Chapter 28 Nakaupo ako sa sofa sa harap nang DVD at flat screen na TV habang hinihintay na lumabas si Austin na Cr. Ba't ba kasi ang tagal niya, kanina pa ako nag hihintay sa kanya rito sa labas. Gustong-gusto ko na kasing panuorin tong movie na Koizora at Beautiful creatures. Habang nag lalakad kasi kami nila Roshem kanina sa mall dumaan kami sa CD house nang mall at nag hanap nang pwedeng panuorin. Eh, mas trip kong manuod nang love story kaya binili ko to. Sabi rin kasi ni Roshem maganda daw yung story nang dalawang movie na to kaya binili ko. Nag lakad ako sa may pinto nang CR at kumatok, "Kanina ka pa dyan ah? Humihinga ka pa ba?" inis na tanong ko kay Austin sa loob. Narinig ko siyang napabuntong hininga at narinig ko ang pag off nang shower sa loob, "I'm still alive, thanks." sa

