CHAPTER 6

2067 Words
“Hey, Sab, are you listening?” Napansin ko ang pagwagayway ng palad ni Neil sa harap ko. “A-Ah, oo. Kain na?” aya ko. Napansin ko ang kape sa tabi ng plato ko. Nakatulala na pala ako roon sa Chelle. ‘Di ako natulala kasi maganda siya, natulala ako kasi may iniisip ako. Dzuh?! “Are you okay? Aren’t you comfortable? Look, it’s just me, okay? You can eat everything here. I don’t mind. Akala ko ba komportable ka na sa akin? Kung sa pagkain lang wala namang problema kahit mag-ubos ka pa nang mag-ubos ng pagkain.” Nagbuntong-hininga ako at napanguso. “Feeling ko may problema ‘yung babae kanina sa akin. Ang sama-sama ng tingin,” pag-sumbong ko habang hinihiwa ang bacon. Bahala siya kung mapagalitan siya kasi nagsumbong ako. “Don’t mind her. Kampon ‘yon ng Mommy ko. Kahit ano sinusumbong niya. I told her that she needs to keep quiet about you. Tatanggalin ko siya kapag tumahol siya.” Sa tono ni Neil ay parang ayaw niya rin doon sa babae. Kung ako siguro si Neil tatanggalin ko na siya. Bakit kaya ayaw niyang malaman na may kasama siyang babae? Mukhang bahay naman niya ‘to e. He can do whatever he wants. “Please don’t get it wrong. Masyadong malupit at mahigpit ang mom ko at ayokong may mangyari sa ‘yo, hmm?” Nagulat na lang ako nang haplusin niya ang mukha ko bago siya bumalik sa pagkain niya. “Nandito ka para paligayahin ako at sundin ang utos ko. Hindi ako papayag na masaktan ka nila.” Neil, bakit ang sweet mo? Never kong naramdaman ang ganitong bagay sa mga lalaki. Sa lahat ng nakilala ko ay siya ang mabuti. Lahat ng mga lalaking nakikilala ko ay binabastos ako minsan naman ay binubully. Naalala ko ‘yung tinuring kong kuya. Sana hindi ko an siya makita pa kahit na kailan. “Faster. I need to see my parents. Ipapahatid kita mamaya sa sasakyan na gagamitin natin papuntang Tagaytay at hintayin mo ako roon, hmm?” “Okay,” sagot ko at ninamnam lahat ng pagkain na nakahapag. Sabi niya I can eat anything daw e, edi sulitin! Bahala ka, Chelle! “Franco, take good care of her. I’ll be back for an hour. Goodbye, Sabrina,” paalam ni Neil. Matapos naming kumain ay lumabas na kami kaagad. Ngumiti ako sa kanya ng malapad. Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa noo ko imbis na sa labi. Neil! Para saan ‘yon? Mas gugustuhin ko pang hinalikan niya ako sa labi kaysa sa noo. Ang sweet kasi kapag noo! Napakagentleman niya talaga. If siguro maggi-girlfriend siya ang swerte-swerte n’ong magiging girlfriend niya. Bukod na mabait na, gentleman na, sweet pa! Nasa harapan kami ng bahay niya at ipapahatid niya ako sa sasakyan na gagamitin namin para mamaya sa biyahe. Hindi man lang ngumiti ‘yung Franco sa akin pero pinagbuksan niya ako ng pinto. Pabagsak niya itong isinarado kaya napayakap ako sa sarili ko. Bakit ang lupit nila? Pati ‘yung si Chelle. Ganun na ba talaga nakakairita ang pagmumukha ko? O baka naman ayaw nila ako para kay Neil? Hindi ko naman siya boyfriend e. Pero ‘di ko naman din pwedeng sabihin na binayaran ako ni Neil para maging ano… Tumigil kami sa isang parking lot kung saan iisa lang na sasakyan ang nandirito. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya dali-dali akong lumabas. “Saan ka nakilala ni Sir Neil?” tanong niya na may malamig ang tono, “sa club na naman? Kayong mga babaeng mahilig magbenta ng katawan, huwag niyo nang gulangin ang mayayamang tao na katulad ni Sir Neil dahil hindi naman magtatagal ang pera na inuuto niyo sa kanila. Anong pinakain mo sa kanya? Bakit ka niya isasama sa Tagaytay? Siguro nagpabebe ka para isama ka niya, ano? Nagmakaawa? Para ano? Para perahan siya? Sa tingin mo ba hahayaan namin na paikutin mo si Sir Neil?” Awang ang bibig ko habang dinadama ang mainit na luha ko galing sa mga mata ko habang pinapakinggan ang bawat panlalait na sinabi niya. “Ipapaalam ko ‘to kay Ma’am Carol at kapag nalaman niya ‘to, ikaw ang pang-apat beses na parurusahan niya. Ayaw niyang dumidikit ang anak niya sa mga toxic na katulad niyo. Mga walang alam kundi ang maglandi.” Pabagsak niyang isinarado ang pinto ng kotse niya nang makapasok ito at dali-daling nagmaneho paalis sa parking lot. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang paghahagulgol ko sa mga sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga ng maayos. Grabe naman siya kung makapanglait! Alam niya ba ang kwento ng buhay ko? Hindi niya alam kung gaano kahirap ang mga dinanas ko magmula n’ong bata ako! At kahit naman na nagtatrabaho ako sa club ay ginagawa ko ito para mabuhay. Mahirap bang intindihin ang rason na ‘yon para tawagin kaming toxic? Hindi niya ba alam na bawat tao na nagtatrabaho doon ay may pinagdadaanan katulad ko? At ako? Oo napilitan lang ako dahil gusto ko pa ring mabuhay sa mundo’ng ‘to at maramdaman na tao ako. Napakaunfair talaga ng mga taong ito! Basta mag-judge sila napakagrabe. Hindi nila nauunawaan ang masasakit na salita na ibinabato nila. Hindi man lang nila iniisip ang mararamdaman ng tao sa panlalait na sinasabi nila. [ZACHNE ARNEIL GOMEZ] “Bye, Mom,” paalam ko. Nauna na si Dad at naiwan si Mom sa akin habang niyayakap ako. “Bye, son. Please take care always.” Hinawakan niya ang mukha ko bago siya sumunod kay Dad. I sighed. Nadaanan ko ang pinsan ko pero dinedma ko na lang. Ginamit ko ang kotse ko papunta sa parking lot kung saan gagamit kami ng mas malaking sasakyan para sa mga gamit na dadalhin. My forehead creased when I saw her sitting on the ground and her shoulders were shaking. Shit! What happened to her?! Dali-dali akong bumaba sa kotse at nilapitan siya habang bakas sa mukha ko ang pag-aalala. [SABRINA LEGASPI] “Sabrina, why are you sitting on the ground?” isang boses na nagpaangat sa mukha ko. Kanina pa ako nakaupo rito magmula umalis ‘yung Franco. “Wait, did you cry? May nangyari ba?” Lumuhod siya para alalayan ako patayo. Hindi ko napigilan na yakapin si Neil nang sobrang higpit. Yes, at least may isang tao na hindi ako jinajudge, si Neil. Never kong narinig sa kanya na galing ako sa club o isang mahinang babae ako. At least may naniniwala sa akin at nakakaalam sa kwento ko. “May nangyari ba?” pag-uulit niya habang hinahaplos ang likod ko. “W-Wala, natatakot lang ako,” bulong ko. “I don’t believe you,” nakakunot-noong sambit niya at pinunasan ang panibago kong luha. “Let’s go.” Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pasakay. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagkakomportable nang makatabi ko siya. Nakapagtataka na bigla na lang siyang nanahimik at mukhang may malalim na iniisip. Ibinuhos ko ang oras ko sa pagtitig sa kanya habang nagmamaneho siya. Nang balingan niya ako ay ngumiti siya ng matamis. “Don’t cry just because you’re alone. Sorry if I came late,” aniya na ikinailing ko. “Wala ‘yon, Neil. Ang importante naman ay isasama mo ako sa paborito kong lugar,” nakangiting sagot ko. “Kahit makita ko lang sana ang Tagaytay. Kahit hindi mo na ako bilhan ng kahit ano or ilibot.” “Well, ayos lang naman ‘yon sa akin. Do you want something to eat or drink?” tanong niya habang nagtitingin-tingin sa paligid. “Busog pa ako e.” “Mahaba-haba ang biyahe. May fastfood restaurant, drive-thru tayo.” Hindi na ako nakasagot nang dumirekta siya sa drive-thru. Hinayaan ko na lang siyang mag-order ng mga pagkain. Saglit lang ay kaagad naibigay ang mga order niya. Ipinasan niya sa akin ang mga pagkain kaya ipinatong ko sa may paanan ko. “Hindi ka naman inaantok, ‘di ba?” tanong ko nang napansin kong namumungay ang mata niya. “Don’t worry,” ngiting sagot niya habang hinahawakan niya ang kaliwang hita ko. Kaagad akong nakaramdam ng matinding kuryente sa ginawa niya kaya napasandal ako sa kinauupuan ko habang humihinga ng malalim. “Give me some fries,” aniya at ngumanga. Kumuha ako ng dalawa at hinipan ito bago isinubo sa kanya. “Hindi ba napuyat tayo? Okay lang kaya sa ‘yo na mag-drive ng malayo?” tanong ko pa. “Huwag kang mag-alala, sanay ako sa ganito,” sagot niya nang malunok niya ang kinain niya. I nodded softly. Bumibigat ang paghinga ko nang tumataas ang kamay niya sa may hita ko at nahahawakan na niya ang singit ko. Ngumisi siya sa akin nang balingan ako. “Namutla ka yata?” mapaglarong tanong niya. “M-Mag-focus ka muna sa pagda-drive mo, p-pwede naman nating gawin ‘yon ‘pag nakarating na tayo,” nauutal kong sabi at itinutulak ang kamay niya paalis sa hita ko. “Oh, come on. Are you scared? All I want you to do is to trust me, hmm?” Pinagsasasabi niya? Minamanyak niya ako—I mean hinaharot niya ako while he is driving! “Pero…” “You don’t want me to touch you anymore?” kunot-noong tanong niya at bumaba ang boses niya kumpara sa normal niyang boses. Nagpapacute ba siya? Kasi ang cute-cute niya! Ang sarap niyang panggigilan! “Uy, hindi sa ganun.” Pinalo ko pa ang braso niya. “Sa ‘yo ako, ‘di ba? Binayaran mo ako, grabe ang laki-laki. Tapos wala man lang akong natanggap kay Madam.” Gusto niya sa kanya lang ‘yung 20 million, tsk! “Hey, just kidding,” pagtawa niya kaya sinabayan ko siya. “About twenty million, binayad ko ang kalahati sa kanya at ibibigay ko ‘yung kalahati sa ‘yo kapag natapos na ‘yung thirty days.” “Wow! Thank you, huh?” “Yeah.” Kahit naman siguro sino ay walang makakatanggap ng ten million sa trabaho nila ng isang buwan lang. Ang astig niya. Aliw siyang kasama. Akala ko talaga saksakan ng sungit. N’ong unang kita ko kasi ay nakabusangot siya. Siguro ay naiirita lang siya sa ingay noon at amoy. “Look outside. You’ll see a beautiful background,” aniya. Tiningnan ko naman ang sinasabi niya at tama nga, napakaganda ng background. Kung may cell phone lang ako ay nakunan ko na ng litrato ito. “Do you like music?” tanong ni Neil kaya bumaling ako sa kanya. Pagtango ang naisagot ko. Sinet naman niya ang music at ang mga kanta ay 90s pa. “Put your head on my shoulder,” pagkanta niya nang marinig niya ‘yung chorus. Kinagat ko ang labi ko dahil sa ginawa niya. Ang lamig ng boses! “Gusto mo pala ‘yang mga ‘yan,” komento ko. “Put your lips next to mine, dear. Won’t you kiss me once, baby?” Hinarap niya ako habang tinataas-baba ang mga kilay niya. Hinawakan na naman niya ang kaliwang hita ko at mukhang inaakit ako sa paraan ng mga tingin niya. “Nakakailang, uy!” sambit ko at pinalo ang kanyang braso. “Kiss me.” Napataas ang kilay ko sa pagtataka. “Huh? Nagdadrive ka, paano kita hahalikan niyan?” “I said, kiss me. Bilis.” Ngumuso siya habang ang tingin niya ay nasa daan. Inangat ko ang sarili ko para halikan siya sa labi ng dalawang beses. “Tamis,” aniya at tumawa ng mahina. I feel like I’m in a cloud 9. “Kilig oh,” pang-aasar niya. “Hindi ‘no!” pagtanggi ko at iniwas ang tingin. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa hita ko at hinigpitan ito. “Neil, thank you ah,” sambit ko. “Hmm?” “Thank you kasi ang bait-bait mo sa akin. Ikaw ang bukod tanging lalaki na rumespeto sa akin ng ganito,” mahinang sambit ko, sapat para marinig niya. “Sabrina,” aniya kaya binalingan ko siya, “karapatan mong marespeto bilang isang babae o bilang isang tao regardless your background and status in life, hmm?” Dahil sa sinabi niya ay nakalimutan ko lahat ng panlalait na sinabi ni Franco at ‘yung ibang tao na umapi sa akin. Siguro ang daming nagkakagusto kay Neil dahil para sa akin isa siyang perpektong lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD