Chapter 30 Austin POV Naalimpungatan si Austin nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya sa kama niya. Hindi niya dinilat ang mata niya ngunit base sa amoy nito ay alam niya na kung sino ito. 'Maddison.' Hindi siya gumalaw at nanatiling nakapikit habang pinapakiramdaman ang ginagawa nang asawa niya sa tabi nito. 'Was she going to kill me?' Napaisip si Austin. Malaki ang kasalanan niya kay Maddison, lagi siyang nagdadala nang babae sa bahay nila ngunit kahit isang reklamo wala siyang naririnig. Nararamdaman niya lang ang pagiging curious nito sa mga dinadala niyang babae pero ang bungangaan siya ay hindi nito ginawa. Sa dalawang taon na yun, wala siyang narinig na nag reklamo ito sa mga pinag-gagagawa niya. Siguro yun din ang naging dahilan niya para patuloy na saktan ang asawa niya.

