Natawa ako, dahil sa sobrang tuwa ni Axel ay nag-order siya ng maraming pagkain at inumin, pati mga balloons at flowers. Hindi ko alam kung saan siya nakahanap ng mga tao na binayaran niya para ayusan iyong garden at nagkaroon tuloy kami ng instant celebration. Maging ang lahat ng mga nasa bahay ay nagulat nang isa-isang nagdadatingan ang mga taong may iba’t ibang dala para sa biglaang okasyon. “Pagpasensyahan ni’yo po muna itong nakayanan ko. But I promise I will hold a grand engagement party kapag pumayag na si Coleen na magpakasal sa akin. But for now, I am so glad that she agreed to be my girlfriend,” he told my family. Ang mommy at daddy ko ay masayang-masaya, gano’n din ang kapatid ko. At higit sa lahat na hindi mapakali at tuwang-tuwa ay ang anak ko. Gustong-gusto niya talaga si Ax

