Chapter 5

2191 Words
Habang tinatahi ang sugat ni Tamara ay hindi niya maiwasan na suriin ng tingin ang lalaking makulit na pumilit sa kanyang ipatahi ang sugat niya. Hindi niya akalain na makikita niya itong muli sa hindi pa inaasahang pagkakataon at hindi din niya akalain na sa oras pa na kailangang-kailangan niya ng tulong. Hindi niya maitatago na magaling itong makipaglaban kaya nagtataka siya kung anong klaseng tao ang lalaking iyon. Naging mabilis ang pag ganti ni Armando, nasisiguro niyang mga tauhan ni Armando ang lumusob sa kanila. Kaya nag-iisip na siya kung paano makakaganti sa mga ito. Mabuti na lamang at hindi gaanong malala ang tama ni Mr. Yao. Pero nag-aalala pa rin siya alam niyang ginawa niya ang lahat. Masyado lang silang naipit sa biglaang pag-atake nito. Makalipas ang isang oras sa operating room ay dinala na ito sa private room nagpadala na rin si Leandro ng karadagang magbabantay sa hospital dahil alam niyang hindi kakayanin mag-isa ni Tamara kung sakaling may sumugod ulit sa kanila. Nakayukong pinagmasdan ni Tamara si Mr. Yao habang nakahiga ito sa hospital bed at natutulog. “Leandro, aalis muna ako.” Paalam ni Tamara. Kunot noo siyang tinignan ni Leandro. “Why? Hindi ka pwedeng umalis Tamara. Hindi pa maayos ang lagay mo hindi natin alam ang takbo ng isip ni Armando maaring alam na niyang buhay pa tayo at nasisiguro kong hindi niya tayo tatantanan dahil alam na nila na tayo ang may gawa sa nangyari sa kapatid niya." Wika ni Leandro. Dismayado si Tamara dahil unang beses niyang sumablay sa inuutos sa kanya ni Mr. Yao. Napabuntong hininga siyang lumabas sa kwarto ni Mr. Yao at tinungo ang kwarto ni Mang Dindo. Kinumusta din niya ang lagay ng kanyang driver. Kahit lahat ng kilos niya ay nakaulat kay Mr. Yao. Mahalaga parin ito sa kanya. Dahil ito ang palagi niyang kasama tuwing lumalabas siya at nagtitiyagang kausapin siya. Simula nang mag-umpisa siyang pumaslang para sa pamilya Yao ay ito na rin ang driver niya at hindi lingid dito ang lahat ng ipinag-uutos sa kanya ni Mr. Yao. Tangap na rin nito na pwede itong mapahamak dahil mas kailangan ng kanyang pamilya ang malaking kinikita nito sa pagiging driver ng pamilya Yao. Paglabas niya ng kwarto ni Mang Dindo ay nakita niya ang dalawang lalaki na tumulong sa kanila. Nilapitan niya ito at inabutan ng calling card. “Call me tomorrow for the car.” Wika ni Tamara sa isang lalaki na nagligtas sa kanila. Sasagot na sana ito nang biglang lumapit si Leandro. “Tamara, pinapatawag kayo ni Dad, kasama sila.” Wika ni Leandro. Kunot noo niyang tinignan si Leandro. Dahil nagtataka siya kung bakit kailangan pati ang dalawang lalaki ay pinapatawag ni Mr. Yao. Naguguluhan na sumunod si Tamara pati na rin si Nathan at Raul. Pagbukas ng pinto ay bumugad sa kanila ang seryosong mukha ni Mr. Yao. Habang nakaupo at nakasandal sa hospital bed. Nakayukong humarap si Tamara kay Mr. Yao habang nasa likuran naman niya ang dalawa. “Patawad Mr. Yao.” Sambit ni Tamara. Inaasahan niyang magagalit ito dahil malaki ang tiwala nito sa kanya. Pero nanganib pa rin ang buhay nila. “Okay na ba yung braso mo? Sabi ni Leandro ay may tama ka din ng baril?” Tanong ni Mr. Yao. Nag-angat si Tamara ng mukha at tumingin kay Mr. Yao. Hindi niya akalain na mag-aalala din ito sa kanya kahit kasalanan niya ang lahat. Kahit matagal na siyang naninirahan sa mga ito ni minsan ay hindi niya inisip na pamilya na rin niya ang mga ito dahil nanatili ang pader na naghihiwalay sa kanila siya bilang assasin ng pamilya at si Mr. Yao na sinunod niya. “I’m okay, hayaan niyo po akong tapusin si Armando.” Seryosong wika ni Tamara. Kunot noo na tinignan siya ni Nathan mula sa likuran. Dahil alam niyang hindi pa okay ito tapos ngayon humihingi siya ng pirmiso na sumugod sa kalaban. “No, hindi na kailangan. Wala na rin kayong aabutan dahil siguradong nagtatago na yun ngayon dahil hindi niya ako napatay. Alam niyang buhay niya ang magiging kapalit sa paglaban sa akin.” Paliwanag ni Mr. Yao. Napabuntong hininga na lamang si Leandro sa sinabi ni Tamara. Dahil nasa likuran lang siya at mataman na nakikinig habang kausap sila ng kanyang Ama. “At kayo? Salamat sa tulong niyo nalaman ko kay Leandro ang ginawa niyong pagtulong sa amin kanina. Pwede bang malaman kung bakit niyo kami tinulungan?" Tanong ni Mr. Yao habang nakatingin kay Nathan at Raul. Nagkatinginan ang dalawa na waring nag-iisip kung ano ang sasabihin nila. "Naghahanap po kami ng trabaho." Mabilis na wika ni Raul. "Trabaho?" Kunot noo na tanong ni Mr. Yao. Kahit si Tamara ay napatingin sa kanila. "Anong klaseng trabaho ba ang hanap niyo? Sabi ni Leandro kayo daw ang tumulong kay Tamara para ubusin ang umambush sa amin?" "Dati po kaming myembro ng isang organization. Kaya lang ay umalis na ang boss namin at tumira na sa ibang bansa kaya naghahanap ulit kami ng tatangap sa amin. Nakita namin ang nangyari sa inyo kaya hindi na kami nag dalawang isip na tulungan kayo." Pagsisinungaling ni Raul. "Oo ganun nga," Segunda naman ni Nathan. Napag-usapan na nila ni Raul na mas maganda kung tuluyan na silang makakapasok sa loob ng mansyon nila Mr.Yao. Para magawa ang misyon nila. At upang tuklasin din ang misteryosong babae na kumukuha ngayon ng atensyon niya. "Kung ganon, pwede ba kayong magtrabaho sa akin?" Alok ni Mr.Yao. Nagkatinginan ulit si Nathan at Raul. Bago sagutin ang alok nito. "Depende Boss, kung magkano ang sahod." Nakangising wika ni Raul. Bahagya pa siyang siniko ni Nathan. Dahil hindi niya akalain na hihirit pa ito dahil wala yun sa naging pag-uusap nila. "Walang problema sa sweldo dahil maayos naming binabayaran ang lahat ng tauhan namin. Kapalit ng katapatan niyo at ang kaalaman niyo sa pakikipaglaban. At para protektahan ang aming pamilya." Saad naman ni Leandro. "Yun! Wala pong problema kahit isang batalyon pa ang kalaban kayang-kaya namin." Mayabang na wika ni Raul. Natawa naman si Mr.Yao sa sinabi nito. "Gusto ko yan. Basta totoo ang sinasabi mo." Nakangiting wika ni Mr. Yao. "Bukas ay pumunta kayo sa mansyon dala ang mahahalagang information niyo. Dahil simula bukas ay umpisa niyo na bilang mga bodyguard ng pamilya namin." Dagdag pa ni Leandro. Napangiti si Nathan at Raul dahil sa sinabi nito. Ngunit kabaliktaran ang reaction ni Tamara. Hinahagod niya ng kanyang tingin ang dalawa at ramdam niya na may kakaiba sa mga ito. Imposible din na coincidence ang lahat ng mga nangyayari sa pagitan nila. Pagkatapos silang kausapin ay lumabas na din sila sa kwarto ni Mr.Yao upang makapagpahinga ito dahil lalabas na rin ito kinabukasan. Nagsabi kasi ito na ayaw niyang magtagal sa hospital. Lalo pa’t hindi nila masisigurado ang kaligtasan nito kapag nasa labas ng mansyon. "Magkita na lamang tayo bukas." Wika ni Leandro. Palihim na sinundan ni Tamara ang dalawa palabas sa parking lot. Sasakay na sana si Nathan sa kotse nang harangin ni Tamara at isinandal sa gilid ng kotse. Nanlaki ang mata ni Nathan dahil isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nila. Naamoy na naman nito ang kakaibang pabango ni Tamara. Habang hawak ng mahigpit ang isang braso niya. "Tell me, ano ang totoong pakay mo? Bakit kayo pumasok sa pamilya Yao? Bakit mo kami niligtas? Sino ka? Hindi ako naniniwala sa mga sinabi ng kasama mo kay Mr. Yao. At kung may balak kayong masama sa pamilya nila. Ako na mismo ang tatapos sa buhay niyo." Walang emosyon na wika ni Tamara. Sumilay ang ngiti sa labi ni Nathan. "Paano kung sabihin ko sayong interesado ako sayo at gusto pa kitang makilala maniniwala ka ba?" Nakangiting wika ni Nathan. "Makilala? Huh! At bakit? Nagustuhan mo ba ang halik ko sa'yo kaya sinasabi mo yan?" "Oo." Mabilis na sagot ni Nathan. Nagulat si Tamara sa sinabi nito. Lalo na nang dumako ang mga mata ni Nathan sa kanyang labi. Inilayo niya ang sarili kay Nathan. "I'm warning you, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. At kapag napahamak si Mr.Yao at ang pamilya niya dahil sa kagagawan niyo. Magtago kana, dahil sisiguraduhin kung hindi kana makakangiti pa ng ganyan." Seryosong wika ni Tamara bago siya talikuran. Napasinghap si Nathan nang pumasok na ulit si Tamara sa loob ng hospital. Naramdaman niya ang malakas na pintig ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata kanina. Hindi niya maiwasan na tignan ang mapulang labi nito dahil hindi parin niya makalimutan ang ginawa nitong paghalik sa kanya noong araw na yun. Napapailing na tinignan siya ni Raul nang makapasok na siya sa loob ng kotse. "Kaya naman pala naisip mong pumasok bilang bodyguard ay nakahalek ka na pala sa maganda at nakaka-akit na babaeng iyon ano?" Nakangising tanong ni Raul sa kanya. "Tumigil ka diyan. Pumayag ka din naman sa idea ko kaya kailangan na nating puntahan ngayon si Mr. Mendoza upang makakuha tayo ng fake identity at information na kakailanganin natin bukas para hindi tayo paghinalaan ng kanilang pamilya." Seryosong wika ni Nathan. Naging pabor sa kanila ang nangyari kaya magkakaroon na sila ng pagkakataon na makapasok sa loob ng kanilang mansyon. Para sa kanilang misyon. Nangingiting pinaandar na ni Raul ang kotse papunta sa hide out. At tinawagan agad niya si Mr. Mendoza. Para sabihin dito ang magandang balita. "What? Malaya na kayong makakapasok sa mansyon ng mga Yao? Paano nangyari yun?" Kunot noo na tanong ni Mr. Mendoza. "Makakapasok kami bilang bodyguard sir. Hindi din namin akalain na makikita namin sila sa kalsada at nanganganib ang buhay. Hindi namin alam na si Mr. Yao ang lulan ng kotse. Kaya noong nalaman namin ay kaagad kaming nag-isip ng plano. Mas madali naming malalaman ang tinatago ng kanilang pamilya kung nasa loob kami gagalaw kaya kailangan namin ng tulong niyo." Paliwanag ni Nathan. Sandaling nag-isip si Mr. Mendoza. "Okay, no problem bukas na bukas din makukuha niyo ang hinihingi niyo information at fake identity. Bago kayo pumasok ay dumaan muna kayo dito." Wika ni Mr. Mendoza. Pagkatapos ay nagpaalam na rin sila. Alas-nuebe na ng gabi nang maghiwalay silang dalawa ni Raul. Kinukulit pa siya nito na mag-inuman ngunit tumangi siya dahil kailangan niyang ikondisyon ang katawan para bukas kaya maaga siyang nagpahinga. Kinabukasan ay halos sabay silang dumating ni Raul sa hide out. Kaagad na inabot ni Mr. Mendoza ang kakailanganin nilang papeles. Pinalitan ni Mr. Mendoza ang family name nila at pati narin ang background nila at pati ang mga pekeng I.d na kakailanganin nila kung sakaling mag-check si Leandro. "Okay, inaasahan ko na maayos niyong matatapos ang misyon at mag-iingat kayo kaunting maling galaw niyo lang sa mansyon ay siguradong malalagay sa alanganin ang buhay ninyo." Paalala ni Mr. Mendoza. "Yes Sir!" Sabay na wika ni Nathan at Raul. Makalipas ang isa at kalahating oras ay narating narin nila ang mansyon ng Yao Family. Napanganga si Raul dahil sa lawak at laki ng mansyon. Inaasahan din ang pagdating nila dahil may nag-aabang na sa kanila sa labas. Itinuro sa kanila kung saan nila ipaparada ang kanilang kotse. Tinunton nila ang mahabang daan papasok. Bago nila makita ang malawak na parking lot. "Ilang sasakyan kaya ang pag-aari nila? Grabe, milyones ang halaga ng mga yan!" Namamangha na wika ni Raul habang nakatingin sa mamahaling sports car sa parking lot. Hindi lang siya pinansin ni Nathan at nagpatuloy sa paglakad. Nasa harapan na sila ng mansyon nang may marinig silang babae na sumisigaw. Kaagad nilang hinanap ang boses ng babae sa gilid ng malaking bahay. At natagpuan nila ang isang babaeng nalulunod sa swimming pool. "Help! Help!" Sigaw ng babae na nahihirapan nang umibabaw sa tubig. "Miss!" Naging mabilis ang kilos ni Nathan at tinakbo ang kinaroroonan ng babae. Kaagad siyang nag-dive sa malalim na pool patungo sa babae ngunit nang malapit na siya dito at wala na itong malay at unti-unti ng lumulubog sa ilalim ng tubig. Pinilit niyang idilat ang kanyang mata sa ilalim. At mas mabilis siyang lumangoy palapit sa babae. Kaagad niyang hinawahan ito sa beywang nito at hinila pataas. Tinulungan siya ni Raul na maingat ang babae sa pool. "Mis? Miss?" Kahit anong tapik ni Nathan ay hindi na ito gumagalaw. Walang nagawa si Nathan kundi ang bigyan ito ng CPR. Bahagya niyang inaawang ang labi nito at hiningahan niya ito. Pagkatapos ay pi-nump niya ulit ang dibdib nito. Hindi parin ito gumagalaw kaya inulit niya uling bigyan ng hangin ang babae. Hangang sa tuluyan na itong huminga at isinuka lahat ng tubig na nainom niya. Kakababa lang ni Leandro mula sa kwarto nang marinig niya ang sigaw ng kasambahay nila. "Sir! Si Mam Sophia nalunod!" "What!?" Bulalas ni Leandro agad niyang tinakbo kung saan ang swimming pool at nakasunod na sa kanya si Tamara dahil narinig din nito ang sinabi ng kasambahay. "What happen? Sophia! Are you okay?!" Pag-aalalang tanong ni Leandro sa kapatid. Dahil malayo pa lamang ay nakita na nila ang ginagawa ni Nathan upang iligtas ito. Nag-angat ng tingin si Nathan kay Leandro ngunit mas natuon ang atensyon niya sa babaeng nasa likod niya. Si Tamara at kunot noo itong nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD