Chapter 9

1341 Words
Eloise stood by the sidewalk, her arms wrapped tightly around herself as the wind blew through her hair. Ang langit ay nababalot ng gintong liwanag ng takipsilim, at ang bawat sinag nito’y nag-iiwan ng malalambot ngunit malinaw na anino sa malamig na kalsada. Nakasuot siya ng puting halter sundress na hapit sa katawan at bahagyang umaalon sa tuwing humahampas ang hangin. Isang wedge sandal naman ang suot niya sa mga paa. Hindi niya alam kung tama ba ang suot niya—masyadong pabebe? O baka masyadong simple? She didn’t even know why she was nervous. Siguro dahil wala siyang ideya kung ano’ng klaseng "meeting" ang nangangailangan ng sunglasses at tanawin ng dagat.. A moment later, a sleek, black car glided to a stop in front of her. Malinis, mukhang bagong wax, at tinted ang mga bintana. The window rolled down slowly, at iniluwa roon si Estevan. He was wearing his usual crisp shirt and dark aviators, looking as if he had walked out of a men’s magazine. “Get in.” His voice was smooth and calm, like nothing about this was unusual. Napakurap si Eloise at bahagyan dumiin ang pagkahawak sa dalang clutch bag. “Where are we going?” tanong niya habang sumasakay sa passenger seat, ang balat ng hita niya ay lumapat sa malamig na leather. Estevan’s lips quirked. A ghost of a smirk. “You’ll see.” Tahimik ang kanilang naging biyahe. Walang maririnig kun’di ang mahinang ugong ng makina at paminsang pagtapik ni Estevan sa manibela. Hindi siya tiningnan nito, pero ramdam ni Eloise ang presensya ng binata sa bawat sulok ng sasakyan. Parang dumadaloy ang tensyon sa mga ugat niya habang palihim siyang sumusulyap kay Estevan paminsan-minsan. The car left the busy city behind and entered a more upscale neighborhood. Nakahilera ang mga puno sa magkabilang gilid ng kalsada, nakapalibot ang maayos na pagkagupit na mga palumpong sa harap ng mga mansyong gawa halos sa salamin, at ilang sandali pa’y narating na nila ang isang gated marina. Hindi ‘to ‘yong simpleng pantalan na may mga bangkang pampamilya. May mga guwardiyang nakasuot ng puting polo na nakapwesto sa paligid, na para bang mga diyamante ang binabantayan. Champagne chilled in crystal buckets on the dockside. Ang amoy ng dagat ay humalo sa halatang mamahaling pabango sa paligid. And then she saw it. Isang napakalaking yacht ang naka-dock sa dulo. The cream-colored leather seats shimmered under the late sun. The ship’s outer frame was so polished it reflected the sea. Metal railings curved like art, and a small Filipino flag swayed proudly on top. Sa manibela ng yate ay may isang lalaking nakasuot ng designer sunglasses, at ang tindig ay punong-puno ng kumpiyansa na parang hindi lang barko ang pagmamay-ari niyo kundi pati dagat. “Business?” she whispered to Estevan, watching a bottle of Moet being carried aboard by a crew member in uniform. Tumango lang si Estevan at iniabot ang kamay niya. “You’ll be fine.” Nag-atubili siya, sandaling tumingin sa sapatos niya, saka muling tumingin pataas sa yate. Hindi siya sanay sa ganito—sa ganitong mundo. She may be able to travel to some countries or out of town, but there are always limitations. At hindi kasali sa limitasyon na iyon ang ganito kaengrandeng buhay. Tinanggap niya ang kamay ni Estevan. His grip was warm and firm, as if assuring her she’d be really fine. Pag-akyat nila sa yacht, ipinakilala siya kay Lucien Delacroix—isang French-Filipino investor na naka-tailored white shirt, may Rolex na suot na kumikislap sa sikat ng araw, at may ngiting hindi umaabot sa mga mata. Hinawakan nito ang kamay ni Eloise, at idinampi ang mga labi. “Ah, so this is the woman you spoke of,” Lucien said smoothly. “The one you said was... sharp.” Lumipat ang tingin niya kay Estevan, sinusubukang basahin ang ekspresyon nito. Pero uminom lang siya ng dahan-dahan, nakasandal nang kaswal sa railing—na para bang hindi niya binabantayan ang bawat segundo ng nangyayari. “She’s smart,” Estevan commented, almost carelessly. “And observant.” Ngumisi si Lucien, ang mga mata’y nanatili pa rin kay Eloise. “We’ll see.” The yacht started to move. Dahan-dahang lumayo sa dock na parang isang tahimik na halimaw. The engine barely made a sound—just a low groan beneath her feet. Ang dagat ay kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. Ang hangin naman ay banayad na humahaplos sa kan’yang damit at buhok, dala ang alat at karangyaan. They sat in the lounge area. May mga eleganteng sofa, glass tables, at malamig na inumin sa paligid. Abala sina Lucien at Estevan sa pag-uusap tungkol sa negosyo—land acquisitions, overseas expansions, and offshore holdings. Malalim ang naging usapan nila—numbers, projections, and territories. She barely followed the specifics, but she noticed everything. ‘Yong paraan ng marahang pagtapik ni Estevan ng singsing nito sa baso kapag naiinis. At ‘yong madalas na pagdulas ng tingin ni Lucien sa dibdib niya bago muling bumalik ang atensyon kay Estevan. At ang paraan ng paglalagay ni Estevan ng kamay nito sa ibabang bahagi ng likod ni Eloise na parang may pahiwatig. Parang sinasabi sa mga mata ni Lucien: "She’s with me." Maya-maya, nang sila na lang ang natira, magkasama silang nakatayo sa likod ng yate. The city was only a silhouette behind them now. Sa unahan, ang dagat ay parang walang hanggan, pinipinturahan ng gintong liwanag ng papalubog na araw. “Are you using me to impress him?” Eloise asked quietly, her voice almost lost in the wind. Hindi iyon itinanggi ni Estevan. Hindi rin nagbago ang itsura niya upang magpakita ng hindi pagsasang-ayon. “Does it bother you?” She scoffed, half-smiling. “Should it?” Bahagyang kumurba ang mga labi nito, aliw na aliw sa isinagot niya. Pagkatapos ay bahagya siyang humarap sa kan'ya—ang isang kamay ay nakahawak sa makintab na railing, at ang isa nama’y dumaan sa maitim nitong buhok sa pamilyar na paraan na laging nagpapabilis ng t***k ng puso ni Eloise. Halos pigilan niya ang kan’yang paghinga. “You wanted in. This is what it looks like.” Ang tono nito’y nagpapahiwatig ng katotohanan. Na parang paalala sa kan’ya kung ano’ng laro ang pinasok niya. The golden light bathed Estevan’s features, softening the edges of his sharp cheekbones. Bahagyang nakakunot ang noo nito na parang may gusto pa siyang sabihin, pero pinili na lang na hindi. Umiwas ng tingin si Eloise, ang mga mata’y pinagmamasdan ang karagatan, pilit na tinatago at pinapakalma ang pusong unti-unting dumaragundong. Remember who he is, Eloise. She chanted in her mind. Pagkatapos ay inihampas ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha niya. Biglang iniabot ni Estevan ang kamay nito at dahan-dahang isinuklay ang buhok palikod, itinago sa likod ng tainga niya, habang nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa mukha ni Eloise. Nanatili ang mga daliri nito sa panga niya, dahilan kaya hindi na naman magkandaugaga sa pagtibok ang kan'yang dibdib. The contact was brief, but it burned. A breath hitched in her throat. Sinubukan niyang kumalma ngunit trinaydor lamag siya ng sariling katawan. Then their eyes locked, and in that moment, the distance between business and something else suddenly blurred. Ilang sandali pa, muling nagsalita si Estevan—mas mababa na ngayon ang kan'yang tinig. “Don’t let Lucien get under your skin. He plays dirty.” Bahagya siyang napakurap sa biglaan nitong pagsalita. “Then why partner with him?” This time, Estevan looked at her, deeper than he did earlier. “Because sometimes, to get what you want, you sit with snakes.” There was a pause. It was a confession with no further explanation. She nearly laughed a moment later. Funny how she can relate to those words. Bahagya siyang yumukod at marahan ang kan’yang tinig. “And what is it exactly that you want, Estevan?” His jaw tensed, then his gaze slid to her lips. “Tonight?” he murmured. “For you to keep playing your role.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD