"Nay?" Napalingon ako kay Rycen habang busy ako sa paghahalungkat sa aking cabinet. Hinahanap ko ang box na pinaglagyan ko ng wedding gown ko years ago. Iyon din kasi ang napagkasunduan namin ni Cykren na isusuot ko sa kasal namin. "Bakit anak?" tanong ko sa kanya na hawak ang sample invitation. "Nay sino itong "Mika" na Maid of Honor sa kasal nyo ni tay?" curious na tanong nito sa akin na nagpatigil sa aking paghahalungkat. Napangiti naman ako sa anak ko as I reminisce the past, "Siya yung mentor friend ko at room mate nung nagtrabaho ako sa Frever. Nung ikakasal dapat kami ni Cykren sya ang Maid of Honor ko dapat. It's only natural na she will take the same place she's supposed to fill in years ago." "Paano si Ninang?" sunod na tanong ng anak ko na trait na ata magtanong ng magtanon

