DRAFT 19

2153 Words

Nagising ako nang makarinig ng ilang katok sa pintuan. "Ada? Gising ka na ba?" Inaantok ko pa na kinusot ang aking mga mata at inisip kung sino ang tumatawag na iyon. Nang makita mo na nasa hindi ako pamilyar na kwarto ay napapitlag ako mula sa pagkakahiga. Doon ko naalala na nasa loob ako ng mansyon ng Elrod at hindi na sa mansyon ng mga Payden. "Ada?" rinig kong muling pagtawag sa akin. Agaran ko na kinuha ang salamin ko sa glid ng higaan saka nagmamadaling binuksan ang pinto. Bumungad naman sa akin si Vina na may hawak na ilang nakatiklop na damit. "Ah mukhang nagising kita," natatawang sambit ni Vina at napangiwi ako nang maalala ang aking madalas na itsura tuwing bagong gising. Dali-dali ko na sinubukan na suklayin ng aking kamay ang aking magulong buhok. Ngunit mas makunat pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD