Chapter 20 Kinakabahan akong umuwi sa bahay lalo na ng si papa ang sumalubong saakin pag-uwi ko. “Oh you’re home! Kamusta ang ojt mo?”nakangiting salubong saakin ni papa. Kinakabahan ‘man ay nagawa ko pa ding ngumiti at yakapin si papa. “Ayos naman po, papa.”sagot ko. “Ganoon ba. Mabuti na lang kung ganoon. Saan ka nga pala nagoojt? Walang nabanggit saakin ang mga kapatid mo kung saan.”tanong ni papa na ikinatigil ko. “Sa Cadwell ba, anak?”nakangiti pa ding tanong ni papa. Samantalang ako ay halos hindi na alam ang gagawin sa kinatatayuan ko. “Zoey? Saan ka nagoojt?”ulit ni papa na ngayon ay parang nagtataka na. “PA!”si Sasha.”Sa isang bagong bukas na kompanya si Zoey nagoojt, pa. Hindi namin alam kung kilala mo ang kompanya since bago palang iyon.” “Ah ganoon ba.”tumango si pap

