PROLOGUE

248 Words
Hindi ko mapigilan ang sariling maluha. Ang hirap ng sitwasyon ko. Pano, minahal ko kasi ang bestfriend ko. Ayokong malaman niya ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya. Itatago ko na lang ang pagtingin ko para sa kaniya. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng kung anong meron kami ng dahil lang feelings ko. Ang hirap pigilin ang nararamdaman pero pilit kong kinakaya. Para sa katahimikan ng lahat. Ayokong makasira ng relasyon ng dahil lang sa lintik na pagmamahal ko para sa kaniya. Minsan hiniling ko na sana ako na lang yung babaeng minahal niya. Wala naman akong magawa para maging akin siya. Bestfriend lang naman niya ako. Yung laging nand'yan para sa kaniya. Yung hindi siya iiwan at handang makinig sa lahat ng problema at sayang nangyayari sa buhay niya. Minsan nga bigla na lang sumagi sa isip ko na sabihin na sa kaniya ang lahat at eto nga handa na ako eh. Napigilan lang ako dahil yung bestfriend ko nagpropose na sa babaeng mahal niya. Ang sakit no? Ako sana 'yun kung hindi ako naging duwag. Ako sana 'yung babaeng kasama niya at higit sa lahat ang handa siyang makasama hanggang sa kamatayan. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari ito. Pano ko kakaharapin mag-isa ang lahat ng ito. Gayung ang lalaking mahal ko ay malapit ng ikasal sa totoong mahal niya. Makakaya ko kaya.. Sana, Sana kayanin ko. I'm Helen known as my real name as Sofia Vergara. Crazy in love with my bestfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD