1: THE INTERVIEW

1962 Words
"Sometimes, on our way through the world, we meet someone who touches our heart in a way others don't." ---unknown CHAPTER 1: THE INTERVIEW ALARM! Damn, the alarm clock! Kanina pa pabalik-balik at.... Kanina pa ako LATE! Magbibihis na ako! Ay, hindi pa pala ako naliligo! After 10 minutes tapos na ako.. Bahala na lang kayo mag imagine kung pano ko natanggal libag ko sa loob lang ng limang minuto. Naglahid ng kung ano-ano sa katawan at nagdamit sa loob ng apat na minuto minuto.. Asana yung isang minuto? Pinaghanap ko ng aking mahiwagang salamin. Di ko kayang mabuhay ng wala nito. Bago tuluyang lumabas sa kwarto ko, tiningnan ko muna ang sarili ko. That's it, I'm Demitria Magsaysay everyone knows. Ang Plain at mukhang masungit na babae. Hayy.. Wala akong magagawa. Talagang plain at masungit ako. The usual routine ng isang common employee-- Gigising ng maaga, magreready, kakain ng almusal, papasok sa trabaho, uuwi, matutulog-- Halos paulit-ulit lang. Pero parang iba ngayon. Bukod sa tanghali akong nagising, parang ang tahimik ng kusina. Wala si Mama? Wala siya sa sala, hapagkainan, kwarto niya.. Pero may kaluskos sa may kusina. Well, it was likely a groan. I don't know. Lumapit ako doon. Di ko makita kasi natatakpan ng kitchen counter. Bago ko tingnan kumuha muna ako ng milk sa ref. Tinungga ko na yung nasa karton kasi ako lang naman umiinom nito sa baha--- "PFFHT!" Naibuga ko lang naman yung iniinom ko dahil sa... "M-MA?!" "D-demi?" What the heck is this?! Ang aking INA, ang nagluwal sa akin sa mundong ito, ang babaeng pumipigil sa aking magkaboyfriend hanggang hindi pa raw ako tapos mag-aral..... ay nakikipaglaplapan sa sahig ng kusina namin??! "An-ano to?" Laglag panga lang ako sa nakita ko habang yung dalawang tinitingnan ko bumabangon sa sahig at inaayos ang damit nila. "Demi... Uhm.. This is Gardo, my boyfriend." Nahihiyang sabi ni Mama nang makatayo na sila. "BOYFRIEND?" As in boyfriend? Tumango lang si Mama saka tumingin kay Gardo. "Uhmm, Demi, nice to meet you." Inextend nya ang kamay niya sa akin. Eww! Ayokong hawakan yung kamay niya. Napatingin ako sa pagmumukha ng lalaking ito. Boyfriend? Eh mukhang may apo na itong boyfriend niya. Sa bagay mas okay na yun kesa mas bata sa akin. Uhmm, Let me see. He's around six feet with his grayish hair, yung tipong pinipilit pa ring kulayan ang buhok para magmukhang bata. Yung mga wrinkles nasa paligid na ng mata niya at nasa noo na rin, at mukhang playboy ang Lolo. Overall, sa lahat ng panlalait ko sa kanya nalamangan pa rin yun ng kagwapuhan niya. Siguro kung ka-edad ko lang din 'to magugustuhan ko. "Ahh, okay." Awkward niyang sabi sa akin ng hindi ko kunin yung kamay nya. "Demitria, may sasabihin pala kami sayo." Sabi ni Mama. "Ano yun?" I asked dryly. "Mas mabuti siguro kung mamaya na lang." Tiningnan ni Gardo si Mama tapos ako naman. "Let's have a dinner later at Red Resto, 7pm." "Bakit kailangan pa mamaya? Pwedeng ngayon na lang?" "Demitria, please mamaya na lang." Pakiusap ni Mama na masayang nakatingin sa akin. "Wait, 8 o'clock na. Late ka na." Oo nga pala. Bahala na nga yang dalawang yan. I have a lot of things to settle. <3 "Ms. Magsaysay." Naglalakad ako papuntang office room ko ng tawagin ako ng secretary ko. "Yes Ana?" "Ma'am si Agnes po." "Anong meron sa kanya? Oh, I remember, nakaalis na ba sya? May interview suya sa top Executive ng Solaine Hotel and Resort hindi ba?" "Yun na nga po ang proble--" "ANONG PROBLEMA? HECK! Where is she?" Napatingin ako sa paligid ng office. Napalakas na naman ang boses ko kasi napatingin sila sa akin pero ng titingnan ko na sila, umiiwas nang tingin. "Ma'am ano po kasi... Naaksidente siya kahapon." "WHAT?!" Ang isa sa mga jornalist namin napahamak? "Naaksi--" "Okay, I heard it. Wag mo na ulitin." Napahawak ako sa sintido ko. Mas lalong umiinit ulo ko. Paglingon ko sa paligid. Lahat sila busy sa ginagawa nila. Aisssh! Wala akong mauutusan. "Cancel my meetings for today. Ako ang pupunta kay Mr. Raymundo." Hindi pa nga ako nakakarating sa office room ko mapapasabak na naman ako. Bakit ba wala akong sasakyan ngayon?! <3 Buti na lang wala pang isang oras nakarating na ako dito sa Soline Hotel and Resort Inc. It's already 10 in the morning, sakto lang sa usapan nila ni Agnes. "This way Madame." Guide sa akin ng isa sa mga staff dito sa hotel. Sa third floor, sinalubong naman ako ng isang babae. Siya yung secretary ni Mr. Raymundo. "Good morning Mrs. Colina. Please have a seat. Mr. Raymundo will be here any time soon." Tumango ako. "Asan ba siya?" Alam ko namang Pinay itong kaharap ko 'bat pahihirapan ko pa ang sarili ko mag english. "Ahh.. Nasa, meeting po. Don't worry parat-- ayan na pala sya." Binalingan niya ang boss niya. "Good morning Rafael." "Morning Tina." Wow ah! First name basis sila.. Ano ba ito? May ibang klaseng romansa na bang nangyayari sa kanila. Uhmmm? "Earth to Mrs Colina?" EH? Nasaharap ko na pala Mr. Raymundo. Masyado na ba akong nag-iisip? "Yes? I'm sorry for spacing out." Tumayo ako at napapayuko pa sa kahihiyan ko. "No, it's okay. If you excuse me for a minute. I need to arrange something then we can start the interview." Tumango lang ako tapos umalis na siya. Kaya naman pala siya si Mr. Raymundo, I mean kaya pala pinagkakaguluhan siya ng marami. May kung ano kasi syang aura na nagpapalapit sa kanya. Kaya pala-- Mr. Rafael Raymundo, one of the youngest Billionaire and a super hot bachelor. Iyan ang brand sa kanya ng mga taong nakakakilala sa kanya. Well, kilala ko na siya dati pa lang, syempre ako'y nasa Jornalism and Media Industry dapat lang marami akong alam sa mga pinaguusapan ng bawat mamamayan. I excuse myself to go to the powder room before we start. Kaagad itinali ko ang napaka dull at bagsak kong buhok. Mas mukha akong nagmukhang-- Mataray! Ano na ba gagawin ko sa pagmumukhang ito? Tsk! Bahala na nga ang mukhang 'yan. Balik na lang ako sa office niya. Demitria Magsaysay kaya mo yan! "You may now enter Mrs. Colina." Kanina ko pa napapansin na Colina ang tawag sa akin. At Misis pa! "Thanks but I'm just a proxy of Mrs. Colina." "Oh.." Hindi ko na pinansin si Tina at nagtuloy-tuloy pumasok. Sa loob ng talagang office ni Mr Raymundo, mangha naman nga ako. Tsk! Parang CR niya lang yung space ko sa office namin. May malaking binta yung kwarto kaya yung sillohuet ni Mr. Raymond ang cool lang tingnan. Nakatayo siya at nakatalikod sa akin. "AHEM!" I faked a cough. "Good moring Mr. Raymundo. Shall we start our interview." "Hahaha!" Tumawa sya? May nakakatuwa? "Don't be too formal, Mrs. Colina." Humarap siya sa akin at nakita ko ang liwanag..er.. Ngiti nya. "Gusto ko sanang ang interview mo sa akin ay parang kwentuhan lang. Relax, nothing to worry about." Tapos umupo siya sa isang couch na katapat ko ngayon. "Take a sit." Umupo naman nga ako sa katapat na couch at pinatong yung folder na hawak ko na may mga listahan ng mga tanong na hinanda ni Agnes. Nilabas ko rin sa bag ko yung cellphone ko for recording. "So..." He said while leaning forward. Ipinatong niya ang kanyang siko sa kanyang hita, yung kamay naman niya nasa baba niya. "Magsisimula na ako sa mga tanong ko." Nagstart na akong magrecord. "You are one of the 'hot' and 'richest' bachelor here in the country; are you fully aware of that?" Pagkatapos kong basahin tumingin ako sa kanya na kasalukuyan ding nakatitig sa akin. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi siya sumagot. "Mr. Raymundo?" "You looked young." Ano daw? "Excuse me?" "Maybe we're the same age.. 26? 25 or younger. Well, even though you are starting to have fine lines still you look... Fresh I think." Pinagsasabi niya? I'm only 26 years old, and so what? Hindi yun ang sagot sa tanong ko. And FINE LINES? NO WAY! Pano kung halata na nga? Di pwede! Tapos yung huli niyang sinabi? FRESH? Ano ako isda? gulay? karne? "Mrs. Colina?" Napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko ng makita ko na siyang kumakaway sa harapan ko. Mrs. Colina daw? Nga pala! Di ko pa nasasabi sa kanya na hindi ako si Agnes. "Ohh.. I'm sorry. Hindi nga pala ako si Colina. I'm Demi Magsaysay. Proxy lang ako ni Mrs. Colina. May hindi inaasahang pangyayari kaya wala siya dito." Napa-'O' shape yung bibig nya at sumandal na sa couch pero yung kamay niya nasa baba niya pa rin at hinihimas himas ito. "So.. Wala ka pang-asawa?" "Hah?" Teka, distorted ba yung utak niya? Bakit ang layo ng mga sinasabi niya sa mga tinatanong ko? "I mean. All this time I'm thinking about you as a woman named Mrs. Colina. Misis.. Means, you are married, probably have one or two child." He shrugged. "Kaya pala mukhang matandang dalaga ang nasaharap ko hindi may asawa. HAHAHAHA! Ha.. Uhmm.. I'm sorry I know it's kinda offending." Anong 'kinda'? Sobra kaya! Ako matandang dalaga?! "Mr. Raymundo..." "Rafael. Just Rafael." "Okay Rafael." Pinigilan kong wag umirap sa harapan nya. "26 years old pa lang ako. Can you call that as 'Matandang Dalaga'?" Act as if you are not offended Demi! "Ohh.. But you look old." That's it.. Patay ka sa akin-- "Excuse me, coffee." Pumasok yung secretary at nilapag ang kape sa center table na pumapagitna sa amin nitong Mayabang na Raymundo na 'to. At wala man lang bang nagtanong sa akin kung gusto ko ng kape? Ayoko ng kape! "Anything you need?" Tanong uli ng secretary. "Wa--" "Tina." Bago ko pa masabing 'tubig', inunahan na akong magsalita ni Rafael. "Sasuaunod gusto kong 'yang palda mo hindi tataas ng dalawang pulgada. Mukha kang bastusin sa suot mo." Wala akong masabi. She giggled. "Opo. Bukas na bukas din papalitan ko na." "Hindi. Gusto ko ngayon na." "Okay." At saka umalis. Mas lalong wala akong masabi. Those words.. Kung ako na offend na ako pero yung secretary natawa lang. At yung tubig ko! "Back to business. Ano na nga pinag-uusapan natin? Ahh. 'yung tungkol nga pala sayo. I'm sorry huh? Hindi ko lang talaga mapigilang wag mapuna." Sabi niya sa akin. Sige lang Demi.. Kaya mo 'yan. "Sorry?" Oh! Wait. Relax. Wag ka magagalit. Ngiti lang. He frowned. Ano na naman bang panlalait sasabihin nito? "You better not smile like that. It's scary." 100% "WHAT'S WRONG WITH YOU? This is supposed to be your interview not mine. And, what is it to you if I looked like a OLD GRUMPY WOMAN WITH A SCARY SMILE? Are you against it? Can you change it? I'm sorry Mr. Rafael Raymundo, I guess this intervi--" "Wait. You're Mrs. Colina's proxy right?" Kitams? May sinasabi ako pero sasagot siya ng hindi kontektado sa sinasabi ko. "Yes and Why?" "Assistant?" Assistant? No. "No. Actually I'm the chief-Editor of GLAM Magazine." I said proudly. Siya naman? Ayun nganga. Buti nga. "Ohh.. A young but old looking chief-editor." 200% Galit na talaga ako! "Kaya pala." Umirap na ako sabay tayo sa upuan. "Kaya pala hanggang ngayon BACHELOR pa rin ang isang tulad mo. You talked like you are the center of all! Wala kang pakialam kahit nakakasakit ka na ng ibang tao." "Same as you Ms. Demi Magsaysay. You're always serious and doesn't know how to ride on a joke." "Pero below the belt na ang sinasabi mo, Mister. Sa tingin ko dapat na ipag patuloy na lang itong interview sa susunod na araw. 'Yung hindi na ako ang kaharap mo." Kinuha ko lahat ng dala ko at umalis na sa office niya. Walang lingon-lingon, walang tigil-tigil. Galit ako at mabilis ako magalit kaya wag niya akong susubukan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD