Malakas na napabuga ng malalim na hininga si Annie habang kinukuha ang hindi nagalaw na pagkain ng kanilang duke. Simula kasi na umalis si Ada ay sobrang sinubsob ni Duke Cailen ang kanyang sarili sa trabaho kaya hindi man lang niya magawang kumain. Hindi niya nga alam kung dapat matuwa sila dahil hindi ito nagmumukmok katulad ng inaasahan nila na mangyari. Dahil sa halip ay walang pahinga kasi ito sa pagtra-trabaho at hindi man lang maisipan na kumain o uminom. Hindi na siguro sila magugulat kung bigla na lang tumumba ang kanilang duke dahil sa magkasamang pagod at gutom. "Kailangan ko baguhin ang imahe ko..." rinig pa niyang sambit ng duke, "Kailangan ko patunayan kay Ada na kaya kong magbago... Para balikan niya ako... At kapag nangyari iyon ay matatanggap ako ng pamilya niya..." Nak

