Third Person's POV “Nakita na nila ang bangkay ni Nathan. Yun ang sabi ni Pascual. Wala na daw magaganap na burol dahil wala naman daw ‘tong pamilya. At gagawin nilang sekreto ang libing nito bukas ng hapon.” Wika ni Leandro sa kanyang ama. Yun kasi ang imporma sa kanya ni Pascual. Sinabi din nito na kaya gagawing lihim ang libing ay dahil baka daw malaman ng pamilya Yao at sumugod ‘to sa sementeryo. “Good! Total ay ikaw naman ang nakapatay sa Nathan na yun. Ikaw na rin ang bahalang magpatahimik kay Tamara.” Utos ng kanyang Ama. “Okay Dad, makakaasa kayo.” Nagpaalam na siya sa kanyang ama upang bumuo ng plano. Masaya siya dahil sa wakas ay makukuha na niyang muli si Tamara. Kailangan niyang pagplanuhan ang pagkuha dito dahil nasisiguro niyang maraming magiging hadlang sa kaniya.

