Chapter 18 Nagising ako na nasa kamay ko ang ulo ni Elvis. Nakaupo siya habang ang ulo niya ay nasa kamay ko. Tiningnan ko ang lugar kung nasaan ako kaya napabuntong hininga ako nang marealized ko kung nasaan ako. Nasa bahay ako kasama si Elvis. Hinaplos ko ang buhok niya at ngumiti habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at kinusot ang mata niya. "Good morning bar fly!" nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako. Uupo sana ako nang mahilo ako. Arrrgggg. Hangover strikes! "Dahan-dahan lang kasi." napatingin ako sa nag salita. "Cargo???" hindi makapaniwalang tanong ko saka tumingin sa katabi ni Cargo, "Roshem? Teka, Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko at umupo nang maayos habang nakahawak sa sintido ko. "Ano ka ba, syempre nag-aalala kami sayo." sabi ni Ros

