Emerald
Akalain nyu yun kahit sobrang sungit nito cold magsalita. Andito na muli ako sa bahay nya. Tapos sa guest room nya ako kung saan katapat ng kuwarto nya. HAHAHHAA girl wag feeling.
Dahil gutom ako pumunta ako sa kusina nya oh diba kapal ng muka ko. Saan ka pa kay Emerald na. May pizza dun at may note.
"Kainin mo then uminom ka ng gamot. Nathan." Pak diba sweet HAHAHHAA...
Dahil makatakaw ako kinain ko pero syemre hangang tatlo lang kinain ko. Alam ko makapal muka ko pero hello may hiya ako. Nilibot ko ang buong bahay. Pero takte anong bahay to kuwarto lang malinis. Ang daming hugasin kahit sa sala ang dumi kahit sa cr ganun din. Anong lalaki to? Hindi ko alam pero kailagan kong mag ayus dito para bayad sa pagpapatuloy nya sa akin. Di muna ako papasok dahil masakit pa katawan ko.
Time check 3:00 na. Busog na busog ako kasi may nagpadala sya ng food at ang sabi nung driver sa akin.
"Para daw po sa babae." Sabi nito.
"Ha? Ako po?" Tanung syemre malamang baka di sa akin yan.
"Ang sabi nya po sa akin iabot ko daw po sa babae dito sa bahay nya po." Manong
"Eh baka Manong di akin yan baka sa iba." Taka ko malay mo talaga pero takte chicken yun ohhh..
"Amm kayu po ata yun Ate syaka sabi nya nakablue." Manong
"Baka nga ako.." Ngiti ko at kinuha nya.
"Inom din po kayu at pagaling daw po kayu. Sabi nya po sa akin pinapasabi po sainyu. Sa totoo lang po ang sweet ng Asawa nyu po." Manong
"Asawa?" Pinagsasabi nito?
"Nung bumibili sya ng po pagkain para sainyu halos lahat po bibilhin kasi di daw nya po alam kung ano kinakain mo po."
Ang sweet naman pala eh jusko Nathan wag pafall. Ngumiti ako sa manong bago umalis ito.
Ohh Diba kaya busog na busog ako. Sweet daw ng asawa ko. Takte bat ako kinikilig.
Pero kahit hapon na wala parin sya. Nakaupo ako sa sopa at hinintay sya umuwi. Syemre pag uusapan kung anong mangyayari sa buhay ko. Tiningnan ko phone ko dahil naalala ko.
"35 missed call Kiana 47 missed Margareth??!! Namiss nila ako? Ouch naman sweet ng beshi ko." At kahit text ang dami asan daw ako. Bat wala ako sa tinutuluyan ko. Kung buhay pa ba ako. Hayyss matawagan nga pero syemre si Kiana nakakabingi kasi si Margareth.
"Buti naman napatawag ka!" Sigaw ni Kiana. Kilan pa nakakain ng mic to ang sakit sa tenga.
"Kilan ka nakakain ng mic? O nahawa na ikaw kay Margareth?"
"GaGa umayus ka asan ka?" Nagala-ala yang tanung.
"Sweet naman." Ngumiti ako.
"Alam mo Emerald mapapatay kita!!!" Sigaw ni Margareth.
"Alam ko sorry pero may nangyari kasi next time ko ekukuwento promise."
"Aalis na ako bukas." Biglang lumungkot ang toni ni Kiana.
"Kiana sure ka na?" Hindi ko alam pero pagdating sa kanila naiiyak ako. Mahal ko kaibigan ko pero pupunta kasi si Kiana sa state para dun mag aral uuwi naman din sya eh pero kilan pa matagal din yun.
"I'm sorry Beshi pero kailagan eh." Alam ko kahit sa phone palang sya kausap alam ko umiiyak na sya.
"Bukas na talaga?" Para sure ahh.
"Yap."
"Kiana... Beshi... Tandaan dito lang kami ah kung kailagan mo. Mamimiss kita sobra balik ka agad ah." Hindi ko pinahalata umiiyak na ako. Ayuko maging mahina para sa family kasi nila yun. Basta mayaman eh no...
"Kita tayu bukas aahh.. May klase na eh." At pinatay na yung call.
Sa tagal na namin magkakasama ngayun mag hihiwalay na. Kabilis ng panahon. Mga bata palang kami masaya kami pero ngayun nakakaramdam na kami ng lungkot. Dati puro laro lang iniiyakan ko tapos ngayun halos lahat na.
Gabi na pero wala parin ito. Pumasok ba sya? Mukang hindi naman ah. Pero seven na wala parin sya. Balak nya sa buhay nya?
Bumukas ng pinto at sya na nga ang lalaking kanina ko pa inaantay. Pero matutumba na sana sya kaso kaso nasalo ko sya.
"Uugghh ang baho mo." Amoy alak eh maghapon ba sya naglasing?"Ano ba problema mo? Bakit kailagan mong maglasing ng sobra?" Pero di nya ako sinagot. Dinala ko sya sa kuwarto nya. Aba malamang mabigat bigat. Hinubad ko ang damit nya para palitan. Napakaamo ng muka kapag tulog.
"Alis!!" Sigaw nya sa kawalan.
"Nananginip ka ba?" Tulog yan Emerald tanga ka talaga kahit kilan. Natapos ang ginawa ko sa kanya pero amoy alak parin sya. Naligo ba sya sa alak?
"Bakit andito ka?" Tanung nya sa akin. Kahit alam ko nakapikit sya alam ko ang sinasabihan nya. "Sinabi ko bang pumasok ka sa kuwarto ko?"
Alam ko marami syang problema pero bat ako nasasaktan sa kanya?
"Pwede kita samahan." Sabi ko dito pero hindi ako pinansin.
"Umalis ka na." Walang buhay nyang sabi.
"May problema ka ba?" Tanung ko.
"Wala kang pake! Get out!" Sigaw nito na agad ako lumabas. Grabe itong lalaki na to ah! Pasalamat sya bahay nya tom Sasakalin talaga kita. Gabi na din kailagan ko na magluto. Dahil wala naman ayang stock sa ref nya pero bakit puro alak? Alak sa umaga tanghali pati na din gabi? Grabe buti di pa sya namamatay. Dahil may dalawa naman itlog at kunting bigas yun na lang siguro bukas bibili ako pero saan ako kukuha ng pera?
Kinatok ko pintuan pero walang sumasagot. Kinatok ko ulit pero wala parin.
"Nathan?" Tawag ko dito. Pero siguro tulog na sya. Bumaba na muli ako sa kusina para kainin yung niluro pero nagtira ako ah. Bakit nga ba ako nandito? Natapos na ako kumain sya hinugasan ko na ito agad. Kunting tiis na lang makakatapos na din naman ako sa college. Pero mag aaral ulit ako nakakatawa pero Lolo Lala wait kayu babalik na din ako. Miss ko na kayo.
"Nathan?" Taka ko kasi ngayun nasa harapan ko na sya. Nasa sala nya ako nag iisip overthink pa girl.
"Be my girlfriend." Diin nyang sabi sa akin na mas nagpalaki ng mga mata.
"Ano?!" Nasigaw ako dahil sa sinabi nya. "Nakainom ka lasing ka lang Kumain ka na."At hinila ko sya sa kusina.
"I"m serious." Cold yang sabi.
"Kaya dinala mo ako dito?" Bobo ko talaga hayss...
"No, Fake girlfriend." Nathan
Ouch Pain medyu masakit ahh. Kasi alam mo yun akala ko liliigawan na ako. Hindi pala...
"No..." Sagot ko.
"Why?" Tipid yang tanung.
"Lasing ka mag pahinga ka." Nakatitig ako sa mga mata nya. Ramdam ko may pinagdadaanan sya pero wala akong karapatan magtanung.
"Wala ka nang proproblemahin pa dito ka na tumira bibigyan ng allowance mo kung kailagan mo. But act like my girlfriend sa harap ng family ko even sa babaeng nanakit sa akin." Mata sa mata yang sinabi sa akin.
Ngumiti ako sa kanya."Di ko kailagan ng pera mo." Tama yan Emerald di mo kailagan.
"Hindi lang yun ikaw mag linis ng bahay like my yaya matanda na sya ikaw papalit. May suweldo ka na.
"Ayukong gamitin mo ako. Revenge ba? Para saan pa Nathan? Masasaktan ka lang." Payo ko sa kanya.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko." Sabi nya. Alam ko wala pero bat ang sakit.
"Nathan di ki manlang alam pero parehas tayung tao. Di mo kailagan gumanti kung sinaktan ka ng jowa mo."
"Hindi mo alam kasi wala ka naman talagang alam. 6 Months na lang mamatay na ako. Paano ako magiging masaya?!"
Mamatay?
"Diyos ka ba? Bakit alam mo kilan ka mamatay?"
"Nagpapatawa ka ba?"
"Hindi ba halata?"
"Please..."
0_0
"Bakit? Bakit?"
Pero tumulo ang mga luha nito sa mismo sa harap ko.
"Nasasaktan ako. Pagod na ako. Hindi ko na alam gagawin ko tulugan mo ako." Nathan
Hindi ko alam pero bakit? Bakit ako? Sa daming daming babae na pwede mong alukin pero bakit ako?
I smile of him pero nasasaktan ako. Sa totoo lang wala pa akong nagiging jowa. Una palang sya pero bakit ang saklap ng buhay ko bakit fake.
"Nathan hindi mo naman kailagan ito eh." Pinunasan ko ang kanya luha first time kong mahawaka ang kaniyang pisnge.
"Pagod na ako eh lahat na lang nawawala pati ako mawawala na." Nathan
Ayuko magtanung kasi alam kong di nya ako sasagutin. Tumango ako sa kanya pero hindi pa ako papayag.
"Pwede ko bang pag isipan?" Tanung ko.
"Hhmm.."
"Nathan?" Tawag ko sa pangalan na ngayun kumakain na sya. Parang di lasing ah. Pero tuloy lang sya kumain at hindi ako pinansin. "Bili tayo bukas stock ng food mo." Jusko nakakahiya ang kapal ng muka ko.
Tumigin sya sa akin na naniningkit ang mga mata.
"Bumili ka." Tipid yang sagot.
Napangiwi ako kasi nahihiya ako. "Wala akong pera eh." Kapal ng muka ko mga 101% na. Muli syang sumulyap sa akin at nglabas ng wallet at binigay sa akin ang ATM card nya.
"Kumuha ka dyan ng 10k bumili ka ng gusto mo lahat. Basta yung kailagan ko." Nathan
Tumayo sya at umalis na sa harapan ko.
"146 password yan." Pahabol yang sinabi.
"I love you too." Ngiti kong sagot sa kanya.
Napaligon sya sa akin na blako ang muka.
"Pinagsasabi mo?" He asked me.
Ngumiti ako nakakaloka sa kanya."Di mo naman sa akin na Love mo pala ako." Pero imbes na halik ako natanggap ko halik ng unan. Dahik hinagis nya sa akin."Joke lang eh di naman mabiro." Nakanguso kong sambit. "Tutulog ka na?" Tanung ko muli.
"Why?" Cold
Ang cold aahh. "Kape ka kaya para yung pagiging cold mo maging hot."
"Kung wala kang matinong sasabihin matulog ka na." Sya
"Di naman mabiro nuod tayo." Aya ko ang bored kaya. "Nuod tayu ng barbie gusto mo ba?" Takte bigla ako natawa sa sinabi ko dahil nagkaruon sya bigla ng emosyun naiinis na sya.
"Ayuko."
"Di naman mabiro. Sabi ko dito. "Pero siguro hindi na ako papayag maging FAKE GIRLFRIEND noh?" At ngumisi ako ng sobrang lapad.
Lumakad sya ng papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. Dahil kelig ako pero syemre bawal ipahalata.
"Manunuod so agree ka na?" He asked me.
Lumigon ako sa kanya na nakanguso. "Hhmm? Bat kasi yun."
"So payag ka na?" Muli yang tanung.
Ngumiti ako kunti at balik sa T.V. Nanuod kami buong gabi hangang sa nakatulog na ako sa tabi nya.
Nagising ako sa sinag ng araw muli. Pero?!! Anong nangyari?
"Una nanuod kami. Nakatulog ako sa tabi nya. Tapos bat andito ako? Binuhat ba nya ako? But wait? Di ito room ko? Nathan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko sa kawalan.
"What?!" Tanung nya mula pintuan ng cr. Ano to?! Nakatowel lang sya. syaka OMG abs masarap ata yun. "Matutunaw."
Agad ako lumigon sa kabila. "A-ang a-alin? Utal kong tanung pero syemre joke lang yun. "B-bat a-andito a-ako?" Tanung ko.
"Obvious ba?"
"Sabi ko nya." Wwhhaaa nakakahiya jusko.
"Di ka aalis? Bakit may gusto ka bang makita pa Babae?"
Namula bigla muka ko. "E-Emerald n-name k-ko." Agad akong lumabas sa kuwarto nya madadapa pa sana ako. Hinawakan ko dibdib ko sa bilis ng t***k. Agang abs aahh. Bumaba na ako para mag ayus na. Absent muna ako dahil di ko alam tamad joke. Magkikita pala kami ni Kiana kahit si Margareth.
"Nathan?" Katok ko sa pintuan nya kasi di parin sya lumalabas eh trip nya?
"Nathan." Katok ko parin.
"Isa pa di talaga ako papayag!" Sigaw ko. na agad bumukas ang pinto.
"What?!" Naiirita yang tanung.
"Hatid mo ako please."
"Ayuko" at agad pinagsaraduhan ng pinto.
"E di don't." Umirap ako sa hagin. Pasalamat ka gwapo ka kung hindi. Tsk! Pasalamat ka nasa mood ako. Masyadong maganda ang umaga ko. Dahil sa pesteng abs mo wwhhaaa ano ba!
Dahil wala din naman ako gagawin dito mas mabuti pang umpisahan pumunta sa mall. Wala syang balak ihatid ako e di don't pake ko sa kanya. tsk!
_______________________________________
Thank you sa support nyu Hehehhe. Love you guys ?