CHAPTER 14

1787 Words
“Kumusta?” bungad ko kay Neil. Kumuha ako ng isang tissue at pinunasan ang noo niyang namamawis. Ang hot pa rin at ang bango-bango pa. “Well done,” sagot niya at umupo sa kanyang swivel chair. “Yung dalawa nasaan?” bumaling ako sa pinto pagkatapos sa kanya. “I don’t know. Nagmadali akong pumunta rito para makita ka,” ngiting sagot niya. Napataas ang kaliwang kilay ko. “And Denzel has own office. Bakit siya didiretso rito?” “Ikaw huh! May nalalaman ka pang ganito,” inangat ko ang t-shirt. “Pa-couple-couple shirt ka pa,” dugtong ko at sininghot ang t-shirt. Nawala ang ngiti niya at nangunot ang noo. “What do you mean? Bakit nasa ‘yo ‘yan? Saan mo galing ‘yan?” sunod-sunod niyang tanong at pahablot niyang kinuha shirt at tinitigan ng mabuti. “Pinakialaman mo ba ‘to? Anniversary gift ko ‘to kay Vannezza! This was our couple shirt when we were together! And how did you get it? Nasa divider ‘to tagong-tago! Paano mo nahanap ‘to?” taas na boses niyang tanong habang masamang nakatingin sa akin. “Ngayon ka lang nakapunta rito, ah. Are you that bored kaya nakakakalkal ka ng ‘di sa ‘yo?” “Huh?” I asked, confused. Hindi para sa akin ‘yon? “Sabi n’ong nagbigay—” “Sabrina, just act like my girlfriend! Only a fake girlfriend is your role! Hindi ko sinabing pakialaman mo ang mga gamit ko! You’re just my bed warmer! And in fact, you have no right to intervene with my things!” Umiling-iling ako. Hindi! Nagkakamali siya ng akala. Hindi ako nangalkal, ‘di ba? Someone gave it to me! Ngingiti-ngiti pa nga ‘yung babae eh! “Sabi nila pinabibigay mo raw ‘yan sa akin?” tinuro ko ang shirt. “Are you kidding me? Bakit ko naman ibibigay ‘yung regalo ko para kay Vannezza para sa ‘yo? The shirt is placed inside that divider!” Tinalikuran niya ako at naglakad papalapit siya sa divider. “Why is it unlocked?” Bumaling siya na magkadikit ang mga kilay niya. “E-Ewan ko,” utal na sagot ko napakagat sa pang-ibabang labi ko. “Sabrina, no one’s allowed to enter in this office unless they permitted,” may pagdududa niyang sabi. “H-Hindi ko talaga alam…” naiiyak ako! Feeling ko ako ‘yung mabeblame. “Kung napapansin mo ay ikaw lang ang iniwan ko—where’s my necklace?” Binuksan niya ng malawak ang pinto ng divider. “Where the hell is my necklace?! Galing pa ‘yon sa grandma ko! I can't lose that! ‘Yun lang ang bukod tanging naiwan sa akin ng lola ko n’ong nabubuhay pa siya!” “Huh? Nandiyan lang ‘yan kanina.” Lumapit ako sa tabi niya para silipin ang loob ng divider. Tumibok ng malakas ang puso ko na halos lumabas na sa dibdib ko nang mapansin kong wala na ‘yung mga ginto niya. “Sa itaas ng necklace ko nasa ibabaw itong shirt,” sambit ni Neil at tiningnan niya ulit ako ng may pagdududa. “You see, I trusted you. How dare…you?” Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. “N-Nagkakamali ka. W-Wala akong k-kinukuha,” napapalunok kong paliwanag. “Maniwala ka wala akong ginawa. P-Promise. Bakit ko naman sisirain ang tiwala mo?” It could be the girl, 'di ba? They set me up! Before ko masukat ang shirt ay nandoon pa ang mga gold ni Neil, especially ‘yung kwintas. “Let me see your purse,” he handed his palm. Napapalunok ako habang inaabot ang purse ko sa ibabaw ng table. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang buong katawan ko dahil sa kaba pero kampante naman ako na wala ‘yung mga gold niya sa purse ko. Kahit na mahirap ako ay hindi ako magnanakaw. Nanlambot ang mga tuhod ko nang bitawan niya ang handbag ko sa sahig habang nasa kamay niya ang kwintas niya. “It’s not me! May babaeng pumunta kanina dito dala-dala niya ang shirt—” “Stop lying! Huling-huli ka na!” pabagsak niyang binitawan ang kwintas niya. “Sabrina, seryoso ka? I trusted you! Binigo mo ako? Pinapapasok pa naman kita sa bahay ko!” pagalit niyang sermon. Hindi ko mapigilan ang mapanguso habang namamasa ang loob ng mata ko. “Anong kinuha mo pa bukod sa damit at kwintas?!” Umiling-iling ako. Wala akong masabi dahil hindi niya ako pinapakinggan. “Hindi naman ako ‘yung…” napakagat ako sa mga daliri ko habang niyayakap ang katawan. “I can’t believe you, Sabrina.” Hinaplos niya ang kanyang sintido. Hindi ko mapigilan na habulin ang paghinga ko dahil sa paghikbi ko. Bakit ako na naman ‘yung nasisisi? Wala naman akong ginagawang masama. “Hindi ako…mamatay man ako, Neil,” garalgal na boses na sambit ko at pinulot ang purse ko. “May babae na pumasok kanina tapos binigay niya ‘yung t-shirt. Pinapabigay mo raw sa akin,” paliwanag ko. “I don’t know to say pero hindi ka makakapagsinungaling sa akin, Sabrina. Ayusin mo na ang sarili mo at uuwi na tayo. Nakakawalang gana. Mayroon akong sinamang malikot ang kamay,” dinig kong reklamo niya at pwersahang binuksan ang pinto para lumabas. “Ma…mama,” paghikbi ko habang niyayakap ang handbag ko. Doon ko na binuhos ang sama ng loob ko dahil doon sa babae. Nararamdaman ko na palalayasin na ako ni Neil ngayon. Babalik na ako sa club ulit? Magtatrabaho na ba talaga ako as prostitute? Ayoko pang iwanan si Neil dahil maswerte ang pamumuhay ko sa kanya. At ayokong maging prostitute dahil hindi ko kayang makita ang sarili kong nagpapagalaw sa ibang lalaki. At gusto ko pang makilala si Neil dahil bukod kay Teresita, siya lang din ‘yung ganyan kabait sa akin. Kahit na pinangungunahan ako ng hiya at lungkot ay hinabol ko pa rin si Neil na nakatapat sa elevator. Kahit alam niya na nasa tabi niya ako ay hindi niya ako binalingan. Pinapanood ko lang ang repleksyon ko sa salamin ng elevator at medyo dumistansya sa kanya. Alam kong nagagalit siya ngayon dahil iniisip niya na nagawa kong magnakaw kahit na hindi ko naman talaga ginawa ‘yon. Kahit itaya ko pa ang buhay ko ay patutunayan kong never akong nagnakaw kahit piso sa mga tao. Nang magbukas ang elevator ay sumunod ako kay Neil nang makapasok siya at dumiretso sa likuran niya. Napapalunok ako habang nakatitig sa kamay niyang nakasarado na parang handa nang manuntok. “N-Neil, promise hindi ako nagnakaw sa ‘yo,” hikbing sabi ko at kinuha ang braso niya para yakapin ito. “Ayokong mag-iba ang tingin mo sa akin. Naiintindihan kita kung bakit ka nagliliyab sa galit at maiintindihan ko kung palalayasin mo ako pero sana maniwala ka na hindi ako nagnakaw sa ‘yo,” dagdag ko na pakiusap at hinalikan ang braso niya. “Tatanggapin ko if paaalisin mo ako pero sana hindi ako maduming tao sa paningin mo.” “Stop it.” Kinuha niya ang braso niya mula sa pagkakayakap ko. Nahihiya akong napaatras habang nakayuko. Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan ang mapatitig kay Neil. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit habang nagdadrive siya pero natatakot ako na baka magalit siya bigla. Hinagod ko ang mga palad ko sa hita ko para bawasan ang pamamawis ko. Imbis na ako ang magbukas ng gate para makapasok ay bumaba na lang siya bigla at binuksan ‘yung gate. Napahawak ako sa seatbelt nang ipasok na niya ang kotse. Mukhang wala pa ‘yung si Denzel at si Vannezza dahil wala pa ‘yung kotse nila. Sumunod akong bumaba sa kotse at patakbong hinabol si Neil. Nakakahiya man na tumapak sa bahay niya pero kailangan. Pero dapat nga wala akong ikahiya dahil wala akong kinuha. Kung may kinuha man ako sana nilayasan ko na si Neil. Dire-diretso siya sa kwarto kaya sumunod lang ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong hilain at siilan ng isang yakap. Mahigpit na yakap. “Are you okay? N-Nasaktan ba kita sa mga nasabi ko?” malambing niyang tanong na ikinagulat at ikinataka ko. “N-Neil…” “I know. I know na hindi mo magagawa sa akin ‘yon.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “P-Pero…” “I pretended to be angry with you because the person who set you up was watching. I know someone set you up. They monitored my response. I wish to give them the illusion of victory, yet in reality, my ire is directed towards them, not you,” aniya na puno ng pag-aalala sa akin at inis sa taong gumawa n’on sa akin. “N-Neil,” paghagulgol ko at niyakap siya ng mahigpit. “A-Akala ko—” “I understand that your intentions are pure, Sab. I only said those painful and disdainful words because I wanted to make that person believe that I was angry about what happened. Rest assured, I will uncover the identity of the person who issued that command.” “Thank you, Neil. Natakot talaga ako na nagalit ka kanina. Salamat naman at nagtiwala ka sa akin,” hindi ko mapigilan na ipalupot ang mga braso ko sa katawan niya. “’Yung tungkol sa damit na hawak mo kanina, nakita ko na ‘yun n’ong papunta ako sa conference room hawak-hawak ni Jiyandi, ‘yung nag-set-up sa ‘yo, so ibig-sabihin bago pa tayo makapunta ay kinuha na niya ‘yon para hindi mo mahalata,” paliwanag niya. “H-Huh? Ganun ba ‘yun?” inangat ko ang mukha ko para tingnan siya sa mata. Huhu! Natakot talaga ako. Akala ko kasi hindi na mababago ang isip niya. Nakalimutan ko na may mabait na side si Neil. “Ibig-sabihin naka’y Denzel o Vannezza ang nang-utos n’on. Anong akala nila masisira ka nila sa akin? Hindi na nila mauulit pa ang ginawa nila sa mga nakaraang babaeng dinala ko sa bahay. Ganitong taktika ang ginagamit nila para magalit ako at para mapaalis nila ang babaeng dinadala ko sa buhay ko. Don’t worry, Sab,” itinaas niya ang mukha ko habang hawak ang baba ko. “Hindi ka nila masisira sa akin. Hindi ka nila masasaktan dahil kapag nakayanan natin na magtagal, ibig-sabihin naging malakas na ako, na finally nakaprotekta na ako ng isang tao. They know me as weak, useless in our family.” Niyakap ko si Neil nang sobrang higpit para hindi niya maramdaman na mahina siya. Ako ang bukod tanging tao na nakakaintindi sa nararamdaman niya kaya wala akong pakialam sa pinagsasasabi nung pinsan niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD