CHAPTER 1

1200 Words
JASMINE LOPEZ Nahuli ko ang boyfriend ko na may ibang babae at sa gabing iyon, hindi ko alam kung alin ang mas gusto kong gawin: umiyak, magwala… o gumanti. Wasak na wasak ako dahil sa panlolokong ginawa sa akin ni Marco. Gustong-gusto ko siyang sugurin at saktan pero hindi ko magawa dahil ayaw kong masampal ng katotohanan na pinaglaruan at ginamit niya lang ako. Kasalanan ko rin naman ito, dahil pumayag ako na gawin niya akong parang sugar mommy niya. Ang tanga ko... ang tanga... tanga ko! Hindi ko akalaing darating ang araw na mararanasan ko ito. Dalawang taon. Dalawang taon kong minahal si Marco. Dalawang taon akong naniwala na siya na ang lalaking makakasama ko habang buhay. Kaya nang makita ko ang kotse niya sa harap ng isang maliit na hotel sa Makati, hindi ako agad nag-isip ng masama. Baka may meeting. Baka may kaibigan siyang kausap. Baka kung ano lang. Pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko habang nakatingin ako sa kotse niya mula sa loob ng sasakyan ko. Kilala ko ang kotse na iyon. Ako pa nga ang tumulong sa kanya sa down payment para makabili siya noon. Bumaba ako ng kotse ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro gusto ko lang makasigurado, siguro umaasa ako na mali ang iniisip ko. Pero nang makita ko sila sa loob ng kotse— Parang may bumagsak na mabigat sa dibdib ko. Nag hahalikan sila ng babae. Hindi iyon simpleng halik, yung halik na parang matagal na nilang ginagawa. Yung halik na alam mong hindi iyon ang unang beses. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo doon. Hindi ako lumapit, hindi ako nag-eskandalo. Hindi ko rin siya tinawagan, tahimik lang akong bumalik sa kotse ko at umalis. Doon ko lang napansin na nanginginig na pala ang mga kamay ko. Mahigpit kong hinawakan ang manibela habang nagmamaneho ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko may sumabog sa loob ng dibdib ko. Parang hindi ko matanggap na iyon ang nakita ko. “Two years…” bulong ko sa sarili ko. Dalawang taon. Dalawang taon kong minahal ang lalaking iyon. At ganoon lang pala kadali para sa kanya na lokohin ako. Hindi ko namalayan na huminto na pala ako sa harap ng isang bar. Hindi ako mahilig sa ganitong lugar. Pero ngayong gabi, parang wala na akong pakialam. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok. Agad akong sinalubong ng malakas na tugtog at maingay na usapan ng mga tao sa loob. May mga taong sumasayaw. May mga taong nagtatawanan. May mga taong naglalasing para makalimot. At ngayon… isa na ako sa kanila. Lumapit ako sa bar counter. “Miss, what can I get you?” tanong ng bartender. “Something strong,” sagot ko. Hindi na siya nagtanong pa. Ilang segundo lang ay inilapag niya ang isang baso ng tequila sa harap ko. Matagal ko iyong tinitiga, hindi ako sanay uminom. Pero ngayong gabi parang gusto kong kalimutan ang lahat. Kinuha ko ang baso at agad iyong ininom. Napapikit ako habang dumadaan ang init ng alak sa lalamunan ko. Masakit. Pero hindi kasing sakit ng nararamdaman ko. “Another one,” sabi ko. Lumipas ang ilang minuto. Isa pa. Tapos isa pa. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan na iyon. Unti-unting umiinit ang katawan ko. Unti-unti ring umiikot ang paningin ko. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksenang nakita ko. Ang paraan ng paghawak ni Marco sa babaeng iyon. Ang paraan ng paghalik niya, pakiramdam ko nasusuka ako. Kinuha ko ang phone ko. Binuksan ko ang chat namin. May bagong message siya. Baby, overtime ako tonight. Napatawa ako... Isang mapait na tawa. “Sinungaling,” bulong ko. Napailing ako habang tinititigan ang screen. Dalawang taon akong naniwala sa bawat salita niya. Sa bawat dahilan niya. Sa bawat pangako niya. Ang tanga ko. “Another drink,” sabi ko sa bartender. Tinaasan niya ako ng kilay. “Miss, I think you've had enough.” “I'm paying,” sagot ko. Napabuntong-hininga siya pero naglagay pa rin ng isa pang baso sa harap ko. Ininom ko iyon nang dire-diretso. Pagkatapos ay tumayo ako. Biglang umiikot ang buong paligid. Napahawak ako sa counter para hindi matumba. “Miss, are you okay?” tanong ng bartender. Tumango ako kahit halatang hindi. Nagbayad ako at naglakad palabas ng bar. Paglabas ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Tahimik ang kalye, tanging mangilan-ngilang sasakyan ang maririnig na nagdaraan. Napahawak ako sa poste ng streetlight habang sinusubukang mag-balance. “Okay… okay…” bulong ko. Pero hindi pa rin nawawala ang sakit. Parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib ko. “Ang tanga mo, Jasmine,” sabi ko sa sarili ko. “Two years… two damn years.” Napailing ako habang naglalakad sa sidewalk. Hanggang sa may makasalubong akong lalaki. Matangkad siya. Malapad ang balikat at bahagyang magulo ang buhok. May hawak siyang bote ng alak at mukhang kakalabas lang din ng bar. Sandali kaming nagkatinginan. Napansin niya siguro na nahihirapan akong tumayo. Lumapit siya. “Are you alright?” tanong niya. Malalim ang boses niya. Napatawa ako nang mahina. “Do I look alright?” Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya lang ako. “Where are you going?” tanong niya. Napailing ako. “I don't know.” At iyon ang totoo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko pang umuwi. Ayoko ring bumalik kay Marco. Bigla akong napahawak sa ulo ko. Mas umiikot na ang paningin ko. “Hey—” Hindi ko na siya narinig. Biglang nanghina ang tuhod ko. Ang huling naramdaman ko ay ang paghawak niya sa akin bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. --- “Hey.” Mahina pero malinaw na boses ang unang narinig ko. Dahan-dahan akong dumilat. Malabo ang paningin ko pero unti-unti kong nakita ang mukha ng lalaking nasa harap ko. “Drink this,” sabi niya habang inaabot ang baso ng tubig. “Where… am I?” mahina kong tanong. “My condo,” sagot niya. “You passed out outside the bar.” Unti-unting bumalik sa isip ko ang nangyari. Ang bar. Ang alak. Si Marco. At ang babaeng kahalikan niya. Parang biglang kumirot ulit ang dibdib ko. Napatawa ako. Isang mahinang tawa na halos may kasamang luha. "Broken hearted? Seryoso niyang sabi sa akin. Tumingin lang ako sa kanya, tinitigan ko siya at dahil sa kalasingan ko gusto kong makaganti sa hayop na Marco na yun. Kung kaya ning magloko—kaya ko din. Walang sabi-sabi, agad kong hinila ang necktie ng lalaking nasa harapan ko at agad siyang hinalikan. Dahil sa pareho kaming lasing ay mas naging agresibo kaming dalawa. Agad siyang gumanti ng halik at isa-isa niyang hinubad agad ang aking saplot hanggang sa wala ng natira. Hindi na ako nakapag isip ng tama, dahil sa sugatang puso ko mas nangibabaw sa akin na makaganti. Hindi ko na inisip na sa gagawin ko ay talo pa rin ako dahil ako ang babae. Agad na nagsalpukan ang aming hubad na katawan, at sa isang iglap—ibinigay ko ang sarili ko sa isang estranghero na hindi ko man lang kilala ang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD