DRAFT 40

2590 Words

Napakagat ako ng kuko sa aking hintuturo habang nag-iisip ng paraan para lumayo rito. Anuman ang mangyari ay hindi pwede na magkaharap sina Prinsipe Beau at Duke Cailen. Kundi ay magkakaroon ng malaking kaguluhan dito sa kapistahan. Dahil sa oras sa masaktan ang prinsipe ng duke o mapikon si Duke Cailen ng prinsipe ay maaaring maging sanhi ito ng panibagong digmaan sa loob ng kaharian. Napahilot ako ng aking noo sa kinakaharap na sitwasyon. Noon pa lang ay hindi na talaga maganda ang imahe ni Duke Cailen sa mata ng mga tao ng palasyo. Nagsimula ito nang patayin niya ang kanyang buong pamilya para agawin ang posisyon na duke. Pero para hindi maging isang kaaway ang binatang duke ay napilitan ang hari na ipasa sa kanya ang inaasam niyang posisyon. Sa ibang salita ay tinuturing siyang isan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD