Chapter 37 "You're worthless!!" sigaw niya mismo sa mukha ko. "Please, don't hurt m-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad ko nang naramdaman ang malakas na sampal niya sa mukha ko na dahilan para agad akong mapaupo sa sahig. Hinawakan ko ang pisngi ko na namamanhid sa oras na to. Nanginginig ang kamay ko nang mapansin ang dugo, dugo mula sa labi ko. Tiningnan ko siya pero wala siyang mukha. Nababalutan nang itim na anino ang mukha niya. Tiningnan ko ang paligid ko pero wala akong ibang makita kundi ang madilim na lugar at ang pwesto ko lang ang may ilaw. "You're nothing! We hate you! WE HATE YOU!!" "That's not true! YOU LOVE ME!!!" nagsimulang tumulo ang luha mula saking mga mata. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Sino ba siya? At bakit ko iniisip na mahal niya ako? Auug

