DRAFT 21

2149 Words

Humahangos ako na lumabas sa kwarto ni Duke Cailen habang dala-dala ang aking medyas at sapatos. Ramdam ko pa sa aking talampakan ang malamig na sahig. Ngunit kasalungat nito ang panginginit ng buong mukha ko dahil sa ginawa ni Duke Cailen. Alam ko kaya ako tinawag ni Duke Cailen ay para lagyan ng gamot ang aking sugat na siyang mismo ang may gawa. Aaminin ko na nagulat ako na malaman na may ganitong personalidad siya para sa kanyang mga tauhan. Pero isa lang akong ordinaryong dalaga kaya malaking bagay sa akin ang ganitong bagay. Ang mahawakan ng katulad niyang gwapong binata. Nang makasiguro ko na malayo na ako mula sa kwarto ng duke ay tumigil na ako sa pagtakbo saka binitawan ang aking dala. Mabilis ko na pinaypay pa sa aking mukha ang aking kamay para maibsan nito ang panginginit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD