DRAFT 2

1805 Words
Humihikab pa ako habang papasok sa opisina. Nakasabay ko pa sa pag-lo-log sa may guard sina Joy at April. "Oh good morning Liezel," magkasabay na pagbati nila sa akin. "Hi. Good morning rin sa inyo," pabalik na pagbati ko habang nag-bio-biometrics as my time in saka lumapit sa isang logbook para pumirma roon. Biglang inakbayan ako ni Joy at halata sa mukha niya na may ichi-chismis siya sa akin na kaaga-aga. Napangiti na lamang ako sa kung anuman ang ikwekwento niya. "Inaantok ka pa yata," pagpuna naman sa akin ni April habang papasok kami sa loob ng kompanya, "Huwag mong sabihin nagpuyat ka na naman kakasulat ng mga draft ng iyong istorya." Napangiwi ako dahil nasapul niya ang dahilan kaya napuyat ako. "Parang ganun na nga," pag-amin ko, "Kagabi kasi bigla na lang may bigla ako naisip na good plot para sa isang magandang istorya. Sayang naman kung hindi ko ito maisusulat kaya pinagpuyatan ko talaga na tapusin," pag-kwe-kwento ko. Nagkatinginan ang dalawa at napangisi. "Interesting," komento ni Joy, "Pwede ba namin na mabasa? Kahit kaming dalawa lang ni April ang maging reader mo." Napangiti naman ako. Ang dalawa kasi ay nagtra-trabaho proofreader ng kompanya kaya madalas na magbasa sila ng mga bagong gawang istorya ng mga writer rito. Madalas nga nilang reklamo sa lunch break na paulit ulit lang raw ang mga istorya na pinapasa ngayon sa kanula at umay na umay na umay na raw sila sa mga istoryang tungkol sa mga kabit, inalila, s*x slave, poor-rich love story at kung anu-ano pa. Sa tingin nila binabago lang ang mga character at settings ng mga writer. Wala na raw silang makitang originality ang mga writer. Basta kung anong usong plot ay iyon lang rin ang ginagawa. Napahagikgik naman ako nang maalala ang mga reaksyon nila tuwing lunch break. "Sure ako na maganda ito. Confident kaya ako sa bagong ginawa kong istorya," buong pagmamalaki ko sa dalawa. "Woah! What is this overflowing confidence?!" hindi makapaniwalang sambit ni Joy, "Ito ang unang beses na makita ko na ganito ka, Liezel!" "Lalo tuloy ako naintriga sa istorya mo," umaasa naman na sambit ni April, "Hindi na ako makapaghintay na mabasa iyon." Ngumiti naman ako at kinuha sa aking bag ang tinatago at pinag-iingatan na personal flash drive. "Here," pag-abot ko sa kanila, "Laman niyan ang bago kong gawang istorya." Napa-'yes' naman ang mga dalawang kaibigan ko at nag-unahan pa sa pagkuha ng aking flash drive. "Since babasahin na rin namin ay i-proofread na rin namin ito," nakangising mungkahi pa ni Joy. "Oh! That would be a big help," masayang pagtanggap ko sa inaalok nilang tulong. Kumaway na ang dalawa patungo sa direksyon ng kanilang opisina habang nagtungo naman ako sa kabilang direksyon. Pagbukas ko pa lang ng opisina ay nagtaka ako na makita na tila abala ang lahat ng mga writer. "Anong meron? Bakit parang may silent war?" pabulong na tanong ko kay Aryan na isa sa katulad kong assistant rito. Tumingin muna siya sa paligid at bahagyang inilapit ang bibig sa aking tenga. "May announcement kasi kagabi si boss. May gaganapi na isang writing contest sa lahat mg writer kompanya. Malaki ang cash incentive at royalty privilege na ipublish ang istorya. Kaya ayan lahat sila ay desidido na maipanalo ito," pagbibigay alam niya. Napalunok ako. Nais ko rin sana sumali sa writing contest na iyon. Baka naman biglang mapansin ang aking talento sa pagsusulat kapag nagawa ko maipanalo ito. "Can we join the contest?" umaasang tanong ko kay Aryan. Lumungkot naman ito at napailing ng ulo. "Say to say no," dismayadong sambit niya, "Tanging mga writer lang ang maaaring sumali sa contest." Nanghihinayang naman ako napasandal. Akala ko tinapay na naging bato pa. Talaga hinaharang yata ng tadhana na maging isa akong writer. Baka ito na rin ang pahiwatig na hindi ako nararapat sa propesyon na ito. "Ganoon ba..." sambit ko at pilit na lang na ngumiti. Pilit naman na ngumiti si Aryan at ipinakita ang bagong timplang kape na ginawa niya para sa pinagsisilbihang writer. Mukhang kailangan na niya iyon ihatid bago pa mapagalitan. "Sige salamat," paalam ko na lang saka nagpatuloy sa pagtungo sa aking table. Ngunit napataas ako ng kilay na makita ang ginagawa ni Ma'am Vanessa sa harapan ng kanyang computer. Hindi ito nagsusulat ng kanyang istorya at sa halip ay abala na nagpipinta ng kanyang mga kuko. Napailing na lang ako ng aking ulo at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. Dahil kung iisipin ay malaking himala na lang na siya ang manalo sa writing contest kung magpapasa man siya ng manuscript. Lumipas ang mga araw at ganoon naging kaabala ang lahat. Samantala abala naman sa pagha-half day sa kanyang trabaho si Ma'am Vanessa at pagpapasa ng kanyang mga trabaho sa akin. Minsan na rin na dumating si boss na hinahanap siya sa kanyang table. Subalit binilinan ako ni Ma'am Vanessa sa oras na dumating si boss at hinanap siya ay idahilan ko na lumabas siya para magresearch sa ginagawa niyang istorya. "Nasa labas po para magresearch sa ginagawa niya pong istorya," napipilitang pagsisinungaling ko sa harapan ng aming boss. Hindi naman umimik si boss at nagpatuloy na lang sa pagpasok sa kanyang opisina. Napabuga naman ako ng malalim na hininga. Sawang sawa na talaga ako maging sunud-sunuran sa ipag-uutos ni Ma'am Vanessa. Kaya habang nakaupo sa harapan ng aking computer ay siya naman pagsusulat ko roon ng aking resignation letter. Ipri-print ko na lang ito kapag nakaalis na ang lahat. *** Pagdating ng lunch break ay dali-dali muli ako nagtungo sa aking inuupuan at nagtungo sa pantry. Nakita ko naman roon ang aking mga kaibigan pero may kakaiba sa asta ngayon nina Joy at April. Tinitignan nila ako na tila may malaking kasalanan silang nagawa. "What's up?" taas kilay na pagtatanong ko sa kanila at tinignan si Joana para alamin kung alam niya ang pinoproblema ng dalawa ito. Alanganin naman ngumiti sa akin si Joana. "Kumain ka muna, Liezel," payo niya, "Mas mabuti iyon bago mo alamin ang naging kasalanan ng dalawang ito sa iyo." Naguguluhan man ay sinunod ko ang payo ni Joana. Kumpara sa madalas na aming sabay sabay na pagkain ay naging tahimik ang aming buong lunch break. Nawala ang pagiging kalog at pagkakulit ng dalawa Halatang halata rin ang pagka-guilty ng dalawang kaibigan namin sa hindi ko malaman na dahilan. Nang matapos kaming lahat sa pagkain at tahimik na umupo kami roon. Nag-iintay kami sa bawat isa kung paano nila sisimulan ang sasabihin ang kanilang naging kasalanan. Ngunit nagulat ako ng biglang lumuhod ang dalawa sa aking harapan. "Joy! April!" gulat kong sambit sa kanilang ginagawa. "Ano ba iyang ginagawa niyo? Pinagtitinginan tuloy tayo ng lahat!" pagpigil ko sa ginagawa nila. "L-L-Liezel..." mangiyak ngiyak na pagtawag ni Joy sa aking pangalan, "Waaah! Patawarin mo kami!" Lalo ako nalilito kung ano ba ang inihingi nila ng tawad sa akin. "Ano ba kasi ang problema?" pagtatanong ko sa kanila, "Kinakabahan ako sa inyo eh!" Nagkatinginan ang dalawa bago ako mahigpit na niyakap. Pakiramdam ko ay palagay nila na dito nakasalalay ngayon ang aming friendship. "Liezel, please huwag ka magagalit sa amin ni Joy," pagsusumamo pa ni April. "Ano nga kasi iyon?" naiinip kong tanong sa kanilang dalawa. "Naiwala namin ang flash drive mo," magkasabay na pag-amin nila. Nanlaki ang mga mata ko sa kanilang masamang ibinalita. "F-F-Flash drive ko? A-Ang personal flash drive ko na naglalaman ng lahat ng ginawa kong istorya?!" hindi ko makapaniwalang sambit. Tuluyang napaiyak ang dalawa sa kanilang nagawang kasalanan. "Oo iyon nga!" ngawa nila, "Sorry talaga Liezel!" Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. Naiwala lahat ang aking mga obrang istorya. Maswerte na lang ako kung magagawa namin mahanap iyon. "Saan niyo ba naiwala?" seryoso kong tanong. Tila natakot ang dalawa. "Hindi namin alam kung saan eksakto," nag-aalala pag-amin ni April, "Pero naglagay na kami ng notice sa buong building kung sakali na may makakita ay ibalik sa amin ni Joy." Ano pa ba ang magagawa ko? Kasalanan ko rin naman dahil ako mismo ang nagpahiram sa kanila 'nun. "Fine, basta tulungan niyo niyo na mahanap iyon anuman ang mangyari," pagsuko ko. Agarang tumango ang dalawa. "Oo dapat mahanap natin agad iyon. Sayang ang istorya mo! Iyon ang pinakamagandang nabasa ko sa tanang pagtratrabaho ko rito," pagpuri ni Joy sa aking mga gawa. "N-Natapos na rin namin i-proofread iyon ni Joy at papayuhan ka sana namin na ipasa sa ibang publishing company para gawing libro," patuloy na pag-ngawa ni April. Mukhang talagang kinokontra ako ng tadhana. Kahit ang mga isinulat kong istorya ay nawala pa sa akin. Why? Bakit kailangan mangyari sa akin ito?! "L-L-Liezel..." ramdam ko na pagkapit ng dalawa sa aking kamay nang maramdaman ang tuluyang pagkawala ng aking kompiyansa sa sarili. "Maybe hindi talaga ako suited maging writer," sambit ko at pilit na ngumiti, "Mismong tadhana na ang humaharang sa akin." "Liezel..." napaiyak na ring sambit ni Joana, "Please huwag ka muna sumuko. Baka mahanap pa naman natin iyon." *** Lumipas ang isang linggo at hindi na talaga namin nahanap ang aking flash drive. Kaya tila nasira nito ang pagkakaibigan na mayroon kami nina Joy. Alam ko na guilty sila habang ako naman ay hindi ko alam kung paano pa sila pakikisamahan. Kahapon rin ay nakapagpasa na ako ng aking resignation letter. Hindi na nagulat si Miss Valdez sa desisyon kong iyon. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na tatagal ako ng limang taon sa kompanya. Nang bumalik ako sa table ko pagkatapos kausapin ng mga HR ay nagtaka ako kung bakit nagtitipon tipon ang mga writer sa harapan ni Ma'am Vanessa. Lahat sila ay pinupuri siya na hindi madalas mangyari. Nagtataka na tinignan ko naman si Aryan na natulala yata sa kawalan. "Anong nangyari habang wala ako rito?" pagtatanong ko sa kanya. Bumalik naman sa realidad ang isipan ni Aryan at hindi makapaniwalang lumingon sa kanya. "Habang wala ka kanina ay inanunsyo ni boss ang nanalo sa writing contest," panimula niya, "At ang nanalo ay walang iba kundi si Ma'am Vanessa." Napakunot ako ng noo. "Sigurado ka ba na si Ma'am Vanessa ang nanalo?" gulat kong sambit, "Nakita mo naman na hindi siya nagsusulat di ba?" "Iyon nga eh!" nagtataka ring sambit ni Aryan, "Mukhang lihim siya nagsusulat na isusumite sa contest." Mula sa limang taon na pagiging assistant ko ni Ma'am Vanessa ay siya ang tipo na magtatago para lang makapagsulat. Pakiramdam ko may mali sa sitwasyong ito. Kung ano iyon ay hindi ito maganda. "May copy ka ba ng manuscript na ipinasa niya?" pagtatanong ko kay Aryan. Umiling siya. "Wala eh," pagtanggi niya, "Pero ipa-publish naman iyon ng kompanya kaya mababasa natin. Kung nandito ka lang kanina, grabe ang natanggap na puri niya kay boss." Mukhang wala ako magagawa kundi hintayin na maipublish ang ginawa ni Ma'am Vanessa. Sa ngayon ay dapat ayusin ko ang aking mga gamit para sa unti-unti pag-alis ko na sa kompanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD