"Nakakabwisit na yang anak mo, babae," inis na sabi sa akin ni Mila sabay upo sa tabi ko at nakasimangot habang sinusundan ng tingin ang naglalakad na bata sa unahan namin, "Nagmana sa iyo sa kakuriputan. Lahat ng ialok ko tinatanggihan!" Napatawa naman ako at napailing, "Eh paano naman kasi kakabili mo lang sa kanya ng bagong damit last week na hindi pa nga nya naisusuot eh inaalok mo na naman ng panibago?" "Hay nako! Dapat kasi laging bago ang mga damit ng inaanak ko! Nakita mo ba yung suot ng mga classmates nya? Mga imported at laging up to date! Hindi naman ako papayag na mapagiwanan si Rycen!" sabi nito sabay higop ng Zagu chocolate shake nya. Binalik ko ang tingin sa aking anak na nagmamasid-masid ng mga nag ice skating dito sa Mall of Asia, "Ilipat na lang kaya natin sya ng schoo

