It’s good to be back where it all started. Sa kung saan dito ko natamasa ang lahat ng hirap at sakit, lahat ng pagod at kung saan lahat nagsimula ang aking pangarap. Kasama ko si Andrey na handa na rin bumuo ng pamilya at handa ko na rin siyang ipakilala sa aking magulang. Naging magulo ang relasyon namin ngunit nahanap pa rin ng aming mga puso ang isa’t-isa. Today’s February 14 of 2022, malamig ang hangin na yumakap sa aking balat. Mataas ang tirik ng araw at kulay asul ang kalangitan. Napatingin ako sa aking mag-ama na nagkukulitan palabas ng airport. Hila ni Greg at Maecel ang ilan naming mga bagahe na nagbabangayan sa aking likuran. Nauna kasing maglakad ang mag-ama dahil excited si Andreyn na makita ang buong syudad. Ngumiti ako ng malawak nang sabayan ako ni Andrey sa paglalakad.

