DRAFT 42

2673 Words

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay naging abala ang mga kasama naming mga royal knight para mag-ayos ng kanilang mga gamit na daldalhin. Dahil ngayong gabi na kasi ang kanilang plano na magsimula na maglakbay pabalik ng palasyo. Nakaupo lang ako sa isang putol na troso at pinapanuod ang lahat sa kanilang ginagawa. Hanggang sa biglang na lang ako nagpakawala ng isang malalim na hininga saka malungkot na tiningala ang kalangitan. Tamang tama na nasa kabilugan ngayon ng buwan kaya napakaliwanag ng gabi at makakatulong ito sa aming paglalakbay. Ngunit habang tinitignan ko ang buwan ay bumalik sa aking alaala ang mga araw ko sa loob ng mansyon ng Elrod. Dahil sa ganitong mga oras ng gabi madalas na nagpapaluto sa akin ng makakain ang duke. Kahit maraming reklamo at angal ay masagana naman niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD