2 months later… Dalawang buwan, dalawang buwan na akong lihim na pabalik-balik sa Davao para lang masubaybayan si Deanne sa kaniyang pagbubuntis at sa ngayon ay narito ako sa ospital. Malayo sa kanilang pigura. Nirereport lahat ni Greg sa akin ang bawat ginagawa nito sa loob ng rest house. Finally, after 9 months, she’s giving birth with my child at napag-alaman kong lalaki ang kaniyang isinilang. A tear escape from my eyes. Hindi ko man siya nakitang nahihirapan sa pagbubuntis, at least nasilayan ko ang bata. Nanatili ako sa ospital, sa may nursery, binabantayan ang munting anghel namin ni Deanne. Pero, kinuha rin siya ng nurse kaya sinundan ko sila patungo sa silid ni Deanne. Hindi masyadong naisara ng nurse ang pinto kaya malaya kong napagmamasdan ang ngiti ni Deanne sa aming munting

