Chapter 4

1785 Words
Nasa Building ako ngayon ng attitude boss ko dahil ako na ang bagong sekretarya. Maaga ako dahil pasado alas syete pa lang ay nakarating na ako. Ang gwapo pero walang modo ang amo kong abnormal. Napakasungit pero hindi uubra ang kasungitan ng damuhong iyon. Kung attitude siya, mas lalo naman ako. Binati ako ng guard sa aking pagpasok. “Magandang umaga, Miss.”  “Magandang umaga rin po manong. Mabuti naman at maayos na kayong kausap ngayon.” sabi ko. “Kasi nag-take na ako ng gamot, hija.” natatawang sambit niya. Napailing na lamang ako sa pagiging makulit ni kuyang guard. Nginitian ko na lang siya at pumasok sa loob ng building bago dumiretso sa elevator. Nakarating ako sa kung saan ang floor ng boss ko at dumiretso sa desk na nakalaan sa akin. Inayos ko na ang papers para  ipasok sa opisina ni abnormal. Maaga pa kasi para sa oras ng trabaho niya. Ang sabi sa akin ng manager ay late ito pumapasok. Time management na nga lang hindi pa magawa. Naglakad na ako patungo sa pinto ng opisina nito at binuksan agad, ganoon na lamang ang gulat ko nang nakita kong nagtitipa ito sa kaniyang laptop. Aga naman niya! Tsk. Mali naman ang binibigay na schedule sa akin ng Manager na iyon. “Magandang umaga, sir!” masigla kong bati sa kaniya. Hindi siya nag-angat nang tingin sa akin bagkus patuloy siya sa pagtipa sa laptop niya. “You're late, Miss Salvatore.” bungad niya. Ako late? Tanginang lalaki ito. Hindi man lang tumingin sa orasan. “Maaga ako. Alas syete pa lang naman. Hindi ba at alas otso ang simula ng office hour?” hindi ito sumagot. “Sir, para sabihin ko sa iyo, maaga ka lang pumasok kaysa sa akin. Wala pa nga sa starting hour ang pagpasok ko.” sarkastiko kong sambit sa kaniya. Napatigil siya sa pagtitipa at inangat ang tingin sa akin. Masama niya akong tinignan. Abnormal talaga. “Dapat nauuna ang pumasok sa akin dahil sekretarya kita.” giit niya. This man is really pushing my limit. “Pasalamat ka na lang at narito na ako. Baka nauna ka siguro, obvious namang hindi ka umuwi.” humalukipkip ako. Aba! Maaga naman akong pumapasok sadyang hindi lang siya umuwi. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Sasagot ka pa? Ipagtimpla mo nga ako ng kape.” utos niya. Seryoso? Sekretarya ako pero magiging taga-timpla rin ako ng kape niya. “Abuso ka na sir. Sekretarya ako hindi katulong. Kung may reklamo ka, I'll send you my resignation letter para wala ka nang reklamo. Naintindihan niyo po ba ako?” sarkastiko kong sagot sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay. “Give me the papers that I need to sign and get out.” malamig ang tono ng boses nito. “Sa building mo ba sir o sa opisina mo lang?” pamimilosopo ko sa kaniya. Matalim na niya akong tinignan at alam kong bubuga na nang apoy ang dragon.  “Give.me.that.fucking.papers!” madiin niyang sambit.  Pabagsak kong inilapag ang mga papeles sa kaniyang lamesa. “O isaksak mo sa baga mong dragon ka! May regla ka ba?” pambabara ko sa kaniya. Lalo siyang nainis sa mga sinabi ko sa kaniya. Akala mo kasi magpapatalo ako sa iyong hinayupak ka. Lol! Ang mataray hindi nagpapatalo na apihin ng attitude niyang boss. Hindi ka uubra sa akin. “You f*****g get out of this office or else I'll throw you outside!” Kumaripas na ako ng lakad hanggang sa mabuksan ko ang pinto pero dahil gusto ko talagang pagtripan ang boss ko ay nagsalita muna ako. “Iwasan mo ang pagiging dragon mo Mr. Garcia. Maaga kang tatanda! Goodbye!” balibag kong sinara ang pintuan ng opisina niya at naglakad na papunta sa desk ko. Natatawa akong umupo sa aking lamesa. Hindi ko talaga maiwasan na hindi siya pagtripan. Ang mukha niya kanina ang epic! Kulang na lang ay kuhanan ko siya nang litrato. Ang cute-este pangit ng reaksyon niya. Lumipas ang ilan oras ay lumapit sa akin ang mga katrabaho kong babae. “Uy girl, may sinesante daw si boss. Balita ko galing sa ibang department. Bago ka lang ba rito?” balita ni Azalea, nakita ko ang name niya sa name plate sa damit niya. Huh? Ano na naman ang problema ng abnormal na iyon? “Bakit daw?” puno ng kuryusidad kong tanong. Lumapit siya sa amin at binulungan kami. “Kasi daw na-late lang siya nang pasok pero tatlong minuto lang naman siyang late.” paliwanag nito. “Oh? Naman pala, bakit niya sinesante? Malay ba niya na na-traffic siya sa daan,” sagot ko. Ang dali kasi sa kaniyang magsesante, hindi niya kasi iniisip ang mga taong may pamilya na. Malay niya may tinutustusan at nagka-aberya lang ang pagpasok niya. Malala na talaga ang boss ko. Sana lang makatagal ako rito. “Ewan ko lang sis. Ang sungit talaga ni sir. Daig pa ng babaeng may regla.” reklamo ng iba. Totoo naman! Tinalo pa ang babae kung magsungit. “Buti nakakapagtimpi ka kahit bago ka pa lang?” ani ni Azalea Napailing na lang ako. “Nako, tiyaga lang katapat niyon. At tsaka kung maari ko lang iyon sapukin, ginawa ko na.” sagot ko. Napatawa naman kaming lahat sa sinabi ko. Napansin kong napatigil sila at umayos ng tayo. Nakayuko lang sila kaya nagtataka ako. Sumenyas sa akin si Azalea na tumingin sa likuran ko. Lumingon ako at paktay! Si boss pala. “S-Sir ikaw po pala, " Pinanliitan niya ako ng tingin. Nag-aapoy sa galit ang kaniyang mata at umigting ang kaniyang panga. “On my office NOW!” sigaw niya. Tumingin ito sa mga ibang empleyado at tinignan nang masama. “Go back to work! Hindi kayo nagsasahod para magtsimisan lang!” singhal niya. Nakakatakot ang kaniyang boses at umatras ang mga katrabaho ka pabalik sa kanilang mga upuan. Ginagaya ko ang kaniyang ekspresyon at tumigil lang ako nang dumako ang tingin niya sa akin bago tumalikod at naglakad papunta sa opisina. Galit na galit? Gusto manakit? Tinignan ko ang mga kasamahan ko na napapailing sa kanilang pwesto. Naglakad na ako at pabalibag na isinara ang pinto ng opisina ni boss abnormal. “What the hell was that?! Oras nang trabaho nagdadaldalan kayo?” dumagundong ang kaniyang sigaw sa soundproof na opisina niya. O ‘di siya na ang mayaman at naka-soundproof pa ang opisina. Napag-alaman ko lamang ito kay Manager nung minsan dumaan siya sa table ko. Nagkibit balikat ako at tumingin sa ibang direksyon dahil hindi ko siya kayang tignan nang diretso ang naglalagablab niyang mata dahil sa galit. “Wala naman mali. Tsaka tapos naman na ang ginagawa nila. Eh ikaw nga ang mali, nalaman ko lang rin pero hindi ako tsismosa,boss. Sinesante mo ang taong late lang ng tatlong minuto. Tsk.” pabalang kong sagot. “Oh? So kasalanan ko, Salvatore? Eh kung maaga siyang bumyahe edi hindi siya late sa oras ng trabaho niya.” giit niya. “Bakit sinabi ko ba na kasalanan mo? Ang sabi ko mali ka lang.” kibit balikat kong sagot. Napaka-arogante talaga ng lalaking ito. Ang sarap sapukin! Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit sinabi ko ba na sinabi mo?” abnormal niyang sagot. Napailing na lang ako. “Malala ka na, sir. Baka naman gusto mo na ipa-check up kita?” “Ano tingin mo sa akin? May sira sa utak?” pabalang niyang sagot. “Alam mo kasi sir, sayo kasi naka-kotse. Siya nag-co-commute kagaya ko. Pasalamat nga kayo pumasok pa iyong tao kahit late ng tatlong minuto. Kasi kung ako iyon, hindi na ako papasok.” He can't control the time of his employee. Hindi naman niya madidiktahan ang traffic. “Bakit ba nakikialam ka? Ang bago mo pa lang rito, akala mo kung sino ka.” inis ang tono nito. “Kung may reklamo ka, sa MMDA ka magreklamo. Sabihin mo doon na bawasan ang traffic sa Pilipinas tutal iyon naman ang pinuputok ng butsi mo!”  singhal ko naman sa kaniya. “And don't control your employees baka mamaya magsi-alisan na lang sila sa kompanya mo dahil sa kasungitan mo.” Nakakunot ang noo niya at umigting lalo ang kaniyang panga dahil sa inasal ko. Bakit ba? Tama naman ako. Magreklamo siya sa MMDA para mabawasan ang trapiko. Lumapit siya sa akin na may matalim na titig. Umatras ako dahil aminado akong natatakot ako sa awra ng boss ko ngayon. Parang apoy na nagliliyab sa galit ang kaniyang mga mata. “B-Bakit ka lumalapit?” nauutal kong tanong sa kaniya.  “Don’t order me what to do, woman!" Napatawa ako. Order? I know what he was saying pero dakilang alaskador ako. “May gusto ka ipa-order? Gutom ka ba?” Nakalapit na ito sa akin. Tumingala ako sa kaniya dahil hanggang balikat niya lamang ako. Gwapo talaga ang lalaking ito. Matangos ang ilong, mapupulang labi, mahahabang pilik mata at kulay asul na mata. Napansin kong mas umigting ang kaniyang panga at nagtaas baba ang kaniyang laryngeal protuberance.Napalunok ako dahil ramdam ko ang tindi ng inis niya.I can even smell his manly perfume. “Hindi ako gutom. Sa susunod kilalanin mo kung sino ang sinasagot-sagot mo, Miss Salvatore.” “Kilala naman kita, mukha ka kasing abnormal.” angil ko. Nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya at tumingin na lamang ako sa ibang direksyon. “Ako abnormal? Ang gwapo ko namang abnormal kung ganoon.” “Pwe! Nakakasulasok ang kagwapuhan mo. Nakakaubo!” I fake a cough. His breath give chills to my spine. Parang may dumaloy na kuryente sa aking katawan. Putangina, hindi ako matatakot. Ang alaskador na katulad ko hindi natatakot sa abnormal. “Baka kainin mo ang mga sinasabi mo, Salvatore.” alam ko ang ibig niyang sabihin. I smirked. “Kapal ng mukha? Artista ka, boy?” Lumayo na ito sa akin at nakahinga naman ako ng maayos.   “Pinagkakaguluhan nga ang mukhang ito.” mahangin niyang sambit at isinuksok ang kamay sa magkabilang bulsa niya. “Huwag kang mag-alala, hindi ako isa sa pagkakaguluhan ka. Akala mo nakalimutan ko na ang sinabi mo sa akin sa bistro? Nagkakamali ka. Ako? Istupido? Sorry ka pero mas istupido ka, abnormal ka pa, o saan ka pa?” sagot ko sa kaniya. “What did you say? Your that woman na nakabangga sa akin?” “Bingi ka ba?” Umiling siya. “Hindi. Baka ikaw.” “Linisin mo tenga mo, sir.” Nagmadali akong lumabas sa opisina niya na patalon-talon. Natatawa ako sa itsura niya dahil talagang inis na inis ang kaniyang mukha. Pero kahit nakakunot ang kaniyang noo ay makikita mo pa rin ang gwapo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD