Nagising si Kassel sa isang malagim na panaginip. Laman ng kaniyang panaginip ang pagkuha ni Aliya sa kanilang anak ni Andrey. “Hindi! Hindi mo maaaring kunin ang anak ko!” sigaw ni Kassel. Bigla itong napabangon at ganoon na lamang ang kaniyang pagkadismaya na siya ay nasa loob lamang ng kaniyang silid. Naghihikaos itong hinagilap ang buong silid para hanapin ang anak. “Andreyn… anak,” natatakot niyang sambit. Mabilis siyang bumaba sa kama para lumabas at nagmadaling hanapin ang anak sa ibaba. Dahil sa pagkataranta ay kulang na lang liparin niya ang hagdan para lang makababa. “Nana! Nana!” malakas na sigaw nito. Nagmamadali namang pumasok ang matanda sa loob ng sala at natatakot na lumapit kay Kassel habang buhat ang bata. “Ano ba iyon, hija? Bakit ka sumisigaw?” natataranta rin n

