Chapter 12

4302 Words

Araw ng huwebes ngayon at maaga pa akong pumasok ng opisina kahit may dadaluhan kaming party mamayang alas sais ng gabi. Naabutan ko ang amo ko papasok sa kaniyang elevator. Mukhang napansin naman niya ako ngunit huli na dahil kusang sumara ang elevator nito. Pumasok na lamang ako sa kabilang elevator na para sa employees at mabuti na lamang wala akong kasabay. Nakahinga ako ng maayos nang magbukas ang pinto ngunit nabawi iyon dahil sumalubong sa akin ang abnormal kong amo na naka-kunot noo. Tuloy-tuloy akong lumabas at sinadya kong lagpasan ito ngunit nahablot nito ang kanang braso ko. Mahigpit niya itong hinawakan at ramdam kong tila mawawalan ito ng daloy ng dugo. “M-magandang umaga, sir.” malugod ko pang bati rito kahit ramdam ko na ang sakit ng aking braso. Tumaas ang kilay nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD