Chapter 11
1 month had passed and dad, kuya Zach at Sasha tried to go back to our normal life before. Pero pakiramdam ko impossible na iyon mangyare dahil wala na si mama. Kahit kelan ay hindi na kami makukumpleto.
Kahit na hindi pa graduate si kuya Zach ay pinagsabay niya ang pamamahala sa kompanya at ang pag-aaral. Our company is getting stable kahit na hindi pa ito gaano nakakabawe at nakakaahon ay sinusubukan pa din ni kuya Zach na isalba iyon. Paunti-unti nakakabawe kami. Matagal pero ang importante ay may progress naman.Patuloy pa din ang hidwaan sa pagitan ng pamilya namin at ng mga Corrins. Pinagbawalan din kami ni papa na magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa mga Corrins. Naiintindihan ko si papa pero pakiramdam ko lang na mali na isisi sa mga Corrins ang nangyare sa pamilya namin. Hanggang ngayon hindi pa din nahuhuli ang kumidnapped saakin pati na din ang nagtakbo ng malaking halaga ng pera sa kompanya dahilan ng pagkakalugi namin. Gusto kong tumutol sa mga desisyon ni papa pero wala akong magawa dahil sa tuwing naalala ko na ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyare saamin ay natatahimik ako at nakokonsensya.
Nang makita kong papalapit sila Ishelle saakin ay nag-iba ako ng daan. Ayoko silang iwasan pero ayokong suwayin ang utos ni papa. Alam ko naman na kahit ilang taon pa ang lumipas alam kong hindi na maibabalik ang mabuting relasyon ng Cadwell at ng Corrins. Bukod pa doon alam ko din na hindi mapapatawad ni papa ang mga Corrins kahit na hindi naman napatunayan ang lahat ng mga ibinintang sa mga ito.
“Zoey.”napalingon ako kay Sasha na kadarating lang. Simula ng mangyare ang aksidente ay si Sasha na ang madalas na kasama ko. Natakot na din akong makipagkaibigan sa iba pagkatapos ng nangyare saakin. Hanggang ngayon ay ipinapahanap pa din ni papa ang taong nasa likod ng pagpapakidnapped at ang pagtangka sa buhay ko at hanggang hindi pa nahuhuli ang taong iyon sa tingin ko ay hindi ako mapapanatag at patuloy na mamumuhay ng may takot sa puso ko. Dahil Malaya pa ang taong iyon hindi impossible na nasa tabi lang iyon at nagmamasid-masid saamin, saakin.
“Ah, Sasha nandito ka na pala.”I smiled at her. Dapat si kuya Zach ang susundo saakin ngayon.
“Busy si kuya Zach kaya naman ako ang pinasundo niya sayo.”ngumuso siya at umiwas ng tingin saakin.
Marahan akong tumango."Ganoon ba."
"ZOEY!"
Parehas kaming napalingon ng may tumawag saakin. Sila Ishelle.
"Zoey, halika na umuwi na tayo."tawag naman ni Sasha saakin.
"Zoey, puwede ka ba naming makausap?"tanong ni Ishelle na nasa harapan na naming ni Sasha.
"Zoey, halika na."hinawakan ni Sasha ang kamay ko at napa-angat ako sakanya ng tingin.
Seryoso itong nakatingin saakin."Papagalitan ka ni papa pag nalaman niyang kinakausap mo ang mga Corrins."She sighed.
Pero nagulat ako sa sumunod niyang sinabi at hindi ko iyon inaasahan."Kaya bilisan mo."she nodded as if she give me a go signal.
Napangiti naman ako.”S-salamat, ate.”
This time it was her turn to look shock pero ng makabawe ay ngumti siya saakin.”Sige na. Hihintayin kita sa sasakyan.”tsaka naglakad siya paalis.
Nilingon at binalingan ko naman sila Ishelle.
"Hindi tayo puwedeng mag-usa---"
"ZOEY!"niyakap nila akong tatlo.
"Sorry!"they all cried. Pati ako ay hindi napigilan ang sarili at nagging emotional.
”Akala namin pati kami ay hindi mo na kakausapin.”humihikbing sambit ni Ishelle.
“Sana hindi ka galit saamin, Zoey. Sana hindi mo kami sinisisi sa pagkawala ni tita Chloe.”iyak ni Selene.
“We miss you, Zoey.” Gretta bite her lower lips, suppressing her sobs.
Malungkot ko silang nginitian."Sa ngayon mas makakabuti na hindi na muna tayo magkita. Lalo na at palala ng palala ang hidwaan sa pagitan ng mga pamilya natin."
“Z-Zoey...”
“Kapag nahuli ako ni papa na nakikipag-usap sa kahit na sinong Corrins ilalayo niya ko at dadalhin sa ibang bansa.”natatakot na sabi ko sakanila.”Ayokong umalis at pumunta ng ibang bansa.”
“A-ano?”gulat nilang sambit.
“Hindi ko kayo sinisisi sa nangyare sa pamilya ko. Wala namang patunay na ang mga Corrins ang may kagagawan noon.”I said.”I…I have to go. I-I’m sorry.” At patakbo na akong umalis.
It was hard to avoid all the Corrins but I have to. Sa ngayon iyon lang ang magagawa ko para maiwasan na magalit lalo si papa. Nang makasakay ako sa sasakyan hindi ko napigilan ang mapahagulgol ng iyak.
“Tahan na. Maayos din ang lahat.”pag-aalo saakin ni Sasha.
And I can only hope that everything will be okay soon.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba. What was that commotion outside? Lumabas ako ng silid at may narinig na sumisigaw.
Wait! Is that? Dali-dali akong bumaba para kumpirmahin kung si…
”ZOEY!”
”ZOEY!”
“E-Elysian…”naisatinig ko at hindi makapaniwalang nasa bahay siya. He looks devastated habang pinipigilan siya ni papa na umakyat sa taas.
“ZOEY!” tawag niya ng makita ako at pilit na gustong lampasan ang nakaharang na si papa sa hagdanan..
“SINASAGAD MO TALAGA ANG PASENSYA KO!”galit na sigaw ni papa at malakas na sinuntok si Elysian dahilan para mabuwal sa kinatatayuan niya si Elysian.
Napasinghap ako.”ELYSIAN!”bababa sana ako pero galit na pinagbawalan ako ni papa kaya napahinto ako at walang nagawa.
Akmang susugurin pa ulit ni papa si Elysian ng pigilan na siya ni kuya Zach at si Sasha naman ay dinaluhan si Elysian. Hindi na ako nakatiis at bumaba na din ako sa hagdan pero hindi pa 'man ako tuluyang nakakababa ay nagsalita na si papa
“DIYAN KA LANG, ZOEY! ANG LALAKI NA IYAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY ANG MOMMY MO!”galit nag alit na sigaw ni papa.
“Papa please...”umiiyak na pagmamakaawa ko.
I haven’t seen Elysian for a month and it feels like forever. I miss him. I miss him so much.
“Sir, please just let me talk to Zoey kahit saglit lang.”pagmamakaawa ni Elysian kay papa.
Muli siyang lumapit kay papa at nakapumiglas naman si papa sa pagkakahawak sakanya ni kuya Zach at muling sinuntok si Elysian. Hindi naman gumanti o umilag si Elysian. Nakita ko kung paano magdugo at pumutok ang labi niya.
“Papa, tama na!”pahisteryang awat ni Sasha.
“UMALIS KAYONG DALAWA SA HARAPAN KO. PAPATAYIN KO ANG LALAKING IYAN! MGA HAYOP KAYONG CORRINS!”
“Papa!”tumakbo ako at humarang kay Elysian."Tama na please. Huwag mo na siyang saktan." I cried.
“Umalis ka diyan, Zoey!”dad gritted his teeth.
“No! Please! Tama na!”umiling ako.
“Elysian, umalis kana.”umiiyak na pagtataboy ko kay Elysian.”Please.”I begged.
Nagpapasalamat ako at nakinig ito saakin at walang sabing umalis ng bahay. Kinabukasan ay maaga akong nagising ng magkagulo nanaman sa mansion. Hinuli si papa dahil sa ginawa niya kay Elysian kahapon at dinala sa presinto.
“Kuya makukulong ba si papa?”puno ng takot na tanong ko.
Napabuntong hininga si kuya Zach.”Hindi ko alam, Zoey. Hindi ko alam.”nailing na sabi ni kuya Zach na tila problemado.
Hindi ko puwedeng hayaang makulong si papa. Wala na si mama at hindi ko na kakayanin kung pati si papa ay mawawala pa saamin. I have to do something! Gulat na gulat ang mga Corrins nang makita nila ako sa mansion nila.
Hindi ko inaasahan nag anon kadali lang ako makakapasok sa mansion ng mga Corrins hindi ko na kailangan gumawa ng eksena hindi katulad ng nangyare sa mansion naming kahapon ng pumunta si Elysian. Pagkapasok ko sa b****a ng mansion nakita ko na halos ang lahat sakanila ay nandodoon at mukhang nagulat ng makita ako. Wala na akong sinayang na panahon at ginawa na ang sadya ko sa mansion ng mga Corrins.
“P-please...w-wag niyo pong ipakulong ang papa ko.”pagmamakaawa ko at lumuhod sa harapan nila. Narinig ko ang malakas na pagsinghap nila at tila hindi inasahan ang ginawa ko.
“ZOEY!”hinila ako patayo ni Elysian at niyakap.”What do you think you're doing!? Begging on your knees!”he snapped.
“Elysian,”yumakap ako sakanya pabalik at hindi mapigilan ang mapaiyak.”Please wag mong ipakulong si papa.”umiiyak na pagmamakaawa ko.
Hindi siya sumagot.
Napahigpit naman ang pagkakayakap ko sakanya.”Siya na lang ang meron kami, Elysian. Ayokong pati si papa mawala samin.”
“Zoey...”
“Please, Elysian.”napapapikit ako ng pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at dumampi ang kamay niya sa pisngi ko.
“Stop crying, Zoey.”malungkot niyang sabi.”Hindi makululong si tito Zam.”
“But, Elysian! Zam is not thinking straight anymore! Tignan mo ngayon pati ang mga anak niya ay nadadamay at nahihirapan dahil sa sariling kagagawan niya!”tutol ni tita Aleign.
“Mom please...”pagod ang tono ng boses ni Elysian ng bumaling siya kay tita Aleign.
Tita Aleign just sighed at wala ng nagawa.
“T-thank you...”I gulped.
“Take care, Zoey.”he said sadly, caressing my cheek.
Marahan akong tumango sakanya.”I-Ikaw din.”lumabas na ko ng sasakyan niya. Akmang lalabas sana siya para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya pero pinigilan ko siya dahil baka makita siya ng kahit na sino sa mansion at isumbong ako kay papa.
“Zoey...”tawag niya saakin.
Huminto ako at nilingon siya.”Bakit?”
“This is gonna be painful but I will wait for you.”he smiled reasurringly at me.
Hindi ko alam pero ng mga oras na iyon ay parang gumaan ang pakiramdam ko at masayang-masaya na napangiti.