Third Person’s POV “Mag-iingat kayo!” Paalam ng mga magulang ni Tamara sa kanila. Bago sila lumabas ng bahay upang magtungo sa set-up date nila ni Nathan. Masayang nagpaalam ang dalawa at alam ng mga magulang ni Tamara na malaki na ang pinagbago nito simula nang mag-umpisa silang muli ng panibagong buhay na wala ng Yao family ang nagco-control sa kanila. Nakikita din nila na masaya ang anak nila dahil kay Nathan. At tangap na tangap nila ito para sa kanilang anak dahil sa lahat ng ginawa nito para sa kanilang pamilya. “Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit ang gwapo mo ata sa suot mo ngayon?” Nagtatakang tanong ni Tamara na ikinangiti naman ni Nathan. “Wag kang mainip, pinaghandaan ko ang araw na ‘to para sa atin.” Mula sa kalsada ay napatingin si Tamara sa kanya. “Ibig sabihin mag

