Hinintay ko munang tuluyan kaming makapasok ng Calix sa bahay nila bago ko siya galit na binalingan. "Pumatol ka sa mukhang pokpok na iyon?" nanggigil kong sumbat sa kanya. "Hindi naman pokpok iyon," napakamot niyang tugon. Lalong nag-init iyong ulo ko sa sagot niya. "So, pinagtatanggol mo?" asar na asar kong tanong. "Eh, 'di magsama kayo," inis kong dugtong bago pa siya makasagot. Padabog akong umakyat sa silid niya upang kunin iyong gamit ko. Narinig ko naman ang pagsunod niya sa'kin pero di ko siya binigyang pansin. "Airah, matagal nang nangyari iyon," mahinahon niyang paliwanag habang nakasunod sa'kin. Padaskol kong binuksan ang pinto ng silid niya at pabagsak itong sinara na mabilis naman niyang napigilan. Sayang at di pa siya natamaan sa mukha! "Nakita mo lang iyong babaeng

