Chapter 2

1555 Words
Chapter 2 I'm happy preparing the table for us. Today is our wedding monthsarry!!!! I texted him 2 hours ago that I prepare a dinner date for us tonight. And surprisingly, he said YES! Ang saya saya ko dahil for the first time pumayag siyang sumabay sa akin kumain at di lang basta sabay, ito ang gabi naming dalawa. I can't express what I really feel tonight! This is beyond happiness. Dali-dali akong inayos ang mga kandila na nakapalibot sa table namin. May mga flowers pa. Parang ako ang lalaki sa aming dalawa. Napangiti ako, di lang lalaki ang may kakayahang gumawa ng romantic dinner date para sa babae. Sa totoo lang, ito ang gusto kung date na ihanda sa akin. Yun bang romantic na talagang wala kang masabi at magawa kundi humanga sa lugar. Napahinto ako sa pagmunimuni ng marinig ko ang busina mula dito sa garden. Dali dali akong tumakto papasok ng bahay at nang malapit na ako sa pinto ay huminto ako at inayos ang damit at buhok ko. Kailangan ko mag mukhang presentable ngayon dahil ito ang unang pagkakataon na pumayag siya sa gusto ko. This is the first time! A F*CKING FIRST TIME!!!!! Oh Jesus! Inhale Maddison. Inhale. Exhale. Hooooo! Dahan dahan akong lumabas ng pinto at nakita ko ang asawa ko na nag papark ng kotse sa garahe. His appearance made me stopped from breathing. He utterly perfect! A perfect man! A perfect husband! --- with a worthless wife. A worthless woman. Napayuko ako sa aking naisip. Arrrggg, 'Ano ka ba Maddison!? Ngayon ka pa ba aayaw na chance mo na to!  A damn chance! Napansin nya yata ako sa pinto kaya tumingin siya sa akin. Ngumiti ako pero di niya ako ginantihan ng ngiti. Seryoso parin ang mukha nito gaya ng dati. Bilang lang yata sa daliri ng isang kamay ng makita ko itong ngumiti at yun ay yung sandaling magkasama sila ni Allyson. Nagulat ako ng malapit na pala si Austin sa akin. Gad! anong gagawin ko? Babatiin ko ba siya? Sasabihan ng 'Hi honey! How's work?' Pweeee.. kung tulad lang sana kami ng ibang mag asawa malamang ginawa ko na yun pero may kung anong pumipigil sa akin na maging malandi pag anjan na siya sa harap.  Parang lumukso ang puso ko ng hinalikan niya ang noo ko at bumulong ng 'I want coffee.' Nung una nawala talaga ako sa katinuan ko. GAD! He kissed me! The man I really love kissed me! He kissed me! Pero bago ako magpa gulong gulong sa sahig at mag tatatalon sa kilig ay sumigaw na si Austin! Very sweet, right? (Insert sarcasm) Hinanda ko na ang coffee niya, sinarapan ko talaga ang timpla para di siya mainis at di masira ang mood niya. Ayaw ko namang sirain ang gabi namin nato. Napatingin ako sa orasan, 8pm na. Malamang gutom at pagod na ang asawa ko. Nyaaaa.. Asawa ko talaga.  "Ahmm.. Austin, pagod ka ba? Nagabihan ka yata? Kasi ano--" "I had a board meeting kanina so ibig sabihin pagod ako." seryosong sagot nito. "Ganun ba? Ahmm, nagugutom ka na ba? Nag handa ako ng pagkain jan.. alam mo naman diba na--" di niya ulit ako pinatapos. "Tapos na akong kumain kanina sa meeting!" sagot nito. "Pero--pero--nag handa ako ng dinner natin.. Diba sabi mo --sabi mo kanina-- sabay tayong kakain.. Dba--" halos mapaiyak na ako sa harap nya. Maayos naman yung usapan namin kanina ah, ang saya ko pa nga na pumayag siya. "Stop being childish Maddison! Kumain sila kanina sa office alangan naman tumunganga lang ako at hintayin na matapos sila?! Jesus! You're acting like a child again!" "But--" "No more buts!" pagkatapos ng sinabi niya ay iniwan niya na ako sa sofa. Nag handa ako. Pinaghanda ko sya. Nasayang lang. Umasa na naman ako. Napangiti ako. Di sya ang Austin na mahal na mahal ko kung di nya ako sasaktan tulad nito. Typical Austin Chase Ford. Malungkot ako na tinungo ang garden namin. It's a perfect night, perfect date with a perfect husband. Tumingala ako para pigilan ang mata ko na maluha. Napatingin ako sa veranda ng kwarto namin. Sana man lang sa pagkakataong to pag bigyan niya akong pakainin siya ng niloto ko. Sana kahit ngayon lang. Napayuko ako at umupo sa upuan ng table namin. Candles, rose, a perfect dinner na pinapangarap ko para sa amin ni Austin. I smiled bitterly. Inlove ka talaga Maddison! Inlove ka na sa asawa mo! Hanggang kelan ito magiging one sided love?! Nakakalungkot naman na simpleng pag kuha lang sa puso ni Austin di ko pa magawa. Naturingan pa naman akong SummaCumlaude ng University namin pero ang bobo ko pagdating sa pag ibig. Napabuntong hininga ako. Kaya ko to! Nagsisimula palang kami ni Austin! Kahit mag hintay ako ng ilang libong taon kakayanin ko. Aja! Tumayo ako at halata ang pagiging determinado ko. Makukuha ko rin ang puso mo Austin! Kaya ko to! Liligpitin ko na sana ang hinanda ko sa lamesa para sa loob nalang kumain ng nakita ko si Austin na lumabas ng bahay papunta dito sa garden at lumapit sa akin. Natulala ako sa kanya. Di nya ugaling lumabas ng bahay lalo na dito sa garden kasi teritoryo ko to. Ayaw niyang makita ang garden dahil ako ang nag alaga at nagpaganda nito. Kung maaari ay di sya umapak sa lupa nato pero ngayon. Nasa harap ko siya. Nakatingin sa akin. Gumuhit sa aking mga labi ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan. "Let's eat!"yun lang ang sinabi niya pero sobrang saya ko na halos mapatalon ako sa sobrang saya. Akala ko di na sya lalabas. Akala ko di niya ako pag bibigyan. Akala ko wala ng pagkakataon pa na makasama ko siya sa pag kain. Tumango ako hinanda ko na ang pagkain. Buong oras akong salita ng salita habang kumakain kami. Sinusulit ko to dahil ngayon lang siya di nagalit na nagsasalita ako. Sa twing magkasama kami wala akong ibang kinakausap kundi ang sarili ko dahil ayaw niya ng maingay. Kabaliktaran kasi kaming dalawa. Napakaseryoso niyang tao, kaya siguro naninibago ako ngayon sa kanya. Sa mga pinapakita niya parang iba. Sana di na to matapos pa. Tapos na akong kumain at ganun din siya pero di parin ako tapos kakadaldal at masaya ako at nakikinig sa kahit na halatang pagod na pagod na sya at parang di sya interesado sa sinasabi ko. Sa totoo lang, wala naman talagang kwenta yung mga kwento ko tulad ng mga palabas sa t.v na spongebob, johny bravo, Dumo at iba pang mga palabas ng lage kung pinapanuod pag ako lang mag isa. Kinukwento ko sa kanya at feeling ko naaalibadbaran siya. Gusto ko lang naman mag salita para di siya mabored pag kasama niya ako. Natigil ang pagsasalita ko ng tumunog ang cellphone niya. Sinagot nya ito at lumayo sa akin. Pagkatapos nilang mag usap ay lumapit sya sa akin. "I need to sleep Maddy. My secretary told me that I have a meeting at exactly 7am." inaantok na sabi niya sa akin. Gad! Gusto kung magsisisgaw dahil naputol ang pag uusap namin pero napangiti ako dahil sa unang pagkakataon ay nagpaalam sya sa akin bago matulog. Ito ang unang pagkakataon. Di ko siya maintindihan pero masaya ako sa pagbabago niya. Masayang masaya ako na parang kaya kung kalimutan ang pag iinsulto nya sa akin, ang pananakit at pati narin ang pambabae nya sa loob ng bahay namin. "Ganun ba? Okay. Liligpitin ko nalang to at susunod na ako." sagot ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ulit ako sa noo. Ito ang pangalawang beses na humalik sya sa noo ko. Di ko malamang dahilan ay napangiti ako at para bang may kung ano sa mata ko na kumikislap kislap. Siguro napansin niya na ang pag hihirap ko, siguro napansin niya na kung gano ko sya kamahal at kung ano ang kaya kung harapin makasama lang sya. "Okay. Wag kang mag puyat. Sumunod ka kaagad sa akin sa taas." malambing na sabi nya. Lumukso lukso ang puso ko sa narinig ko. Maraming pagbabago sa kanya. Parang di sya ang Austin na lage akong sinasaktan, sinisigawan at ang Austin na walang puso. ang Austin na pinakasalan ko. Di matanggal ang ngiti ko sa labi. Nakita ko nalang ang sarili ko na mag isa sa garden na abot tenga ang ngiti. Mahal na mahal talaga kita Austin. Sobra! Dali-dali akong nagligpit ng pinagkainan namin at nag hugas ko ng plato. Pumasok ako sa kwarto namin mag asawa at nakita kung mahimbing na natutulog ang asawa ko. Oh! Austin. Nag bihis ako ng pampatulog at tumabi na sa kanya. Niyakap ko sya pero tumalikod sya sa akin. Parang naalimpungahan yata siya at tinulak niya ako bahagya bago tumalikod. Nag hintay ako ng ilang sandali bago ko sinuklay ang buhok nya gamit ang aking daliri. "I love you so much Austin." bulong ko sapat na para marinig niya kung gising man siya. Sana nga gising ka Austin. Kahit pa ulit-ulit mo akong saktan basta matanggap mo lang ang pag ibig ko sayo. Yumakap ako sa kanya habang nakatalikod sya. Gumalaw siya at tumihaya. Akala ko nagising ko siya pero di pala. Nakapikit parin ang mata niya kaya dahan dahan ko siyang niyakap. Nakahiga ako sa dibdib nya. Naramdaman ko ang braso nya na yumayakap sa bewang ko. Di ko alam kung gising ba siya o hindi pero wala na akong pakialam. Yinikap ko siya at napaiyak sa dibdib niya. "Sana ako nalang Austin. Sana ako nalang mahalin mo. Kakayanin ko lahat Austin. Hihintayin kita, mahalin mo lang ako." sabi ko na may luha ang aking mga mata. Disidido na ako at handa akong masaktan ng paulit-ulit para sa kanya. Hindi ko alam kung panaginip lang ba pero parang narinig ko siyang bumulong at hinalikan ang buhok ko. "Goodnight Maddison."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD