Isang linggo na ang nakalipas buhat nang mapadpad ako sa bar at nakaramdam ako ng hiya nang matanto kong ang amo kong abnormal ang nakasayaw ko roon. Ang masaklap pa ay tumungtong pa siya rito sa lugar ng apartment ko. Nagbihis na ako dahil ngayon na ang totoong araw ng aking trabaho. Nagsuot lamang ako ng corporate attire na nabili ko kahapon sa isang mall upang gamitin sa aking trabaho. Inilugay ko ulit ang aking buhok at naglagay ng konting kolorete sa aking mukha bago lumisan sa apartment ko. Pasado alas syete ay nakasakay na ako ng jeep. Medyo siksikan sa loob ng jeep dahil lunes. Karamihan ay mga lalaki ang nasa loob at katabi ko ang isang lalaki na kanina pa ako dinidikitan. Naasar na ako sa kaniyang inaasal dahil nasasagi nito ang aking hita. “Putangina, isang hawak pa, yari ito

