong parang wala lang at walang emosyon, it had begun to chip away at her walls.
Hindi niya maintindihan kung bakit ang simpleng mga tingin nito o ang paraang tahimik siyang pinagmamasdan ay sapat na para magulo ang damdamin niya.
Hindi siya p’wedeng mahulog. Hindi siya p’wedeng magpakatanga. Hindi ngayon. Hindi sa misyon na ito.
Kaya nang tumayo si Estevan para magtapon ng basura, sinamantala niya ang pagkakataon para huminga nang malalim. This is just for your revenge, ulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Don’t let him in.
Pagbalik nito, tila may gusto pa sanang sabihin si Estevan, pero tila nagbago ang isip. Sa halip, inabot nito ang dalang leather business bag na nasa katabing upuan at binuksan. Then he handed her a small bag of chocolates.
“Saw this and thought of you,” aniya, hindi makatingin ng direkta.
“Chocolate?” Napailing si Eloise pero hindi maitago ang ngiti. “Are you bribing me?”
Gusto niyang matawa. This billionaire man is handing her a bag of chocolates from a convenience store? She didn’t know what to think.
“Maybe,” sagot naman ng binata, kasunod ng isang bahagyang ngiti.
And just like that, she felt it again. That small, traitorous flutter in her chest. Parang hindi dapat, pero nando’n. Parang unti-unti siyang hinihila sa delikadong direksyon.
Kinuha niya ang tsokolate at itinabi. “Thanks,” mahina niyang sabi.
Nagtagal pa sila ng kaunti sa lamesa, pero parehong alam nila na wala nang dapat pag-usapan pa. Nang tumayo si Estevan, wala itong sinabi agad.
“I’ll go,” aniya. “I just wanted to check on you.”
Eloise bit the inside of her right cheek before responding, “okay.”
Just as he was about to leave, she called him.
“Estevan.”
Lumingon naman ito, ang mata'y nanatiling malamig pero may kung anong bahagyang pag-aalangan.
“About what happened sa yate...”
“Forget it,” putol agad ng binata. “We were both caught off guard.”
Napakurap ng dalawang beses si Eloise. Part of her knew he was gonna say that. Pero hindi niya maipagkailang may kuntin kirot sa kan’yang dibdib na pilit niyang binabalewala.
Tumango siya kapagkuwan, pilit na binigyan ng ngiti ang binata. “Yeah.”
Pagkaalis ni Estevan, naiwan si Eloise sa loob ng kan’yang apartment. Tahimik…at magulo ang isipan. Hindi niya alam kung mas gumaan ang loob niya o mas nabigatan siya sa mga narinig.
She walked to her bedroom, sat on the edge of her bed, and stared at the floor.
She couldn’t let herself falter. Not now. Not when everything was on the line. This is revenge, not love. Paulit-ulit niyang bulalas sa isipan.
Pero kahit ilang ulit niya itong sabihin sa sarili, hindi pa rin maikakailang may kakaiba sa pagitan nila. Something that made this deal and revenge more dangerous than she had ever expected.
She closed her eyes for a minute and whispered to herself, “don’t let him be your weakness."