[ZACHNE ARNEIL GOMEZ]
I woke up earlier than Sabrina. I let her rest for a while. I went to the balcony while carrying a cup of coffee.
I phoned Franco around 2 PM. I will not pass what he did to Sabrina. I know that she cried because of Franco. I know that he hurt her feelings. Because he has done that to Tiora before.
“Sir Neil, napatawag ho kayo?” bungad niya nang sagutin niya ang tawag ko.
“Why did you make her cry?” Lumingon ako sa labas ng bahay. Nakapamulsa na ako ngayon habang hinihintay ang sagot niya.
“Sino ho?”
“My guest, Sabrina. Why did you hurt her feelings?”
Nanahimik siya sa kabilang linya at mukhang pinag-iisipan pa ang sagot. “Sir, alam naman natin na—”
“Never ever interfere with my decisions, Franco. You have no right to hurt her feelings because you don't know her. If Mom finds out about this, I will fire you from your job. It is not Mom who pays your salary, but me,” Binabaan ko na siya ng tawag habang napapahawak sa sintido ko.
Ngayon ay hindi ko na hahayaan na may masaktan pa sina Mom. Alam ko na magiging kawawa si Sabrina kapag hindi ko pa siya ipinagtanggol tulad ng mga babaeng inuuwi ko sa amin. Naging duwag ako noon at matatakutin kay Mom pero ngayon ay hindi na.
Susubukan ko. Hindi ako duwag. Hindi na ako magiging duwag. Kailangan ko ring maging malakas dahil sa pamilyang ‘to ako ang bukod tanging kinokontrol nila. Parang ako lang ang tinalian nilang kadena sa leeg habang ang iba ay malayang ginagawa ang gusto.
My mother doesn’t understand my feelings. Hindi naman siya naging aware na kaya naging magkasintahan si Vannezza at ang pinsan ko dahil may affair sila.
They cheated on me, humiliated me, and used me.
Fvcking useless.
[SABRINA LEGASPI]
“Neil, ‘di ba nandito ‘yung taal lake tapos pwede ring umakyat ng bundok dito?” tanong ko.
“Yeah. Gusto mo ba? Kaya lang we can’t do it for the next few weeks dahil mabibusy talaga ako. Don’t worry, pupuntahan natin lahat ng tourist spot dito but this time gusto ko munang pumunta tayo sa sinehan mamayang gabi tapos ngayong hapon pupunta tayong mahogany market para mamili ng pagkain and then sa Park in the sky. Gusto kong marelax ang isip mo.”
Jusko po, talaga ba? Ang dami naming pupuntahan today! Excited na tuloy ako. Ano kayang hitsura ng mga tourist spot dito?
Kung hindi lang pala ako naging marupok kay Neil ay hindi ako makakapag-libot. Nagmumukha akong tanga sa mga bagay-bagay.
“Bait mo talaga,” pagnguso ko at ipinatong ang baba ko sa dibdib niya. “At ang gwapo-gwapo mo pa.” Hindi na ako nahihiyang purihin siya kasi totoo naman.
“Reminder, walang mafufall, Sab,” aniya habang natatawa.
“Uy, ‘no! Hindi ako in love sa ‘yo. Hindi ko nga alam paano ma-in love,” sagot ko na walang halong biro. “Hindi pwedeng nagwapuhan lang?”
“Tss…doon na rin papunta. Pero natutuwa ako kung gan’on. Ayokong saktan ka.” Inayos niya ang buhok ko. “Siguro kung magiging tayo after five years na,” humalakhak muli siya kaya nasabayan ko.
“Pero what if nga nafufall ako na hindi ko alam?” Posible ‘yon. What if lang naman eh. Hindi ba niya ako pwedeng saluhin?
Hindi siya sumagot at nag-iwas lang ng tingin. “Mabuti nang hindi mo alam ang pakiramdam ng nafu-fall in love. By the way, may I ask you something? If you don’t mind,” pagbibigay alam niya.
“Oo naman. Ano ‘yon?” naghanda ako sa sasabihin niya. Ang mata ko ay nakatitig sa mata niya.
“Kapag binalik na kita sa club ay magtatrabaho ka pa rin doon?” tanong niya. Walang alinlangan akong napatango. Siyempre doon ang trabaho ko at nandoon ang kaibigan ko. Alangang babalik pa ako sa kalsada, ‘di ba? Opportunity na ‘yun! See, 1 month lang, milyones agad. Magpapagawa ako ng bahay after ibigay ni Neil ‘yung pera.
“Wala naman akong ibang magiging trabaho,” sagot ko. “Hindi rin naman ako tatanggapin kasi nga ito lang ako.”
Naramdaman ko ang awa niya nang yakapin niya ako. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako bigla ng sandalan sa ginawa niya. Hindi ko akalain na ang isang mayaman na tulad niya ay binibigyan ng comfort ang isang hampas lupang katulad ko.
“What about this, uhm, be my personal assistant? Palagi ka lang sa tabi ko para may inuutusan ako. Hindi naman mabibigat na trabaho. I can’t bear to see you fvcking other guys. I mean, hindi bagay sa ‘yo ang pagfiestahan ka nang iba’t-ibang mga lalaki sa kama. Hindi mo naman ginusto ang trabahong ‘yon, ‘di ba? At saka ang precious ng katawan mo tapos gagamitin lang ng iba’t ibang lalaki? I can’t imagine that,” lintaya niya habang pinaglalaruan ang daliri ko. “Ako lang dapat.”
Sus, isisingit pa niya sarili niya eh.
Humigop ako ng lakas para higpitan ang pagyakap ko. Hindi ko akalain na kaya niya itong sabihin sa isang katulad ko na palaging sinasabihan ng mga tao ng iba’t ibang panlalait. Lalo na ‘yung si Franco? Tinawag akong toxic samantalang hindi naman niya kilala ang pagkatao ko.
“Talaga ba? Bibigyan mo ako ng trabaho? Ang bait-bait mo talaga!” pagtalon ko at hinalikan siya sa panga. “Pero palagi pa rin ba tayong nag-aano n’on?”
“Ikaw talaga,” pagtawa niya at pinitik ako sa noo. “May we have a deal, a 30-day agreement. Once those 30 days have passed, I shall refrain from any physical contact with you, unless you explicitly desire it. I am wholeheartedly willing to engage in intimate moments with you on a daily basis,” kaswal niyang sagot habang hinahaplos ang collarbone ko. “And I will be glad if you lend your body to me freely,” itinaas-baba pa niya ang kanyang mga kilay at ngumiti ng nakakaloko. “At that I will always give you the best night to give you a lot of energy and encouragement everyday.”
“Lol! Ang libog mo!” sambit ko at tinakpan ang bibig niya. “Ngayon lang ako nakakita ng isang gentleman na mabait na lalaki na may halong libog!”
“Ayaw mo ba?” idinikit niya ang tungki ng ilong niya sa tungki ng ilong ko. “Look, I’m not forcing you, okay? Now, you are just a worker and I am your customer at ang customer ay binibigyan ng maayos na service and you did your job well. Isang araw pa lang ay napapabilib mo na ako,” seryosong lintaya niya.
“Gusto kong gawin ‘yon pagdating sa ‘yo, siyempre,” nakagat na labing sagot ko. Kung ako siguro ang tatanungin bilang isang club worker ay si Neil na lang ang gusto kong maging customer.
Yummy—ay joke! Mabait siya, oo.
“Anyway, after one hour rest magbibihis na tayo. Ayokong nasasayang ang bawat oras na free ako. Magiging busy ako this coming few days at baka hindi kita masamahan sa paglilibot. Ayoko rin na aalis kang mag-isa sa lugar na ito.”
“Aye, aye,” sagot ko habang mahinang tumatango. Napadaing ako nang biglang sumakit ang gitna ng mga hita ko.
“Why are you glaring at me?” natatawa niyang tanong. “Oh, still hurts? I’m sorry. Can I see—”
“Sira!” nahihiya ko siyang hinampas at binalot ang sarili ko. Nakakahiya ‘yung ginawa niyang ‘yun a.
Humahalakhak naman siya na parang wala na siyang itatawa para bukas. Imbis na mainis ako ay naaliw pa ako dahil sa pagtawa niya. Nakakahawa tuloy ang kasiyahan niya. Sana palagi kaming ganito ni Neil.
Matapos ng isang oras ay sabay kaming naligo ni Neil. Nakababad kami ngayon sa malawak niyang bathtub habang sinasabon niya ang hita ko. Ito namang lola niyo ay kilig na kilig habang pinanonood siya. Ang kaliwang kamay niya ay busy sa pagmamasahe ng isang dibdib ko. Binibigyan niya ako ng komportableng pakiramdam na may halong kilig.
“Hoy!” bulyaw ko nang halikan niya ang hita ko pataas hanggang singit ko. Grabe ka talaga, Neil! “Pati ba naman sa pagligo? Hindi ka pa po ba napapagod, Mr. Neil, huh? Maawa ka na naman.”
Kinagat niya ang labi niya at hinablot ang panga ko para bigyan ng isang mapusok na halik. “Bakit naman ako mapapagod? Mas ginaganahan nga ako,” bulong niya sa kalagitnaan ng halikan namin.
Sira talaga…
Nasa sasakyan na niya kami ngayon, limang minuto ang nakalipas mula sa biyahe paalis ng bahay niya at habang ako ay masayang dinadamdam ang malakas na hangin. Hindi ko sinarado ang bintana dahil gusto kong lumanghap ng hangin sa Tagaytay. Mabuti na lang at hindi maarte si Neil.
“Do you like the view?” tanong ni Neil at hinawakan pa ang kamay ko. Hinawakan ko siya pabalik.
“Oo! Salamat at tinupad mo ‘yung pangarap ko na makapunta rito. Alam mo ba kung bakit ko pangarap dito? Dahil ito ‘yung lugar na unang beses kong napanood sa TV,” pagkwento ko habang pinapanood ang magagandang puno at ang mga magagandang halaman.
“You’re so natural, huh? Marami pa tayong pupuntahan kaya relax ka lang diyan.”
Nauna namin puntahan ay ang market na sinasabi niya. Sabay kaming namili ng mga pagkain namin. Meat, gulay, fish, mga sangkap pati na rin mga prutas. Nagtalo pa kaming dalawa dahil sa gulo namin sa pamimili at dahil gentleman si Neil, hinayaan na niya akong manalo.
“Mga babae talaga ayaw magpatalo,” reklamo ni Neil nang makasakay kami. Napahalakhak lamang ako at inayos ang seatbelt ko. “Park in the sky na tayo para marelax ‘yang isip mo,” dugtong niya.
“Okay! Excited ako!” maligayang sambit ko at niyakap siya sa braso.
“I love your smile. Mas lalo kang gumaganda,” puri niya na ikinapula ng mukha ko.
Neil, baka ikaw ang ma-fall sa akin niyan, huh?
[CHELLE LYN SINDAO]
“Tinawagan ako ni Sir Neil, unang beses niya akong sinermon dahil lang sa nakaharap ko ‘yung babaeng inuwi niya,” kwento ni Franco, driver ng mga Gomez, habang naninigarilyo.
“Napagalitan din ako. Siguro gusto ni Sir Neil ‘yon? Paano na sila ni Ma’am Vannezza?” Alam ko naman na gusto pa rin ni Ma’am Vannezza si Sir Neil. Mas boto ako sa kanila kumpara kay Sir Denzel.
Nakakainis ‘yung babaeng ‘yon! Feeling maganda, malandi naman! Kapag talaga nakaharap ko ‘yon sasabunutan ko siya.
“Huwag na lang kayong makialam, mga anak, hayaan niyo na ang Sir Neil niyo sa mga desisyon niya,” sabat ni Manang Yrna. Natahimik na lang kami ni Franco at nagsenyasan na lang ng tingin.
Hirap kasi kay Sir Neil hindi na lang siya mag-focus sa business at puro pambababae ang inaatupag. Kaya siya natatalbugan ni Sir Denzel eh.
“Huwag nating hayaan na maging sila n’ong babaeng inuwi niya,” bulong ni Franco. Kaagad naman akong sumang-ayon. Hindi sa katulad ng babaeng ‘yon mapupunta si Sir Neil.
Mas bagay sila ni Ma’am Vannezza!
[TERESITA DELA CRUZ]
“Darrel, ang kulit mo naman eh! Sinabi ngang wala sa akin si Sabrina!” Pilit ko siyang pinapaalis sa bahay ko pero hindi pa rin siya nakikinig. Dalawang araw pa lang ang nakalipas n’ong pumunta siya pero gusto niya nandito na kaagad si Sabrina.
Sana okay lang si Sabrina sa kamay ni Neil.
“Bwesit talaga ‘yung babaeng ‘yon! Kailangan namin siya! Ibebenta siya ng nanay ko para may kwenta ang babaeng ‘yon! Matapos naming palamunin ganyan lang ang igaganti?!” Reklamo niya at sinakal pa ako.
“TULONG!” sigaw ko kaya kaagad niya akong binitawan. Alam niya na lalabas ang mga kapitbahay ko.
“Itong tatandaan mo, huh.” Dinuro niya ang ulo ko. “Kapag nahuli ko ‘yang Sabrina na ‘yan, gagawin kong impyerno ang buhay niyan!”
Paghinga ng malalim ang nagawa ko dahil sa ginawa niyang pagsakal. Kailangan kong sabihan si Sabrina once na nakita ko siya. Kung may phone lang sana siya ay itetext ko na lang kaya lang wala siyang cellphone.
Namumula ang leeg ko pagtingin ko sa salamin. May araw din ‘yung Darrel na ‘yun!