Maayos ang naging tulog ko at maganda rin ang bungad sa akin ngayong umaga. Bumangon ako at bumaba sa kama para maligo. Pasayaw-sayaw pa akong nagtungo sa banyo. Mabilis akong naligo dahil gusto kong makita si Deanne. Papasok kasi kami ngayon sa opisina and I want to kiss her already. Hindi ko alam kung kami ulit pero okay lang, sulitin muna namin at ayusin muna namin ang relasyon naming dalawa. Mas mabuti na lang na dahan-dahanin lahat para hindi mabigla. Pinaandar ko na ang sasakyan ko patungo sa kompanya at kung nagtataka kayo ay nasa France pa rin kami. Hindi muna ako uuwi ng Pilipinas hanggat hindi ko kasama ang mag-ina ko. Tama nga ang sinabi ni Tita Keshandra na kapag mahal mo, darating iyong oras na makakasama mo siya dahil magkukusa ang tadhana na sumuko sa inyo. Marami tayong

