Chapter 14 "Mom?" wika ko at niyakap siya. I missed my mom, so much. Pakiramdam ko siya ang kailangan ko sa mga oras nato. Ang ina ko ang mas makakaintindi sakin. Pero paano niya nga ba ako maiintindihan kung wala naman akong sinasabi? Pumasok kami sa loob at ramdam ko ang sabik nang aking ina nang makita niya ako. Kahit ako ay masaya rin nang makita siya. Pumasok kami sa loob habang nag uusap at nagkakamustahan nang biglang lumabas rin si Ally mula sa dining area. "T-tita?" gulat niyang utal habang nakatingin samin. Biglang nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang babaeng to. "Oh, Ally? Bakit ang aga mo rito?" nagtatakang tanong ni mom. "H-ha? Ahmmm... Ahh.. Ano kasi tita,,,tama! Dito po ako natulog. Nag sleep over kasi ako rito dahil alam mo na...bonding-bonding with my bestfriend.

