Chapter 40 Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Ang kulay nang paligid ay kulay kayumanggi at puti na pinapalibutan ang buong kwarto. Tiningnan ko ang kabuohan nito bago unti-unting nag sink in sakin ang mga nangyari. Ang bata.... Si Chase... Sa Taxi.... Pero paano ako napunta sa lugar nato? Paano niya ako nahabol? Tiningnan ko ang bahagi nang veranda kung saan ako minsang tumambay at pinanuod ang kabuohan nang syudad. Hindi ako pwedeng magkamali. Nasa kwarto niya ako. Nasa kwarto ako ni Chase. Pero paano? Ang huling natatandaan ko ay nasa taxi ako...umiiyak..nasasaktan. Paano ako napadpad sa lugar nato? Muling nanumbalik sakin ang mga alaala mula nung una kong nakita si Chase sa bar. Ang mga titig niya...ang mga matatamis na salita. Akala ko ay totoo...akala ko ay walang halon

