“Ito na ang huling araw ng exam niyo at sa susunod na linggo ang inyong graduation.” saad ng instructor namin. Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa trabaho dahil sa exam namin ngayon. Inunahan ko na talaga ang magpaalam sa Manager noong nakapag-apply ako kaya’t late ko nang nasabi sa amo kong abnormal. Kamusta na kaya ang ang araw niya? Pasalamat siya at wala ako roon sa opisina para pagtripan na naman siya. Nakakatawa kasi ang itsura niya kapag naaasar siya. Napabalik ako sa wisyo nang magsimula na ang huling exam namin. Nagsagot lang ako nang nagsagot hanggang matapos ito dahil napaka-basic lang naman nito. Nauna akong nagpasa at rinig ko na naman ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Alam kong matalino ako at hindi ko naman ipinagyayabang iyon kasi kahit papaano naman nag-aaral pa

