Napakalaki at napaka-engrande na ng bahay ni Sander, e, halos doble pala itong ancestral house nila. Para itong lumang palasyo na binagayan ng modernong disenyo. Bricks ang karamihang nakapalibot sa mga dingding at bawat madadaanan ay mga naggagandahang halaman na naka-display. Maging iyong main door ay may dalawang malalaking paso sa magkabila na mayroong malaki at matangkad na mga halamang may mga higanteng dahon. “Ay, teka, Sander, kinakabahan talaga ako. Maiwan na lang kaya ako doon sa sasakyan. Hintayin na lang kita doon, ha?” huminto ako sa paglalakad kaya napalingon siya sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at lalo pa niya itong hinigpitan dahil sa sinabi ko. “I won’t let my girlfriend waiting in the car. What are you being afraid of?” humarap siya sa akin hangg

